Imperyong Akemenida

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Imperyong Achaemenid)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Imperyong Akemenida
Khshassa[1]
550 BK–330 BK
 

Watawat ni Ciro ang Dakila

Ang Imperyong Akemenida sa pinakadakilang teritoryal na lawak nito,
sa ilalim ng pamamahala ni Dario I (522 BK hanggang 486 BK)
Kabisera Babilonya[2] (pangunahing kabisera), Pasargadae, Ecbatana, Susa, Persepolis
Wika Lumang Persa[a]
Imperyal na Arameo[b]
Babilonyo[3]
Medo
Sinaunang Griyego[4]
Elamita
Sumeryo[c]
Relihiyon Zoroastrianismo, Relihiyong Babilonyo[5]
Pamahalaan Monarkiya
Hari (xšāyaϑiya) o Hari ng mga Hari (xšāyaϑiya xšāyaϑiyānām)
 - 559–529 BK Ciro ang Dakila
 - 336–330 BK Dario III
Makasaysayang panahon Klasikal na antikidad
 - Persang Paghihimagsik 550 BK
 - Pananakop sa Lydia 547 BK
 - Pananakop sa Babilonya 539 BK
 - Pananakop sa Ehipto 525 BK
 - Mga Digmaang Griyego-Persa 499–449 BK
 - Pagbagsak sa Masedonya 330 BK
Lawak
 - 500 BK[6][7] 5,500,000 km2 (2,123,562 mi2)
Populasyon
 - 500 BK est.[8] 17 milyon to 35 milyon 
Salapi Daric, siglos
Sumunod sa
Sinundan ng
Imperyong Medo
Imperyong Neo-Babilonio
Lydia
Ikadalawampu't-anim na Dinastiya ng Ehipto
Kaharian ng Gandhara
Sogdia
Massagetae
Imperyong Masedonyo
Ikadalawampu't-walong Dinastiya ng Ehipto
a. ^ Katutubong wika.
b. ^ Opisyal na wika at lingua franca.[9]
c. ^ Wikang pampanitikan sa Babilonya.
Warning: Value specified for "continent" does not comply

Ang Imperyong Akemenida (mula sa Lumang Persa Haxāmanišiya,[10] c. 550–330 BK), tinatawag din bilang ang (Unang) Imperyong Persa,[11] ay isang imperyo na matatagpuan sa Kanluraning Asya, na itinatag ni Ciro ang Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ito ay naging isa sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa anumang mga nakaraang imperyo sa kasaysayan. Ito ay bantog para sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), para sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at ang paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at isang malaking propesyonal na hukbo at mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.[12] Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persa at para sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo.

Nang ika-7 siglo BK, ang mga Persa ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis,[13] na kung alin ay naging ang kanilang sentro.[14] Mula sa rehiyong ito, sumulong si Ciro ang Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay naisip na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pagaaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Alejandro ang Dakila sa 334 BK.[14] Ang palagay na ito, gayunpaman, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, at na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailanman lumapit sa pagpapahina ng imperyo.[14] Si Alejandro, isang malaking tagahanga ni Ciro ang Dakila, ay kalaunan malulupig ang imperyo sa kabuuan nito nang 330 BK.[15] Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo ng imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Ptolemaikong Kaharian at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na kung alin ay nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Ang Persang populasyon ng gitnang talampas ay kalaunan makakabawi ng kapangyarihan sa ikalawang siglo BK sa ilalim ng Imperyong Parthian.[14]

Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay labis na lumampas sa teritoryal at militar na impluwensya nito at nagbilang din sa impluwensyang pangkalinangan, panlipunan, teknolohikal at panrelihiyon. Maraming mga Ateniense ang umampon sa Akemenidang mga kaugalian sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa isang katumbas na palitang pangkalinangan,[16] ang ilan na inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga katutubong 'Indo-Aryan' kung tinatawag ngayon ay Iranian ang naninirahan sa lugar, na ngayon ay bansang Iran noong 3000 BCE. Sila ay nahahati sa dalawang nasyonalidad: ang mga Persa (Persian) at mga Mediyano. Noong 625 BCE, nakapaggawa na ang huli ng isang imperyo na pinakamalaki sa lahat ng kaharian ng kanyang panahon.

Bagaman nagsimulang itinatag ang Imperyong Akemenida sa pamumuno ng haring si "Ciro ang Dakila", ang naturang pangalang "Akemenida" ay nanggaling sa isang datu na pinangalanang si "Akemenyo (Ingles:Achaemenes) na namuno sa mga katutubong Persa (Persian) noong 705 BCE hanggang 675 BCE. Si Akemenyo ang itinuturing bilang ninuno ng mga haring Akemenida ng Imperyong Persa (Persian).

