Ilocos
Rehiyong I Rehiyong Ilocos | |
Sentro ng rehiyon | San Fernando, La Union |
Populasyon
– Densidad |
4,200,478 327 bawat km² |
Lawak | 12,840 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
4 9 116 3265 12 |
Wika | Ilokano, Pangasinense, Tagalog, Ingles |
Ang Rehiyong Ilocos sa Pilipinas, tinatawag ding Rehiyon I, ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang hangganan nito sa silangan, Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa kanluran.
Mga nilalaman
Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Sinasakop ng rehiyon ang makitid na kapatagan sa pagitan ng bulubundukin ng Kabundukan ng Cordillera at Dagat Kanlurang Pilipinas. Sakop rin nito ang hilagang bahagi ng kapatagan ng Gitnang Luzon, sa hilagang silangan ng Bulubundukin ng Zambales.
Ang Golpo ng Lingayen ang pinakatanyag na anyong tubig sa rehiyon at naglalaman ng malilit na mga pulo, kabilang na ang Hundred Islands National Park.
Bumubuong mga lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]
Binubuo ang rehiyon Ilocos ng apat na mga lalawigan: ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan. Ang sentrong administratibo ay Lungsod ng San Fernando, La Union.
Lalawigan/Lungsod | Kabisera | Populasyon (2007)[1] |
Sukat (km²) |
Densidad (bawat km²) | |
---|---|---|---|---|---|
![]() |
Ilocos Norte | Lungsod ng Laoag | 547,284 | 3,399.3 | 161 |
![]() |
Ilocos Sur | Lungsod ng Vigan | 632,255 | 2,579.6 | 257.1 |
![]() |
La Union | Lungsod ng San Fernando | 720,972 | 1,493.1 | 482.9 |
![]() |
Pangasinan | Lingayen | 2,645,395 | 5,368.2 | 459.3 |
Mga lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]
- Lungsod ng Batac, Ilocos Norte
- Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte
- Lungsod ng Candon, Ilocos Sur
- Lungsod ng Vigan, Ilocos Sur
- Lungsod ng San Fernando, La Union
- Lungsod ng Alaminos, Pangasinan
- Lungsod ng Dagupan, Pangasinan
- Lungsod ng San Carlos, Pangasinan
- Lungsod ng Urdaneta, Pangasinan
Mga produkto[baguhin | baguhin ang batayan]
- Agrikultura- palay, mais, bawang, halamang ugat,tabako at iba pang prutas at gulay
- Palaisdaan- Isda
- Alagang hayop- baboy , kambing at baka
- Paggawa ng pagkain- asin, bagoong, basi, suka, karne, chicharon at bukayo
Industriya[baguhin | baguhin ang batayan]
- paggawa ng tabako
- paghahabi
- paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko at kasangkapang gawa sa bakal.
- pangingisda
- paggawa ng asin, patis at bagoong
- pagmimina
- pag-aalaga ng hayop
Klima[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang klima rito ay magkapantay ang distribusyon ng ulan at araw.
Tanawin[baguhin | baguhin ang batayan]
- Ilocos Norte-Simbahan ng Paoay
- Ilocos Sur-Matatandang bahay sa Vigan
- La Union-Nalinac Beach Resort
- Pangasinan-Hundred Islands
Heograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Pangasinan, na mayroong malawak na kapatagan, ay 42% ng lawak ng Rehiyon 1. Subalit, ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union ay sagana sa maraming bundok ngunit makitid ang mga kapatagan.
Lokasyon sa Mapa[baguhin | baguhin ang batayan]
Hilagang Kanluran ng Pilipinas
Lokasyong Pangheograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Ilocos ay makikita sa 120.5°Silangang Longitud at 17°Hilagang Latitud.
Lokasyong Bisinal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga karatig-lalawigan ng Ilokos ay ang Apayao, Abra, Mt. Province at Benguet sa Silangan at Zambales, Tarlac at Nueva Ecija sa Timog.
Lokasyong Maritima[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Rehiyon 1 ay katabi ng Timog Dagat Tsina sa Kanluran.
Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "2007 Census of Population". Philippine National Statistics Office. Hinango noong 2009-01-19.
Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
- Executive Order No. 561: FORMATION OF THE "SUPER" REGIONS AND MANDATE OF THE SUPERREGIONAL DEVELOPMENT CHAMPIONS
- North Luzon Super Region: Potentials
- North Luzon Super Region: Projects
- Wikipedian Pangasinan
- Ilocano: Ti Pagsasao ti Amianan
- Ilocano Wikipedia
- NAKEM Centennial Conference
- Region I: Ilocos Region