Itami
Itami 伊丹市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan simula sa itaas: Tanawin ng pook urbano ng Itami mula sa himpapawid noong 1985, Museo ng mga Insekto ng Lungsod ng Itami, Gusaling Panlungsod ng Itami, mga guho ng Kastilyo ng Itami o Kastilyo ng Arioka | |||
| |||
![]() Kinaroroonan ng Itami sa Prepektura ng Hyōgo | |||
Mga koordinado: 34°47′N 135°24′E / 34.783°N 135.400°E[1] | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Kansai | ||
Prepektura | Hyōgo | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Shinya Nakata (中田慎也) (mula Abril 2025)[kailangan ng sanggunian] | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 25.00 km2 (9.65 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Nobyembre 1, 2022) | |||
• Kabuuan | 197,215 | ||
• Kapal | 7,900/km2 (20,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+09:00 (JST) | ||
Kinaroroonan ng gusaling panlungsod | 1-1 Senzo, Itami-shi, Hyōgo-ken 664-8503 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Ang Itami (伊丹市 Itami-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Hyōgo, Hapon. Magmula noong 1 Nobyembre 2022[update], may tinatayang populasyon na 197,215 katao ang Itami, sa 83,580 mga kabahayan, at mayroon itong kapal ng populasyon na 7,900/km2 (20,000/mi kuw).[2] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 25.00 square kilometre (9.65 mi kuw).
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Itami sa timog-silangang bahagi ng Prepektura ng Hyōgo. Nasa silangan nito ang Ilog Ina, habang nasa kanluran naman nito ang Ilog Muko.[1] May patag at bahagyang umbok na lupain sa kabuoan ng lugar ng lungsod.[1] Bumabaybay mula hilaga patimog ang Linyang JR West Japan JR Takarazuka (na kilala rin bilang Linyang Fukuchiyama) at Linyang Hankyū Itami. Ito ay humigit-kumulang 10 km (6.2 mi) mula Osaka at umuugnay sa Kawanishi sa hilaga, Takarazuka sa hilagang-kanluran, Nishinomiya at Amagasaki sa timog-kanluran, at Ikeda at Toyonaka sa silangan.[1]
Mga karatig-munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Prepektura ng Hyōgo
Prepektura ng Osaka
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] tumataas na ang populasyon ng Itami mula noong dekada-1950. Ang lungsod ay may pangalawang pinakamalaki na kapal ng populasyon sa Prepektura ng Hyōgo, kasunod ng lungsod ng Amagasaki na nasa timog nito.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1950 | 59,838 | — |
1960 | 86,455 | +44.5% |
1970 | 153,736 | +77.8% |
1980 | 178,228 | +15.9% |
1990 | 186,134 | +4.4% |
2000 | 192,159 | +3.2% |
2010 | 186,160 | −3.1% |
Mga kinakapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Sake and Itami". Itami City. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 12, 2018. Nakuha noong Mayo 12, 2018.
- ↑ "Itami city official statistics" (sa wikang Hapones). Japan.
- ↑ Estadistika ng populasyon ng Itami
- ↑ "TID Travel Journal "Itami City: Dream and Fascination"". Hyogo Tourism Association. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2015. Nakuha noong Abril 2, 2015.
- ↑ Dr. Katsuhiro Sasuga (Oktubre 28, 2004). Microregionalism and Governance in East Asia. Routledge. p. 144. ISBN 0-415-33134-X.