Imbakan ng langis sa Pandacan
14°35′38″N 121°00′24″E / 14.5940°N 121.0068°E
| Imbakan ng langis sa Pandacan | |
|---|---|
![]() | |
| Pangkalahatang impormasyon | |
| Katayuan | Giniba |
| Uri | Terminal ng langis |
| Kinaroroonan | Pandacan |
| Bansa | Pilipinas |
| Giniba | 2016 |
| May-ari | Philippine National Oil Company |
Ang Imbakan ng langis sa Pandacan ay isang 33 hektaryang pasilidad na matatagpuan sa Pandacan, Maynila, Pilipinas. Nagsilbi itong lugar para sa mga pasilidad ng imbakan at terminal ng pamamahagi sa tatlong nangunguna sa industriya ng petrolyo sa pilipinas, katulad ng Caltex (isang tatak na pangalan ng petrolyo ng Chevron Corporation), Petron, Caltex, at Shell. Nag-ugat ang imbakan ng langis mula sa magkakahiwalay na establishimento ng mga nabanggit na kumpanya ng langis.
Ang nagpatuloy na operasyon ng imbakan ng langis sa isang malaking lungsod na may malaking populasyon ay nagdulot ng pagkabahala, kabilang na rito ang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga residente ng Maynila.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tinatag ng Shell ang mga pasilidad noong 1914. Sinimulan ng Caltex na gamitin ang imbakan na bodega ng Pandacan noong 1917, kung kailan nagsimula itong ibenta ang mga produkto nito sa Pilipinas. Labing-isang taon ang nakalipas, ang bodega nito sa Pandacan ay naging isang mahalagang terminal ng pamamahagi upang dalhin ang mga produkto sa kalapit na mga probinsya.[1] Sumunod sa yapak ang Petron noong 1922.
Mga pangyayari at pagkabahala
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nagpatuloy na operasyon ng imbakan ng langis sa isang malaki at mataong lungsod ay naging paksa ng iba't ibang pagkabahala, kabilang na rito ang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga residente sa mga kalapit na komunidad na napapalibot sa lugar, pati na rin ang populasyon ng kalakhang Maynila. Ang internasyonal na mga pamantayan ay pumapayag na mag-opera ang mga imbakan ng langis sa loob ng 20 kilometrong radius buffer zone o protektadong pabilog na lugar, malayo sa mga residensyal at komersyal na establishimento na direktang maaapektuhan ng pang-araw-araw na operasyon ng pasilidad at mga posibleng aksidente sa hinaharap.
Noong 1997, dalawang tanke ng Shell ang sumabog sa loob ng kompleks. Noong 1999, isang tubong may tagas naman ang naging sanhi ng mga sunog sa Muntinlupa, na siyang kumitil ng isang buhay. Noong Enero 2008, isang tanke ang nagliyab sa paanan ng Nagtahan Flyover. Noong 2005, ang Kolehiyo ng Medisina ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila ay nagsagawa ng pag-aaral sa isang bahagi ng populasyon na siyang nakatuklas na tumataas ang mga kaso ng mga neuropisikal na mga sakit sa lugar na pumapagilid sa imbakan ng langis. Noong parehong taon, isang talatanungan sa kalusugan ang nagpatunay na ang hangin malapit sa imbakan ng langis ay nagtataglay ng matataas na lebel ng benseno, isang kompuwestong pangkimika na kilalang nagpapataas ng panganib ng kanser.
