Pumunta sa nilalaman

Inday Badiday

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Inday Badiday
Kapanganakan
Lourdes Vega Jimenez

6 Agosto 1944(1944-08-06)[1]
Kamatayan26 Setyembre 2003(2003-09-26) (edad 59)
LibinganManila Memorial Park, Parañaque, Metro Manila [2]
Ibang pangalan
  • Ate Luds
  • Inday Badiday
  • Ludy
TrabahoHost, brodkaster, mamamahayag
Aktibong taon1965–2003
AsawaErnie Carvajal [1]
AnakDolly Ann Carvajal, Ricky Boy Carvajal [1]
Kamag-anak

Si Lourdes Vega Jimenez-Carvajal o mas kilala bilang Inday Badiday o Ate Luds (Agosto 6, 1944 – Setyembre 26, 2003) ay isang host ng mga palatuntunan sa telebisyon, manunulat, at brodkaster sa Pilipinas.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Inday Badiday noong Agosto 6, 1944 bilang Lourdes Vega Jimenez sa Balingasag, Misamis Oriental. Ang kanyang mga magulang ay sina Koronel Nicanor Jimenez na dating embahador sa Korea at Maria Clara Vega. Isa sa walong kapatid ni Inday Badiday ay si Letty Jimenez na naging punong patnugot ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.[1][4]

Ikinasal si Lourdes Jimenez kay Ernie Carvajal subalit sila ay naghiwalay din. Nagkaroon sila ng dalawang anak na nagngangalang Dolly Ann at Ricky Boy.[4]

Pagkatapos magkahiwalay nina Lourdes Jimenez at Ernie Carvajal ay nagkaroon ng relasyon si Lourdes Jimenez kay Gene Palomo na isang direktor sa telebisyon at pelikula.[4]

Inday Badiday

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nanay ni Lourdes Jimenez ang nagbigay sa kanya ng bansag na "Inday Badiday" para gamitin sa kanyang programa sa radyo. Hindi maaring gamitin ni Lourdes Jimenez ang kanyang totoong pangalan sa kanyang mga programa dahil ang mundo ng showbusiness ay kakaiba sa mundong kinabibilangan ng kanyang angkan. Ang miyembro ng pamilya ni Lourdes Jimenez ay nasa larangan ng mga serbisyo publiko, diplomasya, serbisyong pangmilitar, midya, edukasyon, at batas.[5]

Nagsimulang maging brodkaster o host ng programa sa radyo si Inday Badiday noong mga taong 1960.[1] Nagkaroon siya ng programa sa DWWA na pinamagatang "Inday ng Buhay Ko" mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na ika-siyam hanggang alas-dose ng tanghali. Bago magtapos ang programa ay lagi niyang sinasabi na "Bye for now. Mag-ingat ka sa mga taong hindi mo kilala; mas lalo kang mag-ingat sa mga taong kilala mo na."[4]

Nagsulat si Inday Badiday sa mga magasin na tulad ng "Eyebugs: Bigay Hilig sa Balitang Showbiz", "Modern Romances", at "Tsismis".[1]

Naging host ng programa sa telebisyon si Inday Badiday. Ang una niyang naging programa ay ang "Nothing But The Truth" noong mga taon ng 1970 na nagtagal ng tatlong taon.[1] Naghost din siya ng programang "Would You Belive", "See-True" na may catchline na "Kung may gusot, may lusot" na ipinalabas sa IBC Channel 13 tuwing Huwebes mula 7:30 hanggang 8:30 nang gabi hanggang 1997, "Eye-To-Eye" na ipinalabas sa GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes, at "Inday, Heart to Heart" na ipinalabas din sa GMA Network.[1][4][6]

Nakilala si Inday Badiday bilang Queen of Intrigues at sa pagsasabi ng "Don’t go away. I’ll be right back!", "Careful, careful!", at "Saranghameda" habang commercial break ng kanyang mga programa.[6]

Namayapa si Lourdes Jimenez-Carvajal o kilala din bilang Inday Badiday noong Setyembre 26, 2003 sa edad na 59 taong gulang sa St. Luke’s Medical Center kung saan siya ay nasa coma nang mahigit sa isang buwan dahil sa multiple organ failure na dulot ng dalawang stroke.[4] Nakalibing siya sa Manila Memorial Park sa Lungsod ng Parañaque.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 Caña, Paul John (Setyembre 26, 2020). "Remembering Inday Badiday, The OG Queen of Philippine Intrigues". Esquire Magazine. Nakuha noong Pebrero 17, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "Our Heritage and the Departed: A Cemeteries Tour". Presidential Museum & Library (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 28, 2015. Nakuha noong Setyembre 27, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "IC Mendoza follows footsteps of Inday Badiday and his mom in showbiz". PEP.ph (sa wikang Ingles). Setyembre 28, 2010. Nakuha noong Abril 29, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Lo, Ricky (Setyembre 29, 2003). "The intriguing world of Inday Badiday". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 17, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Jimenez-David, Rina (Setyembre 28, 2003). "How Ate Luds became Inday Badiday". Philippine Daily Inquirer in Google Books. Nakuha noong Pebrero 17, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 Lo, Ricky (Oktubre 3, 2003). "Ate Luds, 'queen of showbiz intrigues,' laid to rest". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 17, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)