Nagsimula nang itatag ni Ciro ang Dakila ang Imperyong Akemenida noong 550 BCE nang naghasik siya ng rebelusyon ng mga katutubong Persa (Persian) laban sa Imperyong Mediyano dahil sa hindi maayos na pamamahala ng haring si Astyages sa kanila. Nilupig ng una ang huli at sinakop ang imperyo, pero napagisipan naman ni Ciro na ang mga Persa (Persian) at Mediyano ay iisang lahi, kaya pinag-isang lahi niya ang dalawang nasyonalidad sa pangalang "Persa (Persian)". Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, ang kaharian ng Neo-Babylonia sa pamumuno ng haring si Nabonido, kaalyado ng nawasak na imperyo, ay naghasik ng digmaan laban sa bagong imperyong itinatag ni Ciro, gayun rin ang ginawa ng kahariang Lydia sa pamumuno ng haring si Creso; subalit, walang makakatalo sa husay ng haring Persa (Persian) sa digmaan, at napasali rin ang dalawang kaharian sa mga lupain ng Imperyong Persa (Persian). Noong natapos nang sakupin ni Ciro ang mga kahariang ito, ang kanyang imperyo ay tinawag bilang pinakamalaki sa lahat ng kaharia't imperyo sa sinaunang mundo na nasasaksihan ng mundo.

Pumanaw na ang tumatandang si Ciro sa edad na 70 noong Disyembre, 530 BCE. Ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses II ang pakikidigma sa mga kahariang nakapalibot sa imperyo. Sa ilalim ng kanyang pananakop, nasakop niya ang Ika-26 Dinastiya ng Kahariang Egipto, pero sa madugo namang paraan.

Namatay si Cambyses II noong 522 BCE at inangkin ni Darius I ang trono ng Persiya. Sa ilalim ng kanyang pamumuno nasakop niya ang mga lupaing silangan ng Ilog Indus, mga lupaing nasa hilaga ng ilog na ngayon ay tinatawag na Amu Darya sa Uzbekistan, mga lupaing nasa timog ng Ilog Danube, mga kabundukan ng Caucasus, at mga lupaing hilaga ng Gresya. Inayos rin niya ang pamamahala sa mga dayuhang nasasakupan ng imperyo sa pamamagitan ng paghirang ng mga lalawigan na kung tawagin sa kanila ay satrapy, dahilan kung bakit tinawag rin siyang "Ang Dakila".

Noong panahong ito, natatakot ang mga Griyego sa kalupalupan ng Gresya na baka sakupin sila ng mga Persa (Persian), kaya naghasik ng rebelyon ang mga Griyegong Ionian sa Asia Minor sa tulong ng lungsod-estado ng Athens. Winasak ni Dario ang rebelyon, at dahil galit siya sa ginawang pagtulong sa mga rebelde ng mga Griyegong Ateneo, nagsanay siya ng malaking hukbo upang isali ang Gresya sa imperyo. Ipinadala ng hari ang 300,000-malakas na hukbo sa pamumuno ni Datis sa mga baybaying-dagat ng Marathon; nakasagupa ng hukbo ang 10,000-malakas na hukbo ni Miltiades, isang Griyegong heneral. Umasa si Datis na mananalo siya sa labanan, pero nabigo siya; magiting at matapang ang mga Griyego at mapagmahal sa kalayaan, naggawa sila ng napakataas na linya ng mga sundalo at sinugod ang napakaraming sundalong Persa (Persian) sa gitna ng takot at kamatayan. Nagulat ang Persa (Persian) na heneral sa nangyari; marami sa kanyang hukbo ang namatay at nalaman na lang niya na walang kaya ang mga sandata nila sa mga matataas na sibat-espada ng mga Griyego, kaya dali-dali ang mga sundalong Persa (Persian) na bumalik sa mga barko. Noong narinig ni haring Dario ang balita, ipinapapatay niya ang heneral dahil galit na galit siya sa nangyari sa Marathon. Nagsanay na naman ng napakalaking hukbo ang hari, pero namatay siya bago pa natapos ito.

