Jacob Riis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Jacob Riis
Jacob Riis 2.jpg
Kapanganakan3 Mayo 1849
Kamatayan26 Mayo 1914
PagkamamamayanEstados Unidos
Hanapbuhaypotograpo, manunulat, peryodista, photojournalist, biyograpo

Si Jacob August Riis (Mayo 3, 1849 - Mayo 26, 1914) ay isang litratista at mamamahayag na Amerikanong may lahing Dinamarkano. Dumating si Riis sa Estados Unidos noong 1861 at tumanggap ng kakaibang mga hanapbuhay bago lumahok sa pamamahayag. Pinaka nakikilala si Riis dahil sa kaniyang mga litrato at mga pagsusulat hinggil sa mga kaiskuwateran ng Lungsod ng New York. Karaniwang itinuturing si Riis bilang isa sa mga Muckraker, isang pangkat ng mga tao na nagnanais na mapainam ang mga kalagayan sa mga lungsod. Ang kaniyang mga kuhang larawan ay naglalarawan ng kabigla-biglang mga kalagayan ng buhay ng mga imigranteng mahihirap, mga manggagawa sa mga pabrikang tinaguriang mga "paggawaan ng pawis", at mga naninirahan sa mga tenemento (uri ng mga paupahang bahay). Ang mga litratong ito ay inilathala sa How the Other Half Lives ("Paano Nabubuhay ang Kalahati").[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R115.