Heopolitika
Ang heopolitika ay ang pag-aaral ng mga epekto ng heograpiya sa politika at ugnayang pandaigdig.[1][2][3] Karaniwang tumutukoy ito sa mga bansa at sa mga ugnayan sa pagitan nila; maaari rin itong tumuon sa dalawang iba pang uri ng mga estado: mga de paktong malayang estado na may limitadong internasyonal na pagkilala at mga ugnayan sa pagitan ng mga sub-nasyonal na heopolitikong entidad gaya ng mga pederadong estado na bumubuo sa isang pederasyon, konpderasyon, o kuwasipederal na sistema. Ayon sa maraming mananaliksik, kasalukuyang ginagamit ang termino upang ilarawan ang isang malawak na saklaw ng mga konsepto. Sa pangkalahatang diwa, ginagamit ito bilang "isang kasingkahulugan para sa ugnayang pandaigdigan sa politika", ngunit mas partikular na "upang ipahiwatig ang pandaigdigang estruktura ng naturang mga relasyon". Ang paggamit na ito ay nakabatay sa isang termino mula sa unang bahagi ng ika-20 siglo para sa isang seudosiyensiya ng heograpiyang politikal," pati na rin sa iba pang mga seudosiyentipikong teorya ng historikal at heograpikal na determinismo.[4][5][6][2]
Sa antas ng ugnayang pandaigdigan, ang heopolitika ay isang pamamaraan ng pagsusuri ng patakarang panlabas upang maunawaan, ipaliwanag, at mahulaan ang internasyonal na pampolitikang pag-uugali sa pamamagitan ng mga heograpikal na baryable. Kabilang dito ang mga pag-aaral pangrehiyon, klima, topograpiya, demograpiya, likas na yaman, at ang nalalapat na agham na inilalapat sa rehiyong sinusuri.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ An introduction to international relations [Panimula sa ugnayang pandaigdigan] (sa wikang Ingles). Devetak, Richard, George, Jim, 1946-, Percy, Sarah V. (Sarah Virginia), 1977- (ika-3 (na) labas). Cambridge, Reyno Unido. 2017-09-11. p. 816. ISBN 978-1-316-63155-3. OCLC 974647995.
{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link) CS1 maint: others (link) - ↑ 2.0 2.1 Overland, Indra (2015). "Future Petroleum Geopolitics: Consequences of Climate Policy and Unconventional Oil and Gas". Handbook of Clean Energy Systems [Manwal sa Malilinis na Sistema ng Enerhiya] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. pp. 3517–3544. doi:10.1002/9781118991978.hces203. hdl:11250/2451749. ISBN 9781118991978 – sa pamamagitan ni/ng ResearchGate.
- ↑ Cope, Zak, pat. (2025). The Palgrave Handbook of Contemporary Geopolitics [Ang Manwal Palgrave ng Kontemporaneong Heopolitika] (sa wikang Ingles). Cham: Springer Nature Switzerland. doi:10.1007/978-3-031-25399-7. ISBN 978-3-031-25399-7.
- ↑ Gogwilt, Christopher (2000). The fiction of geopolitics: afterimages of geopolitics, from Wilkie Collins to Alfred Hitchcock, 1860–1940 [Ang kathang-isip ng heopolitika: mga naiiwang imahe ng heopolitika, mula Wilkie Collins hanggang Alfred Hitchcock, 1860–1940] (sa wikang Ingles). Stanford, Calif.; Cambridge: Stanford University Press; Cambridge University Press. pp. 35–36. ISBN 978-0-8047-3726-5. OCLC 44932458.
- ↑ Dittmer, Jason; Sharp, Joanne P (2014). Geopolitics: an introductory reader [Heopolitika: isang panimulang babasahin] (sa wikang Ingles). London; New York: Routledge. p. 64. ISBN 978-0-415-66663-3. OCLC 895013513.
- ↑ Deudney, Daniel (Marso 2000). "Geopolitics as Theory:: Historical Security Materialism" [Heopolitika bilang Teorya:: Materyalismo ng Seguridad sa Kasaysayan]. European Journal of International Relations (sa wikang Ingles). 6 (1): 77–107. doi:10.1177/1354066100006001004. ISSN 1354-0661.
- ↑ Evans, Graham (1998). The Penguin dictionary of international relations [Ang diksiyonaryong Penguin ng ugnayang pandaigdigan] (sa wikang Ingles). Newnham, Jeffrey. London: Penguin Books. ISBN 0-14-051397-3. OCLC 41113670.