Pumunta sa nilalaman

Ivana (pangalan)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ivana (pangalan)
Kasarianbabae
Pinagmulan
Salita/PangalanEslabo
Kahulugankaloob mula sa Diyos, kaloob mula sa kalangitan, napakaliit, minamahal

Ang Ivana (Serbiyo: Ивана) ay isang pambabaeng ibinigay na pangalan na may pinagmulang Eslabo na tanyag din sa katimugang Irlanda, Pransiya, bahagi ng Canada na pangunahin ang wikang Pranses, Mediteraneo at Latinong Amerika. Ito ay ang pambabaeng anyo ng pangalang Ivan, na kapuwang mga hinlog na Eslabo ng mga pangalang Joanna at John. Maaari rin itong baybayin bilang Ivanna.

Ang mga baryanteng Iva at Ivanka ay mga diminutibong hinango sa Ivana. Ipinagdiriwang ang araw ng pangalan tuwing Abril 4. Sa Slovakia, ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 28. Sa Macedonia, ang araw ng pangalan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 7 - na kilala rin bilang Ivanden.