Honorata de la Rama

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Honorata de la Rama-Hernandez (Enero 11, 1905 – Hulyo 11, 1991) o mas kilala sa pangalang Atang dela Rama ay isang Pilipinong mang-aawit at mandudula ng bodabil na naging kauna-unahang Pilipinang artista sa pelikula. Dahil rito ay ginawaran siya ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng teatro at musika noong 1987. Siya ay kabiyak ni Amado V. Hernandez na isa ring Pambansang Alagad ng Sining.