Ho Chi Minh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ho Chi Minh
Ho Chi Minh Drawing Transparent.png
Kapanganakan
Nguyễn Sinh Cung

19 Mayo 1890
  • (Nam Đàn, Nghệ An, Vietnam)
Namatay2 Setyembre 1969
MamamayanHilagang Biyetnam
Trabahopolitiko
Pirma
Ho Chi Minh Signature.svg
Pangulo ng Vietnam
2 Setyembre 1945 — 2 Setyembre 1969
Ho Chi Minh
Pangalang Biyetnames
Biyetnames Hồ Chí Minh
Hán-Nôm
pangalan ng kapanganakan
Pangalang Biyetnames
Biyetnames Nguyễn Sinh Cung
Hán-Nôm

Si Hồ Chí Minh (Mayo 19, 1890Setyembre 2, 1969), ipinanganak na Nguyễn Sinh Cung, ay isang Biyetnamitang politiko, manghihimagsik, at estadista. naging punong ministro (1946–1955) at pangulo (1945–1969) ng Demokratikong Republika ng Biyetnam (Hilagang Biyetnam).

Galing siya sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ama, si Nguyen Sinh Sac, ay isang guro at tagapaglingkod at si Hoang Thi Loan, ang kanyang ina, ay namantay naman noong siya ay labing-isang taong gulang. Pagkatapos mag-aral sa Vinh at Quoc College sa Hué, si Ho ay nagturo sa isang pribadong eskwelahan sa Phan Thiet, sa Timog Annam. Ang kanyang pag-iisip ay nag-umpisa noong 1911, noong napagdesisyunan niyang umalis sa French Indo-China (Vietnam). Siya ay pumunta sa Saigon at nagging katukong sa kusina sa isang French passenger liner na Amiral Latouche-Treville. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa London (1915 – 1917) at Paris (1917 – 1923) bilang kusinero at iba pa. Siya rin ay nagpunta sa United States. Ang kanyang pamphlet, “La Race Noire”, na naipublish sa Moscow noong 1924, ay pinaniniwalaang ito ay base sa kanyang mga karanasan sa pagbyahe noong 1914 – 1916. Pinaniniwalaan ding pansamantala siyang tumira sa

Pinamunuan ni Hồ ang kilusang pangkasarinlang Viet Minh mula 1941 pasulong, na naglunsad ng Demokratikong Republik ang Biyetnam na pinamamahalaan ng mga komunista noong 1945 at nakatalo sa Unyong Pranses noong 1954 sa Labanan sa Dien Bien Phu. Nawalan siya ng kapangyarihang pampolitika sa loob ng Hilagang Biyetnam noong kahulihan ng dekada ng 1950, subalit nanatili bilang pinakanakikitang sinasagisag na pangulo hanggang sa kanyang kamatayan. Pagkaraan ng Pagbagsak ng Saigon, binago o muling pinangalanan ang dating kabisera ng Timog Biyetnam, Saigon na naging Lungsod ng Hồ Chí Minh bilang parangal sa kanya.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang source]

Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:
Wikiquote-logo-en.svg
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

TalambuhayBiyetnamPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Biyetnam at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.