Islam sa Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Nagsimula ang Islam sa Asya noong buhay pa si Muhammad. Noong 2020, tinatayang nasa 1.3 bilyong Muslim ang naninirahan sa kontinente, o lagpas 60% ng kabuuang populasyon ng mga Muslim.[1][2][3] Pinangungunahan ito ng Indonesia, Pakistan, India, at Banglades, gayundin ang mga bansa sa Kanluran (kabilang na ang Gitnang Silangan), Gitna, Timog, at Timog-silangang Asya.[3] Simula pa noong umusbong ang relihiyon sa Tangway ng Arabia, maraming mga Muslim ang nanirahan sa kontinente sa malaking bahagi ng kasaysayan nito.[3]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Daang Sutla, bukod pa sa iba pang mga mahahalagang daanang pangkalakal na kumokonekta sa Europa at Asya, ang naging daan upang mabilis na kumalat ang relihiyon sa malaking bahagi ng mundo.[4]

Suportado ng pamilya Barmakid ang Rebolusyong Abbasid laban sa Kalipatong Umayyad at kay As-Saffah.[5] Naging dahilan ito upang magkaroon si Khalid ibn Barmak ng impluwensiya, bukod pa sa pagiging bisir (Ingles: vizier) para sa kalipa (Ingles: caliph) na si al-Mahdi (nanungkulan 775-785 KP) ng kanyang anak na si Yahya ibn Khalid (namatay 806 KP), na naging tutor din ni Harun al-Rashid (nanungkulan 786-809 KP).[5] Matataas ang mga puwesto ng mga anak ni Yahya na sina al-Fadl at Ja'far (767-803 KP) sa ilalim ni Harun.[5] Marami sa mga Barmakid ang sumuporta sa mga agham, na nagpabilis sa pagpasok sa mundong Arabo ng mga agham mula India sa pamamagitan ng kalapit na Pamantasan ng Gundishapur. Sinuportahan nila ang mga akademikong tulad nina Gebir at Jabril ibn Bukhtishu. Sila rin ang kinikilalang unang nagpagawa sa isang pagawaan ng mga papel sa lungsod ng Baghdad. Ipinakita sa Isang Libo't Isang Gabi ang kapangyarihan na ito ng mga Barmakid; nagpakita ang bisir na si Ja'far nang ilang beses sa mga kuwento, gayundin sa isang kuwentong nagpasikat sa katagang "barmesidang pagdiriwang" (Ingles: barmecide feast, maraming ipinangako pero walang resulta).[5]

Kilala natin si Yaḥyā ibn Khālid al-Barmakī (namatay 805 KP) bilang isang tagasuporta ng mga manggagamot at, partikular na sa, mga salin ng mga gawang pangmedisina sa Hindu papuntang Arabo at Persyano. Malamang sa malamang, gayunpaman, ginawa niya ang mga ito sa paligid ng korte ng kalipato sa Irak, kung saan, sa utos ni Hārūn ar-Rashīd (786–809 KP), isinalin ang mga aklat na yon sa wikang Arabo. Ibig sabihin, nilampasan nila ang [mga lugar ng] Khurāsān at Transoxiana sa paglipat ng kaalamang ito mula India papuntang Islam, kahit na, hindi maitatangging nanggaling ang ganitong pagtingin ni Barmakī sa kultura sa kanilang lupaing pinagmulan, hilagang Apganistan, at nanggaling naman ang interes sa medisina ni Yaḥyā al-Barmakī mula sa isang tradisyon ng [kanilang] pamilya na hindi na ngayon matukoy.[a][6]

Marami sa mga unang gobernador ng kalipato ay Barmakid. Itinatag ni Khalid ibn Barmak ang Mansura sa Sindh gayundin ang Baghdad. Naging gobernador naman ng ngayo'y Aserbayan ang anak niya.[5]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paalala: ang mga estadistikang makikita sa baba ay mga pagtataya mula sa iba't-ibang sanggunian (madalas ang ulat ng International Religious Freedom ng Estados Unidos). Ibig sabihin, posibleng hindi ito sumasalamin sa aktwal na bilang ng mga Muslim sa naturang lugar. Posible ring iba-iba ang mga taon ng pagtataya para sa bawat lugar. Nakahilis ang mga teritoryo o dependensiyang nakalista sa baba.

