Pumunta sa nilalaman

Hiparco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hiparco
Kapanganakan190 BCE (Huliyano)
  • (İznik, Lalawigan ng Bursa, Turkiya)
Kamatayan120 BCE (Huliyano)
MamamayanKaharian ng Pergamon
Trabahoastronomo, matematiko, heograpo

Si Hiparco ng Nicea, kilala rin bilang Hiparco lamang (Ingles: Hipparchus o Hipparch, Griyego: Ἵππαρχος, Hipparkhos; bandang 190 BK – bandang 120 BK) ay isang Griyegong astronomo, heograpo, at matematiko noong kapanahunang Helenistiko. Siya ang tagapagtatag ng trigonometriya.[1]

Ipinanganak si Hiparco sa Nicea (o Nicaea), Bithynia (kasalukuyang Iznik, Turkiya). Isa sa kanyang pangunahing tuklas ang pagbabago ng pinag-iinugan (painugan o aksis) ng rotasyon ng mga ekwinoks (galaw ng mundo na naglalagay dito sa bahagyang may kakaibang anggulo sa mga bituin, sa isang ibinigay na araw, taun-taon). Itinuturing si Hiparco bilang pinakamahusay na astronomo noong kanyang kapanahunan. Isinamapa niya ang halos 1,000 mga bituin. Nagkaroon din si Hiparco ng impluwensiya sa teoriya ni Tolomeo hinggil sa sanlibutan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Hipparchus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa H, pahina 334.

AstronomiyaMatematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.