Hayao Miyazaki
Hayao Miyazaki | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 5 Enero 1941 |
Mamamayan | Hapon |
Nagtapos | Pamantasang Gakushuin |
Trabaho | direktor ng pelikula, animator, Mangaka, screenwriter, editor ng pelikula, prodyuser ng pelikula, lyricist, ilustrador, environmentalist, direktor, comics artist, character designer, mechanical designer, direktor ng animation |

May kaugnay na midya tungkol sa Hayao Miyazaki ang Wikimedia Commons.
Si Hayao Miyazaki (宮崎 駿 Miyazaki Hayao, [mijaꜜzaki hajaꜜo]; ipinanganak Enero 5, 1941[1]) ay isang animador, gumagawa ng pelikula, manunulat ng iskip, may-akda at tagaguhit ng manga mula sa bansang Hapon. Bilang kasamang-tagapagtatag ng Studio Ghibli, isang istudiyo para sa pelikula at animasyon, natamo niya ang internasyunal na pagbubunyi bilang isang dalubhasang mananalaysay at isang tagagawa ng mga tinampok na animasyong pelikula, at tinuturing bilang isa sa mga pinakaganap na tagagawa ng pelikula sa kalakalan ng animasyon.