Gitnang Asya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Registan, ang tatlong madrasah nito. Makikita ito sa Samarkand sa Usbekistan.
Bansa Kabuuan (pop) Mga Muslim (%) Mga Muslim (pop)
 Kasakistan 19,200,000 70.0%[7] 13,440,000
 Kirgistan 6,000,000 90.0%[8] 5,400,000
 Tayikistan 8,700,000 90.0%[9] 7,830,000
 Turkmenistan 5,600,000 89.0%[10] 4,984,000
 Usbekistan 33,000,000 94.0%[11] 31,020,000
Gitnang Asya 72,500,000 86.4% 62,674,000

Kanlurang Asya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kaaba sa Masjid al-Haram sa Mecca, Saudi. Dito pumupunta ang mga Muslim na nagsasagawa ng hajj.
Ang Al-Masjid an-Nabawi sa Medina, Saudi.
Bansa Kabuuan (pop) Mga Muslim (%) Mga Muslim (pop)
 Armenya 3,000,000 1.00%[12] 30,000
 Aserbayan 10,300,000 96.0%[13] 9,888,000
 Bareyn 1,700,000 74.0%[14] 1,258,000
 Emiratos 9,900,000 76.00%[15] 7,524,000
 Heorhiya 4,900,000 10.7%[16] 524,300
 Hordanya 10,900,000 97.1%[17] 10,583,900
 Irak 39,700,000 97.0%[18] 38,509,000
 Iran 85,900,000 99.4%[19] 85,384,600
 Israel 9,431,000 18.1%[20] 1,707,011
 Katar 3,059,000 67.7%[21] 2,070,943
 Kuwait 4,467,000 76.7%[22] 3,426,189
 Libano 5,300,000 64.9%[23] 3,439,700
 Oman 4,674,000 85.9%[24] 4,014,966
 Palestina 5,101,000 96.5%[25] 4,922,465
 Saudi 34,800,000 90.5%[26] 31,500,000
 Siria 20,400,000 87.0%[27] 17,748,000
 Tsipre 1,300,000 1.8%[28] 23,400
 Turkiya 82,500,000 99.0%[29] 81,675,000
 Yemen 30,400,000 99.0%[30] 30,096,000
Kanlurang Asya 367,732,000 90.9% 334,325,474

Silangang Asya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Moske ng Huaisheng sa Guangzhou, Tsina. Ito ang pinakalumang moske sa naturang bansa.
Bansa Kabuuan (pop) Mga Muslim (%) Mga Muslim (pop)
 Hapon 124,700,000 0.2%[31] 230,000
 Hong Kong 7,200,000 4.2%[32] 300,000
 Hilagang Korea 25,610,672 0.01%[33] 3,000
 Timog Korea 51,700,000 0.3%[34] 150,000
 Macau 614,000 1.6%[35] 10,000
 Mongolia 3,300,000 3.2%[36] 105,851
 Taiwan 23,570,000 0.3%[37] 60,000
 Tsina 1,400,000,000 1.8%[38] 25,200,000
Silangang Asya 1,628,880,672 1.6% 25,748,851

Timog Asya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang makasaysayang Moske ng Badshahi sa Lahore, Pakistan. Ito ang pangalawang pinakamalaking moske sa Timog Asya.
Bansa Kabuuan (pop) Mga Muslim (%) Mga Muslim (pop)
 Apganistan 37,500,000 99.7%[39] 37,387,500
 Banglades 164,100,000 89.0%[40] 146,049,000
 Butan 685,502 1.0%[41] 7,000
 India 1,300,000,000 14.2%[42] 184,600,000
 Maldibas 543,620 100.0%[43] 543,620
   Nepal 30,400,000 4.4%[44] 1,337,600
 Pakistan 238,200,000 96.0%[45] 228,672,000
 Sri Lanka 23,000,000 9.7%[46] 2,231,000
Timog Asya 1,794,429,122 33.5% 600,827,720

