Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (key) ay iniukit na may maliit na pagsulat na minartilyo sa ibabaw nito. Nagpapakita ito ng malaking impluwensiya ng kalinangan at kabihasnan ng Indiya (mula sa Srivijaya) na makikita sa Pilipinas bago ang pagdating ng mga Kastila noong ika-16 na dantaon.

Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna[1] ay siyang pinakalumang kasulatan na natagpuan sa kasaysayan ng Pilipinas. Natagpuan ito sa lawa ng Laguna ni Ginoong Ernesto Lacerna Legisma noong 1989. Nakalilok sa lapad na tansong ito ang petsa ng kaganapan ng nasabing panahon at nagsasaad ng panahon ng saka 822 na tumutukoy sa ika-21 ng Abril, taong 900. Napag-aralan din na ang mga salita na nakalimbag dito ay lumang Malay, lumang Habanes, Sanskrito at sinaunang Tagalog o kilalang "abyang" sa katutubong salita. Sa kasulatang ito, sinabi na ang isang huwarang tawo na si Namwaran ay naka alpas sa pagkakautang na may halaga ng timbang ng ginto na 1 kati at 8 suwarna o katumbas ng 865 na gramos. Nakasaad din sa lumang kasulatan ang mga pangalan ng bayan at barangay tulad ng Tondo, Pulilan at Pila na pawang nasa palibot ng rehiyon ng katagalugan sa Luzon. Ang pagkakatuklas ng sinaunang kasulatang ito ay nagpahayag na matibay na katunayan tungkol sa pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao o agta sa Luzon sa iba't ibang lahi ng mga tao sa Asya na tinutukoy ang mga lumang kaharian ng India gaya ng kaharian ng Srivijaya. Isa ngang may kahalagahang paksa sa kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa kapuluang Pilipinas na hindi pa lubos na nababatid sa kasalukuyan.[2]

Pagkakatuklas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kasulatang ito ay natagpuan noong 1989 sa Ilog Lumbang malapit sa lawa ng Laguna ng isang lalaki na kumukuha ng buhanging panghalo sa semento. Sa pag-aakala niya na may halaga ito, sinubok niyang ipagbili ito sa mga kolektor ng antigo at dahil walang naghangas na kumuha nito, nakarating ito sa wakas sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sa pagkakalagak nito sa Pambansang Museo makalipas ng isang taon, isang antropolohista na nagngangalang Ginoong Antoon Postma ang nakapuna at nagkainteres sa bagay na ito. Ang kaniyang kaalaman sa salitang Mangyan at mga panulat Kawi sa Timog-silangang Asya ay nag-udyok sa kaniya na pag-aralan ang sinaunang kasulatan na nakalimbag sa tanso. Nang maisagawa na niya ang pag-aaral, naisalin ang Kasulatan sa Tanso at natuklasan ang taon ng kaganapan sa kasaysayan nito, taong 822 na ayon sa lumang kalendaryo ng Hindu, pumatak sa ika-21 ng buwan ng Abril, taong 900. Nangangahulugan lamang na higit pang matanda ito sa pagkakatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas sa taong 1521, at maiuugnay sa pagdalaw ng opisyal ng Song ng Tsina sa kapuluan taong 972.

Pagsasalin[baguhin | baguhin ang batayan]

