Pumunta sa nilalaman

Iphigenia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iphigeneia)
Isang fresco na naglalarawan ng hitsura ni Iphigenia.

Si Iphigenia (play /ɪfɪɪˈn.ə/; Sinaunang Griyego: Ἰφιγένεια, Iphigeneia) ay ang anak na babae ni Agamemnon at Clytemnestra sa mitolohiyang Griyego,[1] na napag-atasang patayin ni Agamemnon bilang isang alay o sakripisyo upang mapahintulutan ang kaniyang mga barko na makapaglayag papunta sa Troya. Sa mga salaysaying Atika,[2] na ang kahulugan ng pangalan ay "ipinanganak na malakas", o "siya na babaeng nagdulot ng pagkapanganak ng malakas na supling."[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ayon kay Antoninus Liberalis, Metamorphoses 27 (tekstong nasa Internet) si Iphigenia ay tinawag na anak na babae ni Theseus at Helen, na pinalaki ni Clytemnestra.
  2. Ikinatwiran ni Pausanias (2.21.6) sa isang scholium hinggil sa Lysistrata ni Aristophanes (l.645), na hindi sa Aulis, bagkus ay sa Brauron sa Attica (Atika) kung saan siya ay isinakripisyo (nakatala sa akda ni Karl Kerenyi na pinamagatang The Heroes of the Greeks 1959:238 and note 599).
  3. Henry George Liddell at Robert Scott, A Greek-English Lexicon, s.v. "Iphigenia" at Rush Rehm, The Play of Space (2002, 188). Ipinahayag ni Karl Kerenyi, na nalalaman ang malabong prehistorya ni Iphigenia bilang isang may awtonomiyang diyosa sa halip na isang karaniwang batang babaeng maaaring pakasalan na nasa loob ng bahay ni Agamemnon, ang kaniyang pangalan bilang may kahulugang "siya na babaeng namamahala sa mga pagpapanganak nang may buong lakas".(Kerenyi 1959:331).