Howard the Duck

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Howard the Duck

Howard The Duck -8.jpg
Howard the Duck #8 (Enero 1977), sining ni Gene Colan & Steve Leialoha.

Tagapaglathala Marvel Comics
Unang labas Adventure into Fear #19 (Disyembre 1973)
Nilikha ni Steve Gerber
Val Mayerik
Mga katangian
Ibang katauhanHoward
Kinaaanibang
pangkat
Defenders
All-Night Party
Kilalang alyasSon of Satan (dati)
KakayahanMaestro ng Quack-Fu

Si Howard the Duck (literal sa Tagalog bilang "Howard ang Bibe") ay isang kathang-isip na karakter mula sa Marvel Comics na nilikha ng manunulat na si Steve Gerber at tagaguhit na si Val Mayerik. Unang lumabas si Howard the Duck sa Adventure into Fear #19 (petsang nasa pabalat: Disyembre 1973) at ilang sumunod na mga serye na sinasalaysay ang mga kabiguan ng masungit, antromporpikong "nakakatuwang hayop" na hindi makaalis sa Daigdig na namamayani ang mga tao.

Ang mga pakikipagsapalaran ni Howard ay pangkalahtang pangungutya sa lipunan, habang may ilan na parodya sa uring piksiyon na may isang metapiksiyon na kamalayan sa medyum. Ang aklat ay eksistensiyalista, at ang pangunahing biro nito, sang-ayon kay Gerber, ay wala itong biro: "na ang pinakaseryosong sandali ng buhay at hindi kapani-paniwalang tangang sandali ay kadalasang natutukoy lamang sa pamamagitan ng isang panandaliang pananaw."[1] Lubos itong salungat sa manunulat ng eksena na si Gloria Katz, na, sa pag-angkop ng komiks sa pelikula, ay sinabing, "Isa itong pelikula tungkol sa isang bibe mula sa kalawakan... Hindi dapat ito maging isang karanasang eksitensyal."[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Where are the jokes? Howard the Duck meets his creator". Mediascene (sa Ingles). Supergraphics (#25): 4–7. Hunyo 1977.
  2. McCoy, Paul Brian (Marso 16, 2010). "F.O.O.M. (Flashbacks of Ol' Marvel) #13: "If It Ain't Funk He Don't Feel It: Howard the Duck (1986)"" (sa Ingles). Comics Bulletin. Sininop mula sa orihinal noong Hulyo 29, 2010. Hinango noong Pebrero 3, 2013.