Pumunta sa nilalaman

Hyun Bin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hyun Bin
Hyun Bin noong 2019
Kapanganakan
Kim Tae-pyung

(1982-09-25) 25 Setyembre 1982 (edad 42)
Nasyonalidad Timog Korea
NagtaposChung-Ang University
B.A. sa Theater and Film
TrabahoAktor
Aktibong taon2003–kasalukuyan
AhenteVAST Entertainment
Tangkad185 cm (6 tal 1 pul)
AsawaSon Ye-jin (k. 2022)
Anak1
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonHyeon-bin
McCune–ReischauerHyŏnbin
Pangalan sa kapanganakan
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonGim Tae-pyeong
McCune–ReischauerKim T'aep'yŏng

Si Hyun Bin (ipinanganak bilang si Kim Tae-pyung noong Setyembre 25, 1982)[1] ay isang Timog-Koreanong aktor.

Unang nakatawag si Hyun Bin ng malawakang pansin para sa kanyang papel sa My Name is Kim Sam-soon, isang Koreanovelang romantikong komedya noong 2005. Simula noon, lumabas siya sa mga pangunahing papel sa mga iba pang matagumpay na teleserye tulad ng Secret Garden, isang dramang romantikong pantasya (2010–2011); Memories of the Alhambra, isang dramang pantasya (2018–2019); at Crash Landing on You, isang dramang romantiko (2019–2020). Sumikat pa lalo si Hyun Bin sa pagbibida sa mga iilang patok sa takilya; ang Confidential Assignment, isang aksyong pampigil-hininga; ang The Swindlers (2017)[2] at The Negotiation (2018), dalawang pampigil-hiningang kriminal; pati na rin ang Rampant, isang pelikulang katatakutan (2018).

Pinuri si Hyun Bin ng mga kritiko para sa kanyang pagganap sa Late Autumn, isang pelikulang melodrama, na nilabas sa Ika-61 Berlin International Film Festival. Sa buong karera niya, nanomina siya para sa mararaming gantimpala, kabilang ang lima sa Baeksang Arts Awards, at ginantimpalaan sa pag-aarte, tulad ng Grand Prize (Daesang) para sa TV sa ika-47 Baeksang Arts Awards.

Noong Oktubre 29, 2013, natanggap ni Hyun ang parangal ng Pangulo sa 50th Savings Day na ginanap ng Financial Services Committee, para sa pag-ipon ng 35 bilyong won (humigit-kumulang US$33 milyon) sa loob ng labing pitong taon.[3]

Noong Pebrero 2016, nakibahagi si Hyun sa isang campanya ng kamalayan laban sa kalupitan sa mga hayop. Bilang bahagi ng proyekto, ang ahensya ni Hyun na VAST Entertainment ay naglabas ng mga larawan niya na nakikipag halubilo sa isang retiradong search and rescue dog na pinangalanang "Vision".[4]

Noong Marso 2020, ipinahayag na si Hyun ay nagbigay ng lihim na donasyon na 200 milyong won sa non-profit na organisasyon, Community Chest of Korea, upang tumulong sa paglaban sa pagsiklab ng COVID-19 noong Pebrero 21, 2020.[5] Kasama rin si Hyun bilang miyembro sa "Honor Society", isang grupo ng mga pangunahing pribadong donor, para sa kanyang maraming mga donasyon sa iba't ibang layunin. Patuloy niyang sinusuportahan ang mga proyekto ng mga organisasyon tulad ng Save the Children, Community Chest of Korea at mga internayonal relief na mga NGO.[6]

Noong Marso 8, 2022, nagbigay si Hyun ng donasyon na ₩200 milyon sa Hope Bridge Disaster Relief Association, kasama si Son Ye-jin para tulungan ang mga napinsala ng napakalaking wildfire na nagsimula sa Uljin, Gyeongbuk at patuloy na kumalat sa Samcheok , Gangwon.[7]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kamusmusan at Edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Hyun ay ipinanganak at lumaki sa Seoul at may isang nakatatandang kapatid na lalaki. Nagtapos siya sa Youngdong High [en] School[8] at nag-aral sa Chung-Ang University [en], kung saan nagtapos siya ng Theater Studies noong 2004. Noong 2009, nag-enrol siya sa parehong unibersidad upang makakuha ng Master's degree.[9]

Si Hyun Bin at Son Ye-jin

Noong Enero 1, 2021, kinumpirma ng ahensya ni Hyun na may relasyon siya sa aktres na si Son Ye-jin, ang kanyang co-star sa The Negotiation (2018) at Crash Landing on You (2019–2020), mula noong nakaraang taon, pagkatapos Nagtapos ang Crash Landing on You.[10] Noong Pebrero 10, 2022 inihayag nina Son at Hyun Bin ang kanilang plano na magpakasal sa pamamagitan ng pag-post ng isinulat nilang liham sa kanilang kanya-kanyang sosyal media account.[11] Ikinasal sila sa isang pribadong seremonya noong Marso 31, na dinaluhan ng kanilang mga magulang at mga kaibigan.[12]

Noong Hunyo 27, inihayag ni Son na buntis siya sa kanilang unang anak,[13] at nanganak siya ng isang lalaki noong Nobyembre 27, 2022.[14][15]

Taon Pamagat sa Ingles Pamagat sa Koreano Papel Mga tala Sang.
2002 Shower 샤워 Hong-kyu Hindi ipinalabas [kailangan ng sanggunian]
2004 Spin Kick 돌려차기 Lee Min-gyu [kailangan ng sanggunian]
2005 Daddy Long Legs 키다리 아저씨 Hyung-joon [16]
2006 A Millionaire's First Love 백만장자의 첫사랑 Kang Jae-kyung [kailangan ng sanggunian]
2009 I Am Happy 나는 행복합니다 Jo Man-soo [kailangan ng sanggunian]
2011 Late Autumn 만추 Hoon [kailangan ng sanggunian]
Come Rain, Come Shine 사랑한다, 사랑하지 않는다 Hwang Ji-seok [kailangan ng sanggunian]
Tears of Africa 아프리카의 눈물 Tagapagsalaysay Dokumentaryo [17]
2014 The Fatal Encounter 역린 Haring Jeongjo [kailangan ng sanggunian]
2017 Confidential Assignment 공조 Im Cheol-ryung [kailangan ng sanggunian]
The Swindlers Hwang Ji-sung [kailangan ng sanggunian]
2018 The Negotiation 협상 Min Tae-gu [kailangan ng sanggunian]
Rampant 창궐 Lee Chung [kailangan ng sanggunian]
2020 Bargaining 교섭 Dae-sik [kailangan ng sanggunian]

Mga teleserye

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat sa Ingles Pamagat sa Koreano Papel Kalambatan Sang.
2003 Bodyguard 보디가드 Stalker KBS2 [kailangan ng sanggunian]
2004 Nonstop 4 논스톱 4 Kanyang sarili MBC [18]
Ireland 아일랜드 Kang Gook [19]
2005 My Lovely Sam Soon 내 이름은 김삼순 Hyun Jin-heon [20]
Nonstop 5 논스톱 5 Kanyang sarili (kameo) [21]
2006–2007 The Snow Queen 눈의 여왕 Han Tae-woong/Han Deuk-gu KBS2 [kailangan ng sanggunian]
2008 Worlds Within 그들이 사는 세상 Jung Ji-oh [kailangan ng sanggunian]
2009 Friend, Our Legend 친구, 우리들의 전설 Han Dong-soo MBC [kailangan ng sanggunian]
2010–2011 Secret Garden 시크릿 가든 Kim Joo-won SBS [kailangan ng sanggunian]
2015 Hyde Jekyll, Me 하이드 지킬, 나 Gu Seo-jin/Robin [kailangan ng sanggunian]
2018–2019 Memories of the Alhambra 알함브라 궁전의 추억 Yoo Jin-woo tvN [kailangan ng sanggunian]
2019–2020 Crash Landing on You 사랑의 불시착 Ri Jung-hyuk [kailangan ng sanggunian]

Palabas sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat Papel Kalambatan Sang.
2010–2011 Tears of Africa Tagapagsalaysay MBC [22]
2012 Tears of the Earth - from the North Pole to the South Pole [23]

Pagpapakita sa mga music video

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat ng Kanta Artista Sang.
2003 "내탓이죠" Herb
2005 "Memory" Kim Bum-soo [24]
"Hey U" Lemon Tree [25]
2018 "Reply" Kim Dong-ryool [26]
Taon Pamagat Mga tala Sanggunian
2010 Dream in My Heart
2011 Can't Have You Friend, Our Legend OST [27]
That Man Secret Garden OST [28]

