Pumunta sa nilalaman

Jaime de la Rosa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jaime dela Rosa)
Jaime de la Rosa
Kapanganakan
Tomas de la Rosa

18 Setyembre 1921(1921-09-18)
Kamatayan2 Disyembre 1992(1992-12-02) (edad 71)
Ibang pangalanTommy, Jaime
TrabahoArtista
Aktibong taon1939–1975

Si Jaime ang nakababatang kapatid ng isang batikang artista na si Rogelio dela Rosa. Una siyang lumabas sa pelikulang Mga Anak ng Lansangan kung saan gumanap siya bilang isa sa mga Squatters na namumuhay lamang sa tabi-tabi ng lansangan. Noong 1940 isang Kuwentong Pag-ibig na Cadena de Amor (film) ang kanyang nilahukan kung saan suporta lamang siya sa mga bida. Yaon ding taon ng kunin naman siya ng Parlatone Hispano-Filipino para sa pelikulang Bawal na Pag-ibig (1940) at nakagawa siya ng isang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ang Kahapon Lamang kung saan nagkaroon na rin siya ng pangalan.

Nakagawa rin siya ng isang pelikula sa ilalim ng Excelsior Pictures na isang Musikal na Ibong Sawi at iyon na rin ang huli niyang pelikula hanggang sa sumapit ang digmaan.

Taong 1946, kinontrata siya ng LVN Pictures sa pelikulang Garrison 13 kung saan nakasama niya sa kauna-unahan at kahuli-hulihang pagkakataon ang kanyang kapatid na si Rogelio dela Rosa. Itinambal siya kay Norma Bancaflor sa kauna-unahang pelikulang siya ang bida ang Aladin

Halos kalahati ng artista ng LVN Pictures ang kanya ng nakapareha sa pelikula at ito ay sina Rebecca Gonzalez sa isang Musikal na Ikaw ay Akin (1947), si Mila del Sol sa Romansa, Lilia Dizon at Lillian Velez sa Engkantada (film), Norma Blancaflor sa Tanikalang Papel, Tessie Quintana sa Tambol Mayor, Rosa Rosal sa Biglang Yaman, Delia Razon sa Shalimar, Prescilla Cellona sa Amor-Mio, Nida Blanca sa Batanguena, Lorna Mirasol sa Donato at marami pang iba.

Lugar ng Kapanganakan

[baguhin | baguhin ang wikitext]