Harper Lee
Harper Lee | |
---|---|
![]() Larawan na gawa ni Truman Capote, 1960 | |
Kapanganakan | Nelle Harper Lee 28 Abril 1926 Monroeville, Alabama, Estados Unidos |
Kamatayan | 19 Pebrero 2016 Monroeville, Alabama, U.S. | (edad 89)
Trabaho | Nobelista |
Edukasyon | Kolehiyong Huntingdon Unibersidad ng Alabama |
Panahon | 1960–2016 |
Kaurian |
|
Kilusang pampanitikan | Timugang Gotiko |
(Mga) kilalang gawa |
|
Lagda | ![]() |
Si Nelle Harper Lee (Abril 28, 1926 - Pebrero 19, 2016) ay isang Amerikanang nobelista. Nanalo ang kanyang nobela noong 1960, To Kill a Mockingbird, ng Gantimpalang Pulitzer ng 1961 at naging klasiko ng modernong panitikang Amerikano. Tinulungan niya ang kanyang malapit na kaibigan na si Truman Capote sa kanyang pananaliksik para sa aklat na In Cold Blood (1966).[1] Ang kanyang ikalawa at huling nobela, ang Go Set a Watchman, ay naunang burador ng Mockingbird, na itinakda sa mas huling petsa, na nailathala noong Hulyo 2015 bilang karugtong.[2][3][4]
Maluwag na nakabatay ang balangkas at mga tauhan ng To Kill a Mockingbird sa mga obserbasyon ni Lee ng kanyang pamilya at mga kapitbahay sa Monroeville, Alabama, pati isang kaganapan sa pagkabata malapit sa kanyang bayan noong 1936. Tumatalakay ang nobela sa mga rasistang saloobin, at sa di-makatwirang saloobin ng mga adulto tungkol sa lahi at uri sa Deep South ng d. 1930, na inilaarawan sa mata ng dalawang bata.
Nakatanggap si Lee ng maraming parangal at honoraryong digri, kabilang ang Pampangulong Medalya ng Kalayaan noong 2007, na iginawad para sa kanyang kontribusyon sa panitikan.[5][6][7]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Nelle Harper Lee noong Abril 28, 1926, sa Monroeville, Alabama,[8] ang bunso sa apat na anak ni Frances Cunningham (née Finch) at Amasa Coleman Lee.[9] Pinili ng kanyang mga magulang ang kanyang gitnang pangalan, Harper, upang parangalan ang pedyatrisyan na si Dr. William W. Harper, ng Selma, na nagligtas sa buhay ng kanyang kapatid na si Louise.[10] Ang kanyang unang pangalan, Nelle, ay pangalan ng kanyang lola na binabaybay nang baliktad at ang pangalan na ginamit niya, samantalang Harper Lee ang naging palayaw niya.[11] Isang maybahay ang ina ni Lee, habang ang kanyang ama ay dating patnugot ng diyaryo, negosyante, at abogado, na naglingkod din sa Lehislatura ng Estado ng Alabama mula 1926 hanggang 1938. Sa pamamagitan ng kanyang ama, kamag-anak siya ni Kumpederadong Heneral Robert E. Lee at isang miyembro ng kilalang pamilyang Lee.[12][13] Bago naging tituladong abogado si A.C. Lee, ipinagtanggol niya ang dalawang itim na lalaki na inakusahan ng pagpatay sa isang puting maytindahan. Parehong binitay ang mga kliyenteng mag-ama.[14]
Ang tatlong kapatid ni Lee ay sina Alice Finch Lee (1911–2014),[15] Louise Lee Conner (1916–2009), at Edwin Lee (1920–1951).[16] Bagama't nakipag-ugnayan si Nelle sa kanyang mga nakatatandang kapatid na babae sa buong buhay nila, ang kanyang tanging kapatid na lalaki lamang ang may magkalapit na edad para makipaglaro, bagaman naging malapit siya kay Truman Capote (1924–1984), na bumisita sa pamilya sa Monroeville noong mga tag-init mula 1928 hanggang 1934.[17]