Si Asuero I ang naging hari ng imperyo sa pagkamatay ng kanyang ama; ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na pagsasanay ng napakalaking hukbo para sa ikalawang paglusob sa Gresya. Sa panahong nakapagsanay na siya ng mahigit 2,600,000-malakas na hukbo upang gibain sa lupa ang lungsod-estado ng Athens at masakop ang lahat ng mga lungsod-estado ng Gresya, ipinadala niya ang kanyang napakalaking hukbo sa Thermopylae, isang makitid na patag na napapalibutan ng bulubundukin sa kaliwa at karagatan sa kanan. Dito nakasagupa niya ang 8,000-malakas na hikbong Griyego sa pamumuno nina Themistocles ng Athens, Leonidas ng Sparta, at si Demophilus ng Thespia. Tumagal ang labanan sa tatlong araw, at habang walang humpay ang paglusob ng mga Persa (Persian) sa mga posisyon ng mga Griyego, marami sa una ang nalipol dahil sa sobrang dami nila nahihirapan silang makapasok at lumaban sa loob ng lambak ng Thermopylae. Nangyari lamang ang kapanaluhan ng mga Persa (Persian) noong may isang Griyegong traydor na si Ephialtes ang nagturo sa haring si Asuero sa isang daan upang mapalibutan ang mga Griyego sa lambak; noong nalaman na lang ni Leonidas ito, ipinauwi niya ang karamihan sa kanyang hukbo at naiwan siya kabilang ang kanyang kasamang 300 sundalo na tubong-Sparta, at nilaban nila ang mga Persa (Persian) hanggang sila lahat ay namatay. Pagkatapos ng labanan, nagalit ang haring Persa (Persian) sa nangyari sapagkat sa laki ng kanyang hukbo, malaking bahagi ng kanyang hukbo ang nalipol.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Daryaee, edited by Touraj; A. Shapour Shahbazi (2012). The Oxford handbook of Iranian history. Oxford: Oxford University Press. p. 131. ISBN 978-0-19-973215-9. http://www.oxfordhandbooks.com/view/10.1093/oxfordhb/9780199732159.001.0001/oxfordhb-9780199732159. Hinango noong 29 December 2016. "Although the Persians and Medes shared domination and others were placed in important positions, the Achaemenids did not -- could not -- provide a name for their multinational state. Nevertheless, they referred to it as Khshassa, "the Empire"." 
  2. Yarshater, Ehsan (1993). The Cambridge History of Iran, Volume 3. Cambridge University Press. p. 482. ISBN 978-0-521-20092-9. "Of the four residences of the Achaemenids named by HerodotusEcbatana, Pasargadae or Persepolis, Susa and Babylon — the last [situated in Iraq] was maintained as their most important capital, the fixed winter quarters, the central office of bureaucracy, exchanged only in the heat of summer for some cool spot in the highlands. Under the Seleucids and the Parthians the site of the Mesopotamian capital moved a little to the north on the Tigris — to Seleucia and Ctesiphon. It is indeed symbolic that these new foundations were built from the bricks of ancient Babylon, just as later Baghdad, a little further upstream, was built out of the ruins of the Sassanian double city of Seleucia-Ctesiphon." 
  3. Harald Kittel; Juliane House; Brigitte Schultze; Juliane House; Brigitte Schultze (2007). Traduction: encyclopédie internationale de la recherche sur la traduction. Walter de Gruyter. pp. 1194–5. ISBN 978-3-11-017145-7. https://books.google.com/?id=oD0dBqGDNscC. 
  4. Greek and Iranian, E. Tucker, A History of Ancient Greek: From the Beginnings to Late Antiquity, ed. Anastasios-Phoivos Christidēs, Maria Arapopoulou, Maria Chritē, (Cambridge University Press, 2001), 780.
  5. Boiy, T. (2004). Late Achaemenid and Hellenistic Babylon. Peeters Publishers. p. 101. ISBN 978-90-429-1449-0. 
  6. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (December 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of world-systems research 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. http://jwsr.pitt.edu/ojs/index.php/jwsr/article/view/369/381. Hinango noong 12 September 2016. 
  7. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D.". Social Science History 3 (3/4): 121. doi:10.2307/1170959. http://www.jstor.org/stable/1170959. Hinango noong 12 September 2016. 
  8. Morris, Ian; Scheidel, Walter (2009). The Dynamics of Ancient Empires: State Power from Assyria to Byzantium. Oxford University Press. p. 77. ISBN 978-0-19-975834-0. 
  9. Josef Wiesehöfer, Ancient Persia, (I.B. Tauris Ltd, 2007), 119.
  10. Curtis, Vesta Sarkhosh; Stewart, Sarah (2010). The Sasanian Era. I.B.Tauris. ISBN 978-0-85773-309-2. https://books.google.com/books?id=qPVHBAAAQBAJ&pg=PA79. 
  11. Sampson, Gareth C. (2008). The Defeat of Rome: Crassus, Carrhae and the Invasion of the East. Pen & Sword Books Limited. p. 33. ISBN 978-1-84415-676-4. "Cyrus the Great, founder of the First Persian Empire (c. 550–330 BC)." 
  12. Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty)
  13. http://www.utexas.edu/cola/centers/lrc/eieol/opeol-MG-X.html Macdonell and Keith, Vedic Index. This is based on the evidence of an Assyrian inscription of 844 BC referring to the Persians as Paršu, and the Behistun Inscription of Darius I referring to Pārsa as the area of the Persians. Radhakumud Mookerji (1988). Chandragupta Maurya and His Times (p. 23). Motilal Banarsidass Publ. ISBN 81-208-0405-8.
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 David Sacks; Oswyn Murray; Lisa R. Brody; Oswyn Murray; Lisa R. Brody (2005). Encyclopedia of the ancient Greek world. Infobase Publishing. pp. 256 (at the right portion of the page). ISBN 978-0-8160-5722-1. https://books.google.com/?id=gsGmuQAACAAJ. 
  15. Ulrich Wilcken (1967). Alexander the Great. W. W. Norton & Company. p. 146. ISBN 978-0-393-00381-9. https://books.google.com/?id=WiSZM-LYsk4C. 
  16. Margaret Christina Miller (2004). Athens and Persia in the Fifth Century BC: A Study in Cultural Receptivity. Cambridge University Press. p. 243. ISBN 978-0-521-60758-2. https://books.google.com/?id=oGXMMD5rXBQC.