Timog-silangang Asya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bansa Kabuuan (pop) Mga Muslim (%) Mga Muslim (pop)
 Biyetnam 102,000,000 0.08%[47] 80,000
 Brunei 471,000 78.8%[48] 371,148
 Indonesia 275,100,000 87.2%[49] 239,887,200
 Kamboya 16,500,000 5.0%[50] 825,000
 Laos 7,600,000 0.01%[51] 1,000
 Malasya 33,500,000 61.3%[52] 20,535,500
 Myanmar 57,100,000 4.0%[53] 2,284,000
 Pilipinas 105,200,000 6.01%[54] 6,064,744
 Singapura 5,900,000 15.6%[55] 920,400
 Taylandiya 69,500,000 5.0%[56] 3,475,000
 Silangang Timor 1,400,000 1.0%[57] 14,000
Timog-silangang Asya 674,271,000 40.7% 274,457,992

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Ingles: We know of Yaḥyā ibn Khālid al-Barmakī (d. 805 CE) as a patron of physicians and, specifically, of the translation of Hindu medical works into both Arabic and Persian. In all likelihood, however, his activity took place in the orbit of the caliphal court in Iraq, where at the behest of Hārūn ar-Rashīd (786–809), such books were translated into Arabic. Thus Khurāsān and Transoxiana were effectively bypassed in this transfer of learning from India to Islam, even though, undeniably the Barmakī's cultural outlook owed something to their land of origin, northern Afghanistan, and Yaḥyā al-Barmakī's interest in medicine may have derived from no longer identifiable family tradition.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "The Global Religious Landscape" [Ang Pandaigdigang Tanawing Panrelihiyon] (PDF) (sa Ingles). Pewforum.org. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 25 Enero 2017. Nakuha noong 26 Nobyembre 2022.
  2. Laffan, Michael. "Islam in Southeast Asia" [Islam sa Timog-silangang Asya]. Asia Society (sa Ingles). Nakuha noong 26 Nobyembre 2022.
  3. 3.0 3.1 3.2 Sjoquist, Douglas P. (2005). The Demographics of Islam in Asia [Ang Demograpiko ng Islam sa Asya] (PDF) (sa Ingles). Bol. 10. Association for Asian Studies. Nakuha noong 26 Nobyembre 2022.
  4. "Did you know?: The Spread of Islam in Southeast Asia through the Trade Routes" [Alam mo ba?: Ang Pagkalat ng Islam sa Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng mga daang pangkalakal]. UNESCO (sa Ingles). Nakuha noong 26 Nobyembre 2022.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Omar, Farouk. "Barmakids" [Mga Barmakid]. Britannica (sa Ingles). Nakuha noong 26 Nobyembre 2022.
  6. Bosworth, C.E.; Asimov, M.S. History of Civilizations of Central Asia [Kasaysayan ng mga Sibilisasyon sa Gitnang Asya]. Bol. 4. p. 300.
  7. 2021 Report on International Religious Freedom: Kazakhstan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Kasakistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  8. 2020 Report on International Religious Freedom: Kyrgyz Republic [Ulat noong 2020 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Republikang Kirgis]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 12 Mayo 2021. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  9. 2019 Report on International Religious Freedom: Tajikistan [Ulat noong 2019 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tayikistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2020. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  10. 2021 Report on International Religious Freedom: Turkmenistan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Turkmenistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  11. "2018 Report on International Religious Freedom: Uzbekistan" [Ulat noong 2018 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Usbekistan]. U.S. Embassy in Uzbekistan (sa Ingles). U.S. Mission Uzbekistan. 8 Mayo 2019. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  12. Hussain, Shahid (12 Hunyo 2020). "How Armenia's Historical Connections with Islam can Shape its Diplomacy Today" [Paano Mahuhulma ng mga Makasaysayang Koneksyon ng Armenya sa Islam sa Diplomasya Nito Ngayon]. Modern Diplomacy (sa Ingles). Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  13. 2021 Report on International Religious Freedom: Azerbaijan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Aserbayan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  14. 2021 Report on International Religious Freedom: Bahrain [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Bareyn]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
  15. 2021 Report on International Religious Freedom: United Arab Emirates [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Emiratos]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  16. 2021 Report on International Religious Freedom: Georgia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Heorhiya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  17. 2021 Report on International Religious Freedom: Jordan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Hordanya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  18. 2021 Report on International Religious Freedom: Iraq [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Irak]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  19. 2021 Report on International Religious Freedom: Iran [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Iran]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  20. The Muslim Population in Israel 2022 [Ang Populasyon ng Muslim sa Israel noong 2022] (Ulat) (sa Ingles). Central Bureau of Statistics. 6 Hulyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  21. Crystal, Jill Ann. "Qatar" [Katar]. Britannica (sa Ingles). Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  22. Crystal, Jill Ann. "Kuwait". Britannica (sa Ingles). Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  23. 2021 Report on International Religious Freedom: Lebanon [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Libano]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  24. Crystal, Jill Ann. "Oman". Britannica (sa Ingles). Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  25. "Population of Palestine" [Populasyon ng Palestina]. Fanack (sa Ingles). 10 Agosto 2020. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  26. 2021 Report on International Religious Freedom: Saudi Arabia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Saudi]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  27. "Syria Religions" [Mga relihiyon [sa] Siria]. Index Mundi (sa Ingles). Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  28. 2021 Report on International Religious Freedom: Cyprus [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsipre]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  29. 2021 Report on International Religious Freedom: Turkey [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Turkiya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  30. 2021 Report on International Religious Freedom: Yemen [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Yemen]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022.
