Joe Biden

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Joe Biden
Joe Biden

Kasalukuyan
Panunungkulan
Enero 20, 2009
Pangulo Barack Obama
Sinundan si Dick Cheney

Panunungkulan
Enero 3, 1973 – Enero 15, 2009
Sinundan si Caleb Boggs
Sinundan ni Ted Kaufman

Tagapangulo ng Komite ng Senado para sa Panlabas na Ugnayan
Panunungkulan
Enero 4, 2007 – Enero 3, 2009
Sinundan si Richard Lugar
Sinundan ni John Kerry
Panunungkulan
Hunyo 6, 2001 – Enero 3, 2003
Sinundan si Jesse Helms
Sinundan ni Richard Lugar
Panunungkulan
Enero 3, 2001 – Enero 20, 2001
Sinundan si Jesse Helms
Sinundan ni Jesse Helms

Tagapangulo ng International Narcotics Control Caucus
Panunungkulan
Enero 4, 2007 – Enero 3, 2009
Sinundan si Chuck Grassley
Sinundan ni Dianne Feinstein

Tagapangulo ng Senate Judiciary Committee
Panunungkulan
Enero 6, 1987 – Enero 3, 1995
Sinundan si Strom Thurmond
Sinundan ni Orrin Hatch

Panunungkulan
1970 – 1972

Kapanganakan 20 Nobyembre 1942 (1942-11-20) (74 taong gulang)
Scranton, