Ikatlong Konsehong Budista
Salungat sa nagkakaisang mga salaysay ng Ikalawang Konsehong Budista, may mga rekord ng ilang posibleng mga Ikatlong Konsehong Budista. Ayon sa mga komentaryo at kronikang Theravāda, ang Ikatlong Konsehong Budista ay tinipon ng Hari ng Imperyong Maurya na si Ashoka sa Pātaliputra (ngayong Patna, India) sa ilalim ng pamumuno ng mongheng si Moggaliputta Tissa. Ang layunin nito ay dalisayin ang kilusang Budismo partikular na mula sa mga oportunistikong paksiyon na naakit ng pagtangkilik ng maharlika. Tinanong ng hari ang mga pinagsususpetsahang mga monghe kung ano ang itinuro ni Buddha at kanilang inangking kanyang itinuro ang mga pananaw gaya ng eternalismo at iba pa na kinondena sa kanonikal na Brahmajala Sutta. Kanyang tinanong ang mga walang bahid na monghe at sila'y tumugon na si Buddha ay isang "Guro ng Pagsusur" (Vibhajjavādin) na sagot na kinumpirma ni Moggaliputta Tissa. Binigkas pang muli ng Konseho ang mga kasulatang Budista na nagdadagdag sa kanon ang sariling aklat ni Moggaliputta Tissa na Kathavatthu na isang talakayan ng mga iba't ibang magkakasalungat na mga pananaw Budista na nilalaman ngayon sa Theravāda Abhidhamma Pitaka. Ang mga emisaryong Budista ay ipinadala rin sa iba't ibang mga bansa upang palaganapin ang Budismo hanggang sa mga kahariang Griyego sa Kanluranin (sa partikular an kapitbahay na Kahariang Greko-Baktriyano) at posibleng mas malayo pa rito ayon sa mga inskripsiyong iniwan ng mga haliging bato ni Ashoka.[1]
Ang sariling Dipavamsa ng Theravāda ay nagbanggit ng ibang Konsehogn tinawag na Dakilang Pagbigkas (Mahāsangiti) na idinaos ng mga nirepormang Vajjiputtaka pagkatapos ng kanilang pagkatalos sa Ikalawang Konsehong Budista. Binatikos ng Dipavamsa ang mga Mahasangitika na kapareho ng mga Mahasanghika sa pagtakwil sa mga iba't ibang teksto bilang hindi kanonikal: ang [Vinaya] Parivāra; ang anim na aklat ng Abhidhamma; ang Patisambhida; ang Niddesa; bahagi ng mga Jataka; at ilang mga talata (Dipavamsa 76, 82).
Ayon sa Mahāsanghika sa Sāriputraparipriccha, may pagtatangka na hindi nararapat na na palawigin ang lumang Vinaya. Ang sariling vinaya ng mga Mahasanghika ay nagbibigay ng parehong salaysay ng Ikalawang Konsehong Budista gaya ng iba. Ang isang buong ibang salaysay ng mga pinagmulan ng Mahāsanghika ay matatagpuan sa mga akda ng pangkat ng mga eskwelang Sarvāstivāda. Isinaad ng Vasumitra ang isang alitan sa Pātaliputra sa panahon ni Ashoka tungkol sa limang mga limang puntong eretikal: na ang Arahant ay maaaring magkaroon ng paglalabas sa gabi, na maaari itong magdudua, na maaring magturo sa isa pa, na maaaring magkaroon ng kulang na kaalaman, na ang landas ay mapupukaw sa pagtangis ng "Anong pagdurusa!". Ang mga parehong puntong ito ay tinalakay at kinondena sa Kathavatthu ni Moggaliputta Tissa ngunit walang pagbanggit ng Konsehong ito sa mga sangguniang Theravadin. Ang kalaunang Mahavibhasa ay nagpaunlad ng kuwentong ito sa isang pagdudungis na kampanya laban sa tagapagtatag ng Mahasanghika na tinukoy nito bilang ang "Mahadeva". Ang bersiyong ito ay nagbibigay diin sa kadalisayan ng mga Kasmiri Sarvastivadin na inilarawan bilang nagmula mula sa mga arahant na tumakas sa paguusig sanhi ni Mahadeva.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ M. Willis, "Buddhist Saints in Ancient Vedisa", Journal of the Royal Asiatic Society 11 (2001): 219-28