Pumunta sa nilalaman

Impit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hintong impit
ʔ
Bilang ng PPA113
Pag-encode
Entidad (desimal)ʔ
Unicode (hex)U+0294
X-SAMPA?
Braille⠆ (braille pattern dots-23)

Ang hintong glotal, hintong impit, o glotal na plosibo na tinatawag ding impit lamang ay isang uri ng katinig na ginagamit sa mga sinasalitang wika, sa kalagitnaan ng lalamunan. Ang simbolo sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto na kumakatawan sa tunog na ito ay ʔ.

Bilang resulta ng pagharang sa daloy ng hangin sa tagukan, ang pangangatal ng tagukan ay maaaring huminto o maging iregular na may mababang bilis at biglaang pagbaba ng lakas ng tunog.[1]

Karatula sa daan sa Columbia Britanika na pinapakita ang gamit ng tambilang ⟨7⟩ upang ikatawan ang /ʔ/ sa Squamish.

Sa tradisyunal na romanisasyon ng maraming wika, tulad ng Arabe, sinusulat ang impit na may kudlit ⟨ʼ⟩ o ang simbolong ⟨ʾ⟩, na siyang pinagmulan ng karakter ng IPA na ʔ. Bagaman sa maraming wikang Polinesyo na gumagamit ng alpabetong Latin, sinusulat ang hintong impit sa isang pinaikot na kudlit, ⟨ʻ⟩ (tinatawag na ʻokina in wikang Hawayanp and Samoano), na karaniwang ginagamit din sa pagsulat ng ayin ng Arabe (na ⟨ʽ⟩ din) at ang pinagmulan ng karakter ng IPA na binoses na prikatibong paringea o voiced pharyngeal fricative ʕ. Sa Malay kinakatawan ng hintong impit sa pamamagitan ng titik ⟨k⟩ (sa dulo ng salita), sa Võro at Maltes sa pamamagitan ng ⟨q⟩. Isa pang paraan ng pagsulat ng hintong impit ay ang saltillo ⟨Ꞌ ꞌ⟩, na ginagamit sa mga wika tulad ng Tlapaneko at Rapa Nui.

May mga titik din ang ibang sulat na ginagamit para ikatawan ang hintong impit, tulad ng titik Hebreo na alephא⟩ at titik Siriliko na palochka ⟨Ӏ⟩, na ginagamit ng ilang wikang Kaukasiko. Gumagamit ang sulat Arabe ng hamza ⟨ء⟩, na maaring makita bilang parehong diakritiko at isang independenteng titik (bagaman hindi bahagi ng alpabeto). Sa Tundra Nenets, kinakatawan ito ng mga pantitik na kudlit ⟨ʼ⟩ at dobleng kudlit ⟨ˮ⟩. Sa Hapon, nagkakaroon ng hintong impit sa dulo ng mga pandamdam na gulat at galit at kinakatawan ng karakter na ⟨っ⟩.

Sa grapikong representasyon ng karamihan ng mga wika sa Pilipinas, walang sinusunod na pagsasagisag ng mga hintong impit. Bagaman sa karamihan ng mga kaso, palaging binibigkas ang salita na nagsisimula sa isang titik na patinig (halimbawa sa Tagalog: "aso") sa isang hindi kinakatawan na hintong impit bago ang patinig na yaon (tulad sa Makabagong Aleman at Hausa). May ilang ortograpiya ang gumagamit ng gitling sa halip na binaligtad na kudlit kung mayroong hintong impit sa gitna ng salita (halimbawa sa Tagalog: pag-ibig; o Bisaya gabi-i, "gabi"). Kung may impit at diin sa dulong salita, maaaring isulat ang huling patinig na may pakupyâ (o circumflex accent). Kung may impit lamang sa huling patinig, maaaring isulat ang huling patinig ng may paiwà (o grave accent).[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Umeda, Noriko (1978). "Occurrence of Glottal Stops in Fluent Speech". The Journal of the Acoustical Society of America (sa wikang Ingles). 64 (1): 88–94. Bibcode:1978ASAJ...64...88U. doi:10.1121/1.381959. PMID 712005.
  2. Morrow, Paul (March 16, 2011). "The Basics of Filipino Pronunciation: Part 2 of 3 • Accent Marks". Pilipino Express (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2011. Nakuha noong Hulyo 18, 2012.
  3. Schoellner, Joan; Heinle, Beverly D., mga pat. (2007). Tagalog Reading Booklet (PDF) (sa wikang Ingles). Simon & Schister's Pimsleur. pp. 5–6. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-11-27. Nakuha noong 2012-07-18.