Habang naka-enrol sa Mataas na Paaralan ng Kondadong Monroe, naging interesado si Lee sa panitikang Ingles, bahagya dahil sa kanyang guro na si Gladys Watson, na naging mentor niya. Pagkatapos niya ng mataas na paaralan noong 1944,[9] tulad ng kanyang ate na si Alice Finch Lee, Nag-aral si Nelle sa pambabaeng Kolehiyong Huntingdon sa Montgomery sa loob ng isang taon, tapos lumipat sa Unibersidad ng Alabama sa Tuscaloosa, kung saan nag-aral siya ng abogasya ng ilang taon. Sumulat din si Nelle para sa pahayagan ng unibersidad (The Crimson White) at isang magasing pampatawa (Rammer Jammer), ngunit sa pagkadismaya ng kanyang ama, umalis siya noong isang semestre na lang ang kulang para makumpleto ang kinakailangang oras para sa digri.[18][9]:335-336[19] Noong tag-init ng 1948, nag-aral si Lee sa isang programang tag-init sa paaralan, "Kabihasnang Europeo sa Ikadalawampung Siglo", sa Unibersidad ng Oxford sa Inglatera, na tinustusan ng kanyang ama, na umasa—sa walang kabuluhan, ayon sa nangyari—na dahil sa karanasang iyon, mas magiging interesado siya sa kanyang pag-aaral ng abogasya sa Tuscaloosa.[20]
To Kill a Mockingbird
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi ko inakalang magtatagumpay ang Mockingbird kahit papaano. Umasa ako na magiging mabilis at maawain ang pagbabatikos sa kamay ng mga kritiko, ngunit medyo umasa rin ako na may makakagusto nito para makapagbigay ng pampatibay-loob. Pampatibay-loob sa publiko. Umaasa ako ng kaunti, gaya ng sinabi ko, ngunit maraming-marami ang nakuha ko, at sa ilang paraan nakakatakot din ito parang ang mabilis at maawaing pagbabatikos na inasahan ko. (Isinalin mula sa Ingles)
— Harper Lee, sinipi sa Newquist, 1964[21]
Noong 1949, lumipat si Lee sa Lungsod ng New York at nagtrabaho—una sa isang libreriya, at pagkatapos bilang isang ahente ng pagpapareserba ng eroplano—habang nagsusulat sa kanyang bakanteng oras.[9]:336 Pagkatapos maglathala ng ilang mahabang kwento, nakahanap si Lee ng ahente noong Nobyembre 1956; magiging kaibigan si Maurice Crain hanggang sa kamatayan niya pagkaraan ng maraming dekada. Sa susunod na buwan, sa townhouse ni Michael Brown sa East 50th Street, binigyan si Lee ng kanyang mga kaibigan ng sahod na pang-isang taon na may kasamang sulat: "Mayroon kang isang taon na bakasyon sa iyong trabaho para magsulat ng kahit anong gusto mo. Maligayang Pasko."[22]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong tagsibol ng 1957, inihinatid ni Lee, na 31 taong gulang noon, ang manuskrito para sa Go Set a Watchman kay Crain upang ipadala sa mga lathalaan, kabilang dito ang J. B. Lippincott Company, ang nakabili nito sa kalaunan at lipas na ngayon.[23] Sa Lippincott, nahulog ang nobela sa mga kamay ni Tay Hohoff. Napahanga si Hohoff. "[A]ng dagitab ng tunay na manunulat ay kumislap sa bawat linya", ikinuwento niya sa isang kasaysayan ng kompanya ng Lippincott.[23] Ngunit sa pananaw ni Hohoff, hindi pa angkop ang manuskrito para sa publikasyon. Ito ay, sa kanyang paglalarawan, "mas kahawig sa isang serye ng mga anekdota kaysa sa isang ganap na nobela".[23] Sa mga susunod na taon, inakay niya si Lee sa ilang burador hanggang sa wakas ay natapos ang aklat at binigyan ng bagong pamagat, To Kill a Mockingbird.[23]