Noong Hulyo 2010, may tagas sa isa sa mga tubo sa ilalim ng lupa ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC), na siyang nagdadala ng langis mula sa mga repinerarya ng langis sa probinsya ng Batangas patungo ng Pandacan, na siyang nagparumi ng water table sa silong ng West Tower Condominum sa Barangay Bangkal, Makati.[2]
Noong 2013, nagpataw ng multa ang pangkalahatang tagapamahala ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad sa Lawa ng Laguna sa nangangasiwa ng imbakan ng langis ng ₱200,000 araw-araw dahil sa paglabag sa kapaligiran ng Ilog Pasig, na siyang konektado sa Laguna Lake.[3]
Ang Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas, ay dalawang kilometro lamang ang layo mula sa imbakan.[4]
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay matatagpuan sa tapat ng mga imbkan sa pampang ng Ilog Pasig.[4]
Mga aksyong pambatas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2001, ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ang Ordinansa Blg. 8027 na nagpabago sa klasipikasyon ng Pandacan mula sa isang industriyal patungo sa isang komersyal na lugar. Binigyan nito ang imbakan ng langis ng anim na buwan upang ihinto ang operasyon sa lugar. [5] Noong 2006, nagbigay utos ang Ordinansa Blg. 8119 na itigil ang mapanganib na mga industriya sa lungsod, kabilang ang imbakan ng langis. Noong 2009, ang Ordinansa Blg. 8027 ay pinagtibay ng Korte Suprema ng Pilipinas; habang ang Sangguniang Panlungsod ay nagpasa ng Ordinansa Blg. 8187 upang ipawalang-bisa ang naunang ordinansa. Sa pagkakataong ito, muling inuri ang Pandacan bilang isang sonang industriyal na mabigat, na nagpapahintulot sa imbakan na gumana.[6] Ang ordinansa ay kalaunang pinagpasiyahan ng Korte Suprema bilang walang bisa.[7]
Sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga aktibista ng komunidad na sila ring mga kasapi ng Advocates for Environmental and Social Justice (AESJ) na koalisyon ng Maynila, ang Ordinsansa Blg. 8283 ay muling itinuring ang lugar bilang isang sonang komersyal na may mataas na intensidadnoong 2012, na siyang nagbigay hanggang 2016 para lumpat ang imbakan ng langis, ngunit na-veto ng dating alkalde na si Alkalde Alfredo Lim. Ang panukala sa halip ay ilipat ang mga pasilidad sa North Harbor o Hilagang Pantalan, sa Maynila pa rin.[8]
Pagkalansag
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nagsimulang alisin ng Shell ang imbakan ng langis noong Hulyo 2015.[9] Nang sumunod na buwan, nasa tatlong tanke ang naalis. Kalaunan ay ganap na natanggal na ang imbakan ng langis.[10]
Noong Enero 2007, inanunsyo ng Petron na balak nilang magtayo ng pampublikong pamilihan sa lugar kung saan matatagpuan ang dating imbakan ng langis.[7]
Noong Hunyo 2019, nagsumite ang San Miguel Corporation (SMC) ng P10-bilyong panukala sa Kagawaran ng Transportasyon na palitan at gawing terminal ng bus at pagkain ang dating lugar ng imbakan ng langis.[11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Caltex in Philippines". Caltex Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 31, 2012. Nakuha noong March 3, 2014.
- ↑ "Makati fireworks ban in 3 'oil leak' barangays stays". The Philippine Star. Nakuha noong March 3, 2014.
- ↑ "LLDA slaps P200,000 daily fine on Pandacan oil depot operator". The Manila Times. Nakuha noong March 3, 2014.
- 1 2 "BROKEN PROMISE IN MANILA: The dying and the fearful ask". Global Community Monitor. Inarkibo mula sa orihinal noong May 11, 2012. Nakuha noong March 3, 2014.
- ↑ "A CENTURY-OLD CHALLENGE: The oil depots in Pandacan". Interaksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 14, 2013. Nakuha noong March 3, 2014.
{{cite web}}: Check date values in:|archive-date=() - ↑ Quismundo, Tarra (2014-11-26). "SC affirms 2009 ruling: Manila oil depot must go". INQUIRER.net (sa Ingles). Nakuha noong 2025-11-30.
- 1 2 Lectura, Lenie (January 29, 2017). "Petron to work with DOTr in converting Pandacan oil depot into food terminal". BusinessMirror. Nakuha noong February 28, 2018.
- ↑ Remo, Amy R. (2012-08-29). "Petron has exit plan from Pandacan depot; Chevron insists on staying". INQUIRER.net (sa Ingles). Nakuha noong 2025-11-30.
- ↑ Flores, Alena Mae (July 5, 2015). "Shell starts leaving Pandacan oil depot". Manila Standard. Nakuha noong February 28, 2018.
- ↑ "Finally, Pandacan oil depot dismantled". The Manila Times. August 17, 2015. Nakuha noong February 28, 2018.
- ↑ Rivera, Danessa (6 June 2019). "SMC submits P10-billion redevelopment plan for Pandacan oil depot". The Philippine Star. Nakuha noong 1 August 2025.
