Pumunta sa nilalaman

Pigsa ng gilagid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Intraoral dental sinus)

Ang pigsa ng gilagid (Ingles: alveolar abscess, intraoral dental sinus, parulis, gumboil) ay isang bukol o abscess na lumilitaw sa isa sa mga alveolus o butas na kinapapatungan ng ngipin. Binubuksan ito kaagad ng dentista sa lalong madaling panahon, kapag nalagyan na ng antiseptiko, dahil kung hindi isang peklat ang maiiwan sa ibabaw ng pisngi o ng leeg dahil sa nana o materya na manunuot sa nasabing mga lugar. Habang naglalabas ng katas ang abseso, dapat na panatilihing malinis ang bibig sa pamamagitan ng madalas na paggamit ng pangmumog, katulad ng isang kutsara ng kumpuwestong solusyon ng thymol o solusyon ng hydrogen peroxide na inihahalo sa dalawang kutsara ng mainit na tubig. Pagkatapos na gumaling ang pigsa ng gilagid, pinagtutuonan naman ng dentista ang kaukol na ngipin o mga ngipin. [1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Alveolus". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 27.