Hatirang pangmadla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mga halimbawa ng hatirang pangmadla. Mula kaliwa pakanan, taas pababa: Facebook, Instagram, Twitter, Reddit, WhatsApp, YouTube, at Google Plus.

Ang hatirang pangmadla[a] o sosyal medya (Ingles: social media) ay ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa mundong digital, sa pamamagitan ng mga birtwal na pamayanan at network.[3][4] Bagamat may mga pagtatalo sa pagpapakahulugan nito dahil na rin sa lawak at saklaw ng mga kasalukuyang hatirang pangmadla sa Internet, may mga magkakapareho itong mga katangian:[4]

  1. Mga interaktibong aplikasyong nakabatay sa Internet na Web 2.0 ang mga hatirang pangmadla.[4][5]
  2. Mahalaga sa mga ito ang mga pinapasok na nilalaman ng mga tagagamit nito — tulad ng mga paskil o post, teksto, at komento, gayundin ng mga larawan o bidyo, pati na rin ang mga datos na nabuo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba online.[4][5]
  3. Gumagawa ng isang profile ang bawat tagagamit nito na dinisenyo at pinapanatili ng mga organisasyong gumawa nito.[4][6]
  4. Pinadadali ng mga hatirang pangmadla ang pagbubuo ng mga online na social network sa pamamagitan ng pag-uugnay ng profile ng isang tagagamit sa ibang mga profile ng mga indibidwal o pangkat.[4][6]

Para magamit ang mga ito, madalas pumupunta ang mga tagagamit sa web-based na app sa mga desktop at laptop, o di kaya'y nagda-download ng mga serbisyo na nagbibigay ng kakayahan sa kanila na magamit ito sa mga kanilang mobile device tulad ng smartphone at tablet. Habang gumagamit ang mga tagagamit ng ganitong mga serbisyong elektronika, lumilikha sila ng napaka-interaktibong mga plataporma kung saan ang mga indibidwal, pamayanan, o organisasyon ay maaring mamahagi, mag-co-create, mag-usap, makilahok, at magbago ng mga nilalamang binuo ng mga tagagamit o sariling-ayos na mga nilalamang ipinaskil online.[3] Bilang karagdagan, ginagamit ang hatirang pangmadla upang itala ang mga ala-ala; makatuto at siyasatin ang mga bagay-bagay; ianunsiyo ang sarili; at makabuo ng mga pagkakaibigan kasabay ng pag-unlad ng mga kaisipan mula sa paglikha ng mga blog, podcast, bidyo, at gaming site.[7] Ang nagbabagong ugnayan sa pagitan ng tao at teknolohiya ay ang sentro ng umuusbong na larangan ng mga pag-aaral na teknohumano [en].

Ilan sa tanyag na hatirang pangmadla na mga websayt na may higit sa 100 milyong nakarehistrong mga tagagamit ay Facebook (at ang kaugnay nitong Facebook Messenger), TikTok, WeChat, Instagram, QZone, Weibo, Twitter, Tumblr, Baidu Tieba, at LinkedIn. Depende sa pagkahulugan, ang ibang kilalang mga plataporma na minsang tinukoy bilang mga serbisyong hatirang pangmadla ay YouTube, QQ, Quora, Telegram, WhatsApp, LINE, Snapchat, Pinterest, Viber, Reddit, Discord, VK, Microsoft Teams, at marami pa. Ang mga Wiki ay halimbawa ng kolaboratibong paglikha ng mga nilalaman.

Naiiba ang mga outlet ng hatirang pangmadla sa nakagisnang midya (tulad ng nakaimprentang mga magasin at pahayagan, at pagsasahimpapawid ng telebisyon at radyo) sa maraming paraan, tulad ng kalidad,[8] abot o saklaw, dalas, utilidad, kakagyatan, at pagkapermanente.[9] Bukod dito, gumagana ang mga outlet ng hatirang pangmadla sa isang diyalohikong sistema ng transmisyon (iyan ay, mula sa maraming mga tagapag-imporma patungo sa maraming mga tagatanggap), samantalang gumagana ang mga outlet ng nakagisnang midya sa monolohiko na modelo ng transmisyon (isang pinagmumulan patungo sa maraming mga tagatanggap). Halimbawa, dinadala ang isang pahayagan sa maraming mga suskriptor at ang isang himpilan ng radyo ay nagsasahimpapawid ng parehong mga palatuntunan sa isang buong lungsod.[10]