  31. 2021 Report on International Religious Freedom: Japan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Hapon]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  32. 2020 Report on International Religious Freedom: China—Hong Kong [Ulat noong 2020 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina—Hong Kong]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 12 Mayo 2021. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  33. "Table: Muslim Population by Country" [Talahanayan: Populasyon ng mga Muslim sa kada Bansa] (sa Ingles). Pew Research Center. 27 Enero 2011. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  34. 2021 Report on International Religious Freedom: South Korea [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Timog Korea]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  35. 2020 Report on International Religious Freedom: China—Macau [Ulat noong 2020 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina—Macau]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 12 Mayo 2021. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  36. 2021 Report on International Religious Freedom: Mongolia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Mongolia]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  37. "Muslim-friendly Taiwan embraces religious diversity" [Tanggap sa Kaibigan ng mga Muslim na Taiwan ang pagkakaiba-iba sa relihiyon]. Taiwan Today (sa Ingles). Ministry of Foreign Affairs of the Republic of China. 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  38. 2021 Report on International Religious Freedom: China (Includes Tibet, Xinjiang, Hong Kong, and Macau) [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina (Kasama Tibet, Xinjiang, Hong Kong, at Macau)]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  39. 2021 Report on International Religious Freedom: Afghanistan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Apganistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  40. 2021 Report on International Religious Freedom: Bangladesh [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Banglades]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  41. "Muslim populations by country: how big will each Muslim population be by 2030?" [Mga populasyon ng Muslim kada bansa: gaano kalaki ang bawat populasyon ng Muslim pagdating ng 2030?]. The Guardian (sa Ingles). 28 Enero 2011. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  42. 2021 Report on International Religious Freedom: India [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: India]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  43. Fieldstadt, Elisha (22 Nobyembre 2017). "The most heavily Muslim countries on Earth" [Ang mga pinaka-Muslim na bansa sa Daigdig]. CBS News (sa Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  44. 2021 Report on International Religious Freedom: Nepal [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Nepal]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  45. 2021 Report on International Religious Freedom: Pakistan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Pakistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  46. 2021 Report on International Religious Freedom: Sri Lanka [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Sri Lanka]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  47. 2021 Report on International Religious Freedom: Vietnam [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Biyetnam]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  48. 2021 Report on International Religious Freedom: Brunei [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Brunei]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  49. 2021 Report on International Religious Freedom: Indonesia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Indonesia]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  50. 2021 Report on International Religious Freedom: Cambodia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Kamboya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  51. 2021 Report on International Religious Freedom: Laos [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Laos]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  52. 2021 Report on International Religious Freedom: Malaysia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Malasya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  53. 2021 Report on International Religious Freedom: Burma [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Burma]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  54. "Factsheet on Islam in Mindanao" [Factsheet sa Islam sa Mindanao]. Philippine Statistics Authority (sa Ingles). 28 Setyembre 2017. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-08-06. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  55. 2021 Report on International Religious Freedom: Singapore [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Singapura]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  56. 2021 Report on International Religious Freedom: Thailand [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Taylandiya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
  57. 2021 Report on International Religious Freedom: Timor-Leste [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Timor-Leste]. U.S. Department of State (Ulat) (sa Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.

Link sa labas[baguhin | baguhin ang wikitext]