Heograpiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pisikal na mapa ng Daigdig na nilalarawan ang mga hangganan pampolitika noong 2016

Ang heograpiya (mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na kahulugan: "paglalarawan sa daigdig"[1]) ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.[2] Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194 BC).[3] Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.

Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal.[4][5] May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.[6] Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Harper, Douglas. "Online Etymology Dictionary" (sa Ingles). Online Etymology Dictionary. http://www.etymonline.com/index.php?term=geography. Hinango noong 10 Nobyembre 2016. 
  2. "Geography" (sa Ingles). The American Heritage Dictionary/ of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company. http://dictionary.reference.com/browse/geography. Hinango noong 9 Oktubre 2006. 
  3. Eratosthenes (2010-01-24) (sa Ingles). Eratosthenes' Geography. Princeton University Press (published 24 Enero 2010). ISBN 9780691142678. https://books.google.com/books/about/Eratosthenes_Geography.html?id=8peKyWK_SWsC. 
  4. Pidwirny, Dr. Michael; Jones, Scott. "CHAPTER 1: Introduction to Physical Geography" (sa Ingles). University of British Columbia Okanagan. http://www.physicalgeography.net/fundamentals/1b.html. Hinango noong 10 Nobyembre 2016. 
  5. Bonnett, Alastair (2008-01-16) (sa Ingles). What is Geography?. SAGE Publications (published 16 Enero 2008). ISBN 9781849206495. https://books.google.com/books/about/What_is_Geography.html?id=G_491U8PQFEC. Hinango noong 10 Nobyembre 2016. 
  6. Johnston, Ron (2000). "Human Geography". In Johnston, Ron; Gregory, Derek; Pratt, Geraldine; et al. The Dictionary of Human Geography. Oxford: Blackwell. pp. 353–360.