Joram ng Israel
Jehoram ng Israel | |
---|---|
Guhit ni Jehoram ni Guillaume Rouillé Promptuarii Iconum Insigniorum | |
Panahon | c. 850 – c. 840 BCE |
Sinundan | Ahazias ng Israel |
Sumunod | Jehu |
Ama | Ahab |
Ina | Jezebel |
Jehoram (Hebreo: יְהוֹרָם Yəhōrām; o Joram) ay isang hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni haring Ahab at Jezebel at kapatid ni Ahazias ng Israel. Si Jehoram ng Israel noong ika-18 taon ni Jehoshaphat ng Juda ayon sa 2 Hari 3:1 o sa ika-2 ng paghahari ni Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat. Si Jehoshaphat ay naghari ng 25 taon na nangangahulugang ang kanyang amang si Ahab ay namatay pagkatapos ng 9 na taon. Ayon sa 2 Hari 8:16, si Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat ay naghari sa ika-4 taon ng paghahari ni Jehoram ng Israel na anak ni Ahab. Iminungkahi nina Hayes at Miller na ang dalawang Jehoram ay iisa lamang tao. Ang ilan ay nagmungkahing si Jehoram ng Juda ay naging hari ng Kaharian ng Juda nang si Jehoshaphat ay hari pa rin ng Juda ngunit nagpapalagay na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 9 na taon lamang na salungat sa 2 Hari 3:1 na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 12 taon. Inalis ni Jehoram ng Israel ang mga Ba'al na itinayo ng kanayang amang si Ahab ngunit salungat sa 2 Hari 10:25-26 na noong panahon lamang ni Jehu nang tanggalin ang mga Ba'al na itinayo ni Ahab at pinatay ni Jehu ang lahat ng kasapi ng pamilya ni Ahab kabilang Jehoram ng Israel, Jezebel at Ahazias ng Israel. Ayon sa 2 Hari 3:6, si Jehoram ng Israel ay humingi ng tulong kay Jehoshaphat upang lumaban sa mga Moabita.