JavaScript

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang JavaScript ( /ˈɑːvəˌskrɪpt/[1]) ay isang high-level, dynamic, untyped, at interpreted na programming language. Ginawa itong pamantayan sa pamamagitan ng espesipikasyon ng wikang pamprograma na ECMAScript. Kasama ang HTML at CSS, ito ang isa sa mga tatlong mahahalagang teknolohiya ng World Wide Web sa larangan ng paggawa ng mga nilalaman; ang karamihan ng mga websayt ay ginagamit ito at sinusuporta ng lahat ng modernong mga Web browser na walang plug-ins.

Kasaysayan at paano gumagana[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang ideya ng naturang mga dynamic na web page sa pagkaka-imbento ng scripting language na JavaScript. Ang pagsuporta ng JavaScript sa mga pangunahing web browser at nangangahulugan na makakapagsama ang mga web page na iyon ng higit na makahulugang real-time na mga pakikipag-ugnay. Halimbawa, kung nagpunan ka ng online na form at na-klik ang pindutan na "i-sumite," magagamit ng web page ang JavaScript upang tingnan ang iyong mga pinasok sa real-time at agad kang aalertuhan kung mali mong napunan ang form.

Ngunit ang dynamic na alam natin ngayon at nabuo nang ipinakilala ang XHR (XMLHttpRequest) sa JavaScript, at unang ginamit sa mga application sa web tulad ng Microsoft Outlook para sa Web, Gmail at Google Maps. Pinagana ng XHR ang mga indibiduwal na bahagi ng isang web page — isang laro, mapa, bidyo, maikling survey — na babaguhin nang hindi kinakailangang ikarga muli ang buong pahina. Bilang resulta, mas mabilis at higit na tumutugon ang apps sa web.

Naging higit na tumutugon din ang mga web page sa pagpapakilala ng CSS (Cascading Style Sheets). Binibigyan ng CSS ang mga nagproprograma ng madali, mahusay na paraan upang tukuyin ang ayos ng isang web page at pagandahin ang pahina gamit ang mga elemento sa pagdidisenyo tulad ng mga kulay, bilugang sulok, at animasyon.

Madalas na sumasangguni ang mga web programmer sa makapangyarihang kumbinasyong ito ng JavaScript, XHR, CSS at iba pang mga teknolohiya sa web tulad ng AJAX (Asynchronous JavaScript and XML). Patuloy ding nagbago ang HTML habang isinasama ang higit pang mga tampok at pagpapabuti sa mga bagong bersyon ng pamantayang HTML.

Nagbago ang web sa ngayon mula sa nagpapatuloy na pagsusumikap ng lahat ng mga dalubhasa sa teknolohiya, mga nag-iisip, coder at mga samahan na lumikha sa mga teknolohiya sa web na ito at tinitiyak na suportado sila sa mga web browser tulad ng Internet Explorer, Firefox, Safari at Google Chrome. Ginawa ng ugnayan sa pagitan ng mga teknolohiya sa web at browser na ito ang web na bukas at madaling gamiting platform ng konstruksiyon para sa mga web developer, na siya namang gumagawa ng maraming kapaki-pakinabang at kasiya-siyang application sa web na ginagamit natin araw-araw.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "JavaScript". Collins English Dictionary – Complete & Unabridged 2012 Digital Edition. William Collins Sons & Co. 2012. http://dictionary.reference.com/browse/javascript. Hinango noong 21 Agosto 2015.