Tulad ng maraming may-akda na hindi pa nailalathala, walang tiwala si Lee sa kanyang mga talento. "Unang beses ko magsulat noon, kaya ginawa ko ang sinabi sa akin," sinabi ni Lee sa isang pahayag noong 2015 tungkol sa ebolusyon mula Watchman patungo sa Mockingbird.[23] Kalaunan, inilarawan ni Hohoff ang proseso sa kasaysayan ng korporasyon ng Lippincott: "Pagkatapos ng ilang pasimulang huwad, naging mas malinaw ang balangkas, pakikipag-ugnayan ng mga tauhan, at pagbagsak ng diin, at sa bawat rebisyon—nagkaroon ng maraming maliliit na pagbabago habang tumibay ang kuwento at ang sarili niyang paningin dito—naging maliwanag ang tunay na tindig ng nobela." (Noong 1978, nakuha ang Lippincott ng Harper & Row, na naging HarperCollins na naglathala ng Watchman noong 2015.)[23] Inilarawan ni Hohoff ang pagbibigay-at-pagtanggap ng may-akda at patnugot: "Kapag hindi siya sumang-ayon sa isang mungkahi, pinag-usapan namin ito, kung minsan nang maraming oras" ... "At kung minsan, nagbago ang isip niya pabor sa aking paraan ng pag-iisip, minsan ako naman sa kanya, kung minsan magbubukas ang talakayan ng bagong pagtuunan ng pansin."[23]
Isang gabi ng taglamig, ayon kay Charles J. Shields sa Mockingbird: A Portrait of Harper Lee, itinapon ni Lee ang kanyang manuskrito sa labas ng kanyang bintana tungo sa niyebe, bago tawagin si Hohoff habang umiiyak. Naalala ni Shields na "Sinabi sa kanya ni Tay na magmartsa kaagad sa labas at kunin ang mga pahina".[23]
Nang sa wakas ay handa na ang nobela, pinili ng may-akda na gamitin ang pangalang "Harper Lee" sa halip na mapagkamalan ang kanyang unang pangalan, Nelle, ng "Nellie".[24]
Nailathala noong Hulyo 11, 1960, naging pinakamabiling aklat agad ang To Kill a Mockingbird at pinuri ng mga kritiko, kabilang dito ang pagkapanalo ng Gantimpalang Pulitzer para sa Kathang-isip noong 1961. Isa sa mga pinakamabenta pa rin ito, na may higit sa 40 milyong kopyang nakaimprenta. Noong 1999, binoto ito bilang ang "Pinakamahusay na Nobela ng Siglo" sa isang poll sa Library Journal.[25]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Harris, Paul (Mayo 4, 2013). "Harper Lee sues agent over copyright to To Kill A Mockingbird" [Harper Lee, nagdemanda laban sa ahente dahil sa karapatang-sipi ng To Kill A Mockingbird]. The Guardian (sa wikang Ingles).
- ↑ Nocera, Joe (Hulyo 24, 2015). "The Harper Lee 'Go Set A Watchman' Fraud" [Ang Panloloko ng 'Go Set A Watchman' ni Harper Lee]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 15, 2015.
- ↑ Oldenburg, Ann (Pebrero 3, 2015). "New Harper Lee novel on the way!" [Paparating na ang bagong nobela ni Harper Lee!]. USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 3, 2015.
- ↑ Alter, Alexandra (Pebrero 3, 2015). "Harper Lee, Author of 'To Kill a Mockingbird,' Is to Publish a Second Novel" [Harper Lee, May-akda ng 'To Kill a Mockingbird,' Maglalathala ng Ikalawang Nobela]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 3, 2015.
- ↑ "President Bush Honors Medal of Freedom Recipients" [Pangulong Bush, Pinarangalan ang Mga Tatanggap ng Medalya ng Kalayaan] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). The White House. Nobyembre 5, 2007.
- ↑ Chappell, Bill (Pebrero 19, 2016). "Harper Lee, Author Of 'To Kill A Mockingbird,' Dies At Age 89" [Harper Lee, May-akda Ng 'To Kill A Mockingbird,' Namatay sa Edad na 89]. NPR.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2021.
- ↑ "Notre Dame issues statement about passing of Harper Lee, shares video" [Notre Dame, naglabas ng pahayag tungkol sa pagpanaw ni Harper Lee, nagbahagi ng bidyo]. ABC57 (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2021.
- ↑ Grimes, William (Pebrero 19, 2016). "Harper Lee, Author of 'To Kill a Mockingbird,' Dies at 89" [Harper Lee, May-akda ng 'To Kill a Mockingbird,' Namatay sa Edad na 89]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 19, 2016.