Maraming mga indibidwal ang nakakapansin sa malawak na saklaw ng mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng social media. Maaari itong makatulong upang mapabuti ang koneksyon ng isang indibidwal sa mga tunay o online na komunidad at maaaring maging isang epektibong kagamitan para sa komunikasyon (o marketing) ng mga korporasyon, negosyante, organisasyon, mga grupo ng adbokasiya, mga partidong pampulitika, at pamahalaan. Nakikita rin nila ang pagkakaroon ng pagtaas sa mga kilusang pakikibaka at panlipunan gamit ang social media bilang isang kasangkapan para sa pakikipag-usap at pag-oorganisa sa tuwing may mga kaguluhan sa pulitika at lipunan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ginamit sa isang batayang aklat gayundin sa opisyal na Gabay Pangkurikulum na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon para sa ikasampung baitang noong 2019.[1][2]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "K to 12 Gabay Pangkurikulum – FILIPINO (Baitang 1 - 10)" (PDF). Kagawaran ng Edukasyon. Mayo 2016. pa. 178. Nakuha noong Marso 20, 2021. Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)...
  2. Bulwagan – Kamalayan sa Gramatika at Panitikan (Baitang 10). Abiva Publishing House, Inc. 2017. pa. 188. ISBN 978-621-405-060-4.
  3. 3.0 3.1 Kietzmann, Jan H.; Kristopher Hermkens (2011). "Social media? Get serious! Understanding the functional building blocks of social media". Business Horizons (Submitted manuscript). 54 (3): 241–251. doi:10.1016/j.bushor.2011.01.005.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Obar, Jonathan A.; Wildman, Steve (2015). "Social media definition and the governance challenge: An introduction to the special issue". Telecommunications Policy. 39 (9): 745–750. doi:10.1016/j.telpol.2015.07.014. SSRN 2647377.
  5. 5.0 5.1 Kaplan Andreas M.; Haenlein Michael (2010). "Users of the world, unite! The challenges and opportunities of social media" (PDF). Business Horizons. 53 (1): 61. doi:10.1016/j.bushor.2009.09.003. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2011-11-24. Nakuha noong 2016-12-07.
  6. 6.0 6.1 boyd, danah m.; Ellison, Nicole B. (2007). "Social Network Sites: Definition, History, and Scholarship". Journal of Computer-Mediated Communication. 13 (1): 210–30. doi:10.1111/j.1083-6101.2007.00393.x.
  7. O'Keeffe, Gwenn Schurgin; Clarke-Pearson, Kathleen; Media, Council on Communications and (Abril 1, 2011). "The Impact of Social Media on Children, Adolescents, and Families". Pediatrics (sa wikang Ingles). 127 (4): 800–804. doi:10.1542/peds.2011-0054. ISSN 0031-4005. PMID 21444588.
  8. Agichtein, Eugene; Carlos Castillo. Debora Donato; Aristides Gionis; Gilad Mishne (2008). "Finding high-quality content in social media" (PDF). WISDOM – Proceedings of the 2008 International Conference on Web Search and Data Mining: 183–193.
  9. Xiaohui Tao; Wei Huang; Xiangming Mu; Haoran Xie (18 November 2016). "Special issue on knowledge management of web social media". Web Intelligence. 14 (4): 273–274. doi:10.3233/WEB-160343 – sa pamamagitan ng/ni Lingnan scholars.CS1 maint: multiple names: listahan ng mga may-akda (link)
  10. Pavlik & MacIntoch, John and Shawn (2015). Converging Media 4th Edition. New York, NY: Oxford University Press. pa. 189. ISBN 978-0-19-934230-3.

Mga karagdagang babasahin[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Aral, Sinan (2020). The Hype Machine: How Social Media Disrupts Our Elections, Our Economy, and Our Health—and How We Must Adapt. Currency. ISBN 978-0525574514.
  • Gentle, Anne (2012). Conversation and Community: The Social Web for Documentation (ika-2nd (na) edisyon). Laguna Hills, CA: XML Press. ISBN 978-1-937434-10-6. OCLC 794490599.
  • Hayat, Tsahi; Samuel-Azran, Tal (2017). "'You too, Second Screeners?' Second Screeners' Echo Chambers During the 2016 U.S. Elections Primaries". Journal of Broadcasting & Electronic Media. 61 (2): 291–308. doi:10.1080/08838151.2017.1309417. Unknown parameter |s2cid= ignored (tulong)
  • Lardi, Kamales; Fuchs, Rainer (2013). Social Media Strategy – A step-by-step guide to building your social business (ika-1st (na) edisyon). Zurich: vdf. ISBN 978-3-7281-3557-5.
  • Watts, Duncan J. (2003). Six degrees: The science of a connected age. London: Vintage. pa. 368. ISBN 978-0-09-944496-1.
  • Tedesco, Laura Anne (October 2000). "Lascaux (ca. 15,000 B.C.)". Heilbrunn Timeline of Art History. New York: The Metropolitan Museum of Art.
  • Agozzino, Alisa (2012). "Building A Personal Relationship Through Social Media: A Study Of Millenial Students' Brand Engagement". Ohio Communication Journal. 50: 181–204.
  • Schoen, Harald; Gayo-Avello, Daniel; Takis Metaxas, Panagiotis; Mustafaraj, Eni; Strohmaier, Markus; Gloor, Peter (2013). "The power of prediction with social media". Internet Research. 23 (5): 528–543. CiteSeerX 10.1.1.460.3885. doi:10.1108/IntR-06-2013-0115.
  • Blankenship, M (2011). "How social media can and should impact higher education". The Education Digest. 76 (7): 39. ProQuest 848431918.
  • Beshears, Michael L. (2016). "Effectiveness of Police Social Media Use". American Journal of Criminal Justice. 42 (3): 489–501. doi:10.1007/s12103-016-9380-4. Unknown parameter |s2cid= ignored (tulong)

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]