Jehoiada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Jehoiada o Joiada (Hebreo: יְהוֹיָדָע Yəhōyāḏā‘, "Alam ni Yahweh") ayon sa Tanakh ay isang Dakilang Saserdote na nagsilbi sa paghahari ng mga hari ng Kaharian ng Juda na sina Ahazias ng Juda, Ataliah, at Jehoash ng Juda. Pinapatay ni Jehu ang lahat ng sambahayan ni Ahab kabilang sina Ahazias at lahat ng mga kasapi ng sambahayan ni Ahazias.(2 Hari 9, 2 Kronika 22:7-9, Hosea 1:4) Ayon sa 2 Hari 11:2 at 2 Kronika 22:10, pinapatay ni Athaliah(naghari noong ca. 842-837 BCE o 842/841-835) ang lahat ng mga kasapi ng kaharian ng Juda upang siya ang maging reyna. Pagkatapos ng 6 na taon, ang saserdote ng paksiyong maka-Yahweh na si Jehoiada ay nagpakilala ng isang batang lalale na si Jehoash ng Juda na kanyang inangking isa sa mga kasapi ng sambahayang hari ng Juda at pinatay ni Jehoiada si Athaliah.