Humanismong Renasimyento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Imahen sa pabalat na naglalarawan kanila Dante, Petrarch, Boccaccio na kasama ang eskudo de armas ng Medici-Toledo sa itaas.

Ang humanismong Renasimyento ay isang muling pagbabangon sa pag-aaral ng klasikong sinaunang panahon, noong una sa Italya at pagkatapos ay kumalat sa Kanlurang Europa noong ika-14, ika-15, at ika-16 na siglo. Noong panahon, ang terminong humanista (Italyano: umanista) tinutukoy ang mga guro at estudyante ng humanidades, na kilala bilang studia humanitatis, na kinabibilangan ng gramatika, retorika, kasaysayan, tula, at pilosopiyang moral. Ito ay hindi hanggang sa ika-19 na siglo na ito ay nagsimulang tawaging humanismo sa halip na ang orihinal na humanidades, at nang maglaon ay sa pamamagitan ng retronimong humanismong Renasimyento upang makilala ito mula sa mga pag-unlad ng humanismo sa kalaunan.[1] Noong panahon ng Renasimyento, karamihan sa mga humanista ay mga Kristiyano, kaya ang kanilang inaalala ay "dalisayin at ipanumbalik ang Kristiyanismo", hindi upang alisin ito. Ang kanilang pananaw ay bumalik sa ad fontes ("sa mga pinagmumulan") sa pagiging simple ng Bagong Tipan, na lampasan ang mga komplikasyon ng teolohiyang medyebal. Ngayon, sa kabaligtaran, ang terminong humanismo ay dumating upang magpahiwatig ng "isang pananaw sa mundo na itinatanggi ang pagkakaroon o kaugnayan ng Diyos, o kung saan ay nakatuon sa isang purong sekular na pananaw".[2]

May mga mahahalagang sentro ng humanismo sa Florencia, Napoles, Roma, Venecia, Genova, Mantua, Ferrara, at Urbino.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. The term la rinascita (rebirth) first appeared, however, in its broad sense in Giorgio Vasari's Vite de' più eccellenti architetti, pittori, et scultori Italiani (The Lives of the Artists, 1550, revised 1568) Panofsky, Erwin. Renaissance and Renascences in Western Art, New York: Harper and Row, 1960. "The term umanista was used in fifteenth-century Italian academic slang to describe a teacher or student of classical literature and the arts associated with it, including that of rhetoric. The English equivalent 'humanist' makes its appearance in the late sixteenth century with a similar meaning. Only in the nineteenth century, however, and probably for the first time in Germany in 1809, is the attribute transformed into a substantive: humanism, standing for devotion to the literature of ancient Greece and Rome, and the humane values that may be derived from them" Nicholas Mann "The Origins of Humanism", Cambridge Companion to Humanism, Jill Kraye, editor [Cambridge University Press, 1996], p. 1–2). The term "Middle Ages" for the preceding period separating classical antiquity from its "rebirth" first appears in Latin in 1469 as media tempestas. For humanities as the original term for Renaissance humanism, see James Fieser, Samuel Enoch Stumpf "Philosophy during the Renaissance", Philosophy: A Historical Survey with Essential Readings (9th ed.) [McGraw-Hill Education, 2014]
  2. McGrath 2011.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang source]