Istanbul

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mga tanawin sa Istanbul

Ang Istanbul (bigkas: NK /ˌɪstænˈbʊl/, /ʔˈbl/ or EU /ʔstɑːnʔ/ or /ˈɪstənbʊl/;[1][2] Turko: İstanbul [isˈtanbuɫ] ( pakinggan)) ay ang dating kabisera ng Silangang Imperyo Romano at Imperyong Ottoman ng Turkiya, kilala sa kasaysayan bilang Constantinople (bigkas: /kons·tan·ti·no·pol/) at Byzantium. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking lungsod sa Turkiya na may populasyon na 15,067,724 (taya noong Disyembre 31, 2018).[3] Isa ito sa pinakamataong lungsod sa buong sanlibutan at pinakamataong lungsod sa Europa. Adminstratibong sentro ang lungsod ng Kalakhang Munisipalidad ng Istanbul (coterminous o kapareho sa Lalawigan ng Istanbul).

Ang lungsod na ito ang sentrong pang-ekonomiya, pangkalinangan at pangkasaysayan ng bansa. Isang lungsod na transkontinental sa Eurasya ang Istanbul na sumasaklang sa kipot ng Bosporus (na pinaghihiwalay ang Europa at Asya) sa pagitan ng Dagat ng Marmara at Dagat Itim . Ang pangkomesrsyo at pangkasaysayang sentro ay nasa bandang Europa at mga ikatlo ng populasyon nito ay nasa naik sa bandang Asya ng Bosporus.[4] Nakikita ang Istanbul bilang isang tulay sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Wells, John C. (2008), Longman Pronunciation Dictionary (3rd ed.), Longman, ISBN 978-1-4058-8118-0 (sa Ingles)
    Roach, Peter (2011), Cambridge English Pronouncing Dictionary (18th ed.), Cambridge: Cambridge University Press, ISBN 978-0-521-15253-2 (sa Ingles)
  2. Merriam-Webster's Collegiate Dictionary, 11th Edition (Springfield, Mass., 2004), p. 1547. (sa Ingles)
  3. "The Results of Address Based Population Registration System, 2018" (sa Turko). Turkish Statistical Institute. 1 Pebrero 2019. Hinango noong 1 Pebrero 2019.
  4. WCTR Society; Unʼyu Seisaku Kenkyū Kikō 2004, p. 281 (sa Ingles)