Pumunta sa nilalaman

Internet Protocol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Internet Protocol (IP) ay ang pangunahing communication protocol na ginagamit para sa pagpapasa ng mga datagram (mga packet) sa kahabaan ng isang internetwork na gumagamit ng Internet Protocol Suite. Bilang may pananagutan o responsable sa pagruruta ng mga packet sa kahabaan ng mga hangganan ng mga network, ito ang pangunahing protocol na naglulunsad ng Internet. Ito ang pangunahing protocol sa Internet Layer ng Internet Protocol Suite at may tungkulin gawin ang pagdadala ng mga datagram mula sa pinanggalingang mga host papunta sa destinasyong host na tanging nakaayon sa kanila mga address o tirahan ng IP. Para sa ganitong layunin, nilalarawan ng IP ang mga paraan at mga kayarian ng pagbibigay ng address para sa encapsulation ng datagram.

Ayon sa kasaysayan, ang IP ay ang serbisyo ng datagram na walang ugnay o walang koneksiyon (hindi kailangan ng pagkonekta) sa orihinal na Transmission Control Program (TCP) na ipinakilala nina Vint Cerf at Bob Kahn noong 1974; ang isa pa ay ang nangangailangan ng pag-ugnay o pagkonektang Transmission Control Protocol (TCP). Kaya't ang Internet Protocol Suite ay madalas na tinutukoy bilang TCP/IP.

Ang unang pangunahing bersyon ng IP, na kasalukuyang tinatawag na Internet Protocol Version 4 (IPv4) ay ang nangingibabaw na protokol ng Internet, bagama't ang kapalit na Internet Protocol Version 6 (IPv6) ay nasa masigla at lumalaki nang pagpapalaganap sa buong mundo.


InternetKompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.