Pumunta sa nilalaman

James Martin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
James Martin
Kapanganakan29 Disyembre 1960[1]
  • (Montgomery County, Pennsylvania, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposPamantasang Loyola Chicago
Trabahomanunulat, paring Katoliko, mamamahayag

Si James J. Martin (ipinanganak noong 29 Disyembre 1960) ay isang paring Hesuwita, manunulat, at kasamang patnugot ng Hesuwitang magasing America.[2]

Ang pinakakilalang aklat ni Paring Martin na My Life with the Saints ("Ang Buhay kO sa Piling ng mga Santo," 2006), ay pinangalanan ng Publishers Weekly bilang isa sa Pinakamahusay na mga Aklat ng Taon[3] at nagwagi ng Gantimpalang Christopher noong 2007.[4]

Isa siyang madalas na tagapagbigay ng kuru-kuro o tagapuna para sa CNN, NPR, FoxNews, Time Magazine, at iba pang mga labasan ng mga balita, at nakapagsulat din ilang mga piraso ng mga "op-ed" o opinyong editoryal at nakapag-blog para sa The New York Times.

Noong Mayo 2007, nakatanggap siya ng pagpaparangal na degri ng pagduktor sa kabanalan o dibinidad mula sa Dalubhasaang Wagner ng Pulo ng Staten, Bagong York.[5]

Siya rin ang sumulat ng aklat na A Jesuit Off-Broadway ("Isang Hesuwitang Wala [o Malayo o Mintis Lamang ang Tinitirhan] sa Broadway"), na sinuring nilagyan ng bituin ng Publishers Weekly at pinangalan ito bilang isa sa Pinakamahusay na mga Aklat ng 2007.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. James Martin, OL 1447458A, Wikidata Q3547757
  2. Panig ng America Magazine na naglalahad ng mga kasaping-tauhan, Enero 21–28, 2008.
  3. 3.0 3.1 websayt ng Publishers Weekly
  4. websayt ng The Christophers[patay na link]
  5. websayt ng Kolehiyong Wagner

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TalambuhayKatolisismoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Katolisismo at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.