Linya Pagsasatitik
Ang mga tekstong nasa ibaba ay batay sa pagsasatitik ni Hector Santos noong 1995.[3] Lahat ng salin ay nakasulat sa maliliit na titik.
Orihinal na salin ni Antoon Postma (1991) sa Ingles Pagsasalin sa Tagalog[4] Tala
1 swasti shaka warshatita 822 waisakha masa ding jyotisha. chaturthi krishnapaksha so- Hail! In the Saka-year 822; the month of March-April; according to the astronomer: the fourth day of the dark half of the moon; on Mabuhay! Taong Siyaka 822, buwan ng Waisaka, ayon sa aghamtala. Ang ikaapat na araw ng pagliit ng buwan, Lunes
2 -mawara sana tatkala dayang angkatan lawan dengannya sanak barngaran si bukah Monday. At that time, Lady Angkatan together with her relative, Bukah by name, Dayang Angkatan sampu ng kaniyang kapatid na nagngangalang Buka (bulaklak),
3 anakda dang hwan namwaran di bari waradana wi shuddhapat(t)ra ulih sang pamegat senapati di tundu- the child of His Honor Namwaran, was given, as a special favor, a document of full acquittal, by the Chief and Commander2 of Tundun na mga anak ng Kagalang-galang na si Namwaran, ay ginawaran ng isang kasulatan ng lubos na kapatawaran mula sa Punong Pangkalahatan sa Tundun
4 n barja(di) dang hwan nayaka tuhan pailah jayadewa. di krama dang hwan namwaran dengan dang kaya- representing the Leader of Pailah, Jayadewa. This means that His Honor Namwran, through the Honorable Scribe4 sa pagkatawan ng Punong Kagawad ng Pailah na si Jayadewa. Sa atas na ito, sa pamamagitan ng Tagasulat,
5 stha shuddha nu di parlappas hutangda wale(da)nda kati 1 suwarna 8 di hadapan dang hwan nayaka tuhan pu- was totally cleared of a salary-related5 debt of 1 kati and 8 suwarna (weight of gold): in the presence of His Honor the Leader of Puliran, ang Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa lahat at inalpasan sa kaniyang utang at kaniyang mga nahuling kabayaran na 1 kati at 8 suwarna sa harapan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Puliran
6 liran ka sumuran. dang hwan nayaka tuhan pailah barjadi ganashakti. dang hwan nayaka tu- Kasumuran; His Honor the Leader of Pailah, representing Ganasakti; (and) His Honor the Leader na si Kasumuran, (sa kapangyarihan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Pailah).
7 han binwangan barjadi bishruta tathapi sadanda sanak kaparawis ulih sang pamegat de- of Binwangan, representing Bisruta. And, with his whole family, on orders of the Chief of Dewata Samakatuwid, ang mga nangabubuhay na inapo ng Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa anuman at lahat ng pagkakautang nito (ng Kagalang-galang na si Namwaran) sa Puno ng Dewata,
8 wata [ba]rjadi sang pamegat medang dari bhaktinda di parhulun sang pamegat. ya makanya sadanya anak representing the Chief of Mdang, because of his loyalty as a subject (slave?) of the Chief, therefore all the descendants Ito, kung sakali, ay magpapahayag kaninuman na mula ngayon kung may taong magsasabing hindi pa alpas sa utang ang Kagalang-galang...
9 chuchu dang hwan namwaran shuddha ya kaparawis di hutangda dang hwan namwaran di sang pamegat dewata. ini gerang of his Honor Namwaran have been cleared of the whole debt that His Honor owed the Chief of Dewata. This (document) is (issued) in case Samakatuwid, ang mga nangabubuhay na inapo ng Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa anuman at lahat ng pagkakautang nito
10 syat syapanta ha pashchat ding ari kamudyan ada gerang urang barujara welung lappas hutangda dang hwa ... there is someone, whosoever, some time in the future, who will state that the debt is not yet acquitted of His Honor... (ng Kagalang-galang na si Namwaran) sa Puno ng Dewata, Ito, kung sakali, ay magpapahayag kaninuman na mula ngayon kung may taong magsasabing hindi pa alpas sa utang ang Kagalang-galang... * Sa ika-10 linya natapos ang sulatin.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Ang Tundo sa Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna". Bagong Kasaysayan. http://www.bagongkasaysayan.org/ebook/wp-content/uploads/2013/03/3.Ang-Tundo_Kimuell-Gabriel_Marked.pdf. Hinango noong Disyembre 2, 2015. 
  2. http://www.mts.net/~pmorrow/lcieng.htm
  3. Santos, Hector (1996-10-26). "Sulat sa Tanso: Transcription of the LCI". http://www.bibingka.com/dahon/lci/transcri.htm. Hinango noong 2017-10-10. 
  4. http://www.bagongkasaysayan.org/ebook/wp-content/uploads/2013/03/3.Ang-Tundo_Kimuell-Gabriel_Marked.pdf
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Postma); $2