Ambassadorship

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kaganapan Sanggunian
2009 Pink Ribbon Love Marathon ambassador [29]
2011 PR ambassador of Hyundai Motors' "Hyundai Grandeur" [30]
2013 PR ambassador of Kia Motors' "The New K5" [31]
2014 Promotional ambassador of Incheon Asian Games [32]
2016 Promotional ambassador of Gwangju Biennale [33]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sunio, Patti (Pebrero 3, 2020). "5 things to know about K-drama star Hyun Bin". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "[INTERVIEW] From rom-com heartthrob to action hero". The Korea Times. Nobyembre 4, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Yonhap News Agency". Yonhap News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 김경빈 (2018-05-18). "현빈이 은퇴한 구조견과 프로필 사진 찍은 사연". 인사이트 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 스타뉴스 (2020-03-03). "현빈, 남몰래 코로나19 피해 극복 위해 2억원 기부". 스타뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 안은재 (2020-03-04). "이시언→현빈, 기부금액·방식 떠나 칭찬 받아 마땅한 '선행'[SS톡]". 스포츠서울 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 기자, 강효진. "현빈♥손예진, 결혼 앞두고 산불 성금 2억 기부…선행 펼치는 예비부부". entertain.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "네이버 PC 인물 검색 홈". people.search.naver.com. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "탤런트 현빈 대학원생 된다". 노컷뉴스. 2009-02-10. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "[공식] 현빈♥손예진 열애 인정 사랑의 불시착' 종영 후 연인으로 발전'". 서울경제 (sa wikang Koreano). 2021-01-01. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 이우주. "현빈♥손예진, 결혼 발표 "남은 인생을 함께 할 사람" [전문]". entertain.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "'Crash Landing on You' couple Hyun Bin, Son Ye-jin wed in private ceremony". n.news.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Yang, Haley. "Son Ye-jin and Hyun Bin are expecting a baby". n.news.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 기자, 황소영. "현빈·손예진, 오늘(27일) 득남 "산모 아기 모두 건강"". entertain.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 早报数码. "孙艺真生了! 提前阵痛顺产男宝宝 | 早报". www.zaobao.com.sg (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "'키다리 아저씨', 박은혜의 상대역으로 현빈 발탁". Joy News (sa wikang Koreano). Nobyembre 1, 2004.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Tears of Africa - Movie (Movie)". HanCinema. Nakuha noong Mayo 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "현빈, '논스톱4' 출연하니 '인기 논스톱'". The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Marso 12, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2017. Nakuha noong Agosto 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "'아일랜드' 현빈, '인기 상승'". The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Setyembre 17, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2017. Nakuha noong Agosto 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "'내 이름은 김삼순'의 현빈". Hankook Ilbo (sa wikang Koreano). Agosto 10, 2005.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "[방송]에릭-현빈, 시트콤 '논스톱5' 특별출연". The Donga Ilbo (sa wikang Koreano). Setyembre 10, 2005.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "현빈, MBC 다큐 '아프리카의 눈물' 내레이터로 나서". Maeil Business Newspaper (sa wikang Koreano). Nobyembre 22, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "[오늘의 추천방송] MBC 'MBC스페셜'". PD Journal (sa wikang Koreano). Pebrero 23, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "현빈-이다해, 4일간 삿포로서 슬픈 사랑". Star News (sa wikang Koreano). Enero 10, 2005.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "현빈, '나, 레몬트리 도우미' 데뷔앨범 뮤비 우정 출연". The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Oktubre 25, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2017. Nakuha noong Agosto 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "[공식] 김동율 신곡 '답장', MV 티저 공개…현빈 그윽한 눈빛". News1 (sa wikang Koreano). Enero 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "현빈 '가질수 없는 너', 송혜교와 결별 심경 토로?". 아시아경제 (sa wikang Koreano). 2011-03-08. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "[FOCUS] Actor Hyun Bin, this man cries". 아시아경제 (sa wikang Koreano). 2011-01-14. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "'2009 핑크리본 사랑의 마라톤' 참석한 배우 현빈과 윤은혜". n.news.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Hyun Bin Donates Hyundai Grandeur to UNICEF". english.chosun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "The Korea Economic Daily". web.archive.org. 2019-06-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-27. Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Hyun Bin Picked to Promote Incheon Asian Games". english.chosun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Hyun Bin to Promote Gwangju Biennale". english.chosun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)