- ↑ 9.0 9.1 9.2 9.3 Anderson, Nancy G. (Marso 19, 2007). "Nelle Harper Lee". The Encyclopedia of Alabama (sa wikang Ingles). Auburn University at Montgomery. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2012. Nakuha noong Nobyembre 3, 2010.
- ↑ Mills, Marja (2014). The Mockingbird Next Door: Life with Harper Lee [Ang Kapitbahay na Mockingbird: Buhay kasama si Harper Lee] (sa wikang Ingles). Penguin. p. 181. ISBN 978-0698163836.
- ↑ Kovaleski, Serge (Marso 11, 2015). "Harper Lee's Condition Debated by Friends, Fans and Now State of Alabama" [Ang Kondisyon ni Harper Lee na Pinagtatalunan ng Mga Kaibigan, Tagahanga at Ngayon, Ang Estado ng Alabama]. The New York Times (sa wikang Ingles). New York. Nakuha noong Marso 12, 2015.
- ↑ "Harper Lee Before 'To Kill a Mockingbird'" [Harper Lee Bago ang 'To Kill a Mockingbird'] (sa wikang Ingles). Pebrero 23, 2016.
- ↑ "Who is Harper Lee?" [Sino si Harper Lee?]. USA Today (sa wikang Ingles).
- ↑ Shields, Charles J. (2006). Mockingbird: A Portrait of Harper Lee [Mockingbird: Isang Litrato ni Harper Lee] (sa wikang Ingles). Henry Holt and Co. ISBN 978-0805083194. Nakuha noong Pebrero 19, 2016.
- ↑ Woo, Elaine (Nobyembre 22, 2014). "Lawyer Alice Lee dies at 103; sister of 'To Kill a Mockingbird' author" [Abogada Alice Lee, namatay sa edad na 103; kapatid ng may-akda ng 'To Kill a Mockingbird']. Los Angeles Times (sa wikang Ingles).
- ↑ "Louise L. Conner Obituary" [Obitwaryo ni Louise L. Conner]. The Gainesville Sun (sa wikang Ingles).
- ↑ Nancy Grisham Anderson, "Harper Lee: 'To Kill a Mockingbird' and 'A Good Woman's Words,'" mga pa. 334 et seq. sa Susan Ashmore, Dorr Youngblood at Lisa Lindquist, Alabama Women: Their Lives and University of Alabama Press 2017
- ↑ The Corolla. Bol. 55. Tuscaloosa: Unibersidad ng Alabama. 1947. p. 54.
- ↑ Cep, Casey (2019). Furious hours: murder, fraud, and the last trial of Harper Lee [Galit na oras: pagpatay, pandaraya, at ang huling pagsubok ni Harper Lee] (sa wikang Ingles). New York: Alfred A. Knopf. p. 189. ISBN 978-1101947869.
- ↑ "Harper Lee's Oxford Summer," Department of Continuing Education, Oxford University [Tag-init sa Oxford ni Harper Lee] (sa wikang Ingles): wala ring petsa ang di-nalagdaang artikulo, ngunit naisulat pagkatapos ng publikasyon ng Go Set a Watchman; nakuha noong Disyembre 12, 2016.
- ↑ Newquist, Roy, pat. (1964). Counterpoint [Kontrapunto]. Chicago: Rand McNally. ISBN 1-111-80499-0.
- ↑ Lee, Harper (Disyembre 12, 2015). "Harper Lee: my Christmas in New York" [Harper Lee: aking Pasko sa New York]. The Guardian (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.theguardian.com.
- ↑ 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 23.6 23.7 Mahler, Jonathan (Hulyo 12, 2015). "The Invisible Hand Behind Harper Lee's 'To Kill A Mockingbird'" [Ang di-nakikitang kamay sa likod ng 'To Kill A Mockingbird' ni Harper Lee]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 15, 2015.
- ↑ Maslin, Janet (Hunyo 8, 2006). "A Biography of Harper Lee, Author of 'To Kill a Mockingbird'" [Isang Talambuhay ni Harper Lee, May-akda ng 'To Kill a Mockingbird']. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 30, 2014.
- ↑ "1960, To Kill a Mockingbird" (sa wikang Ingles). PBS. Nakuha noong Nobyembre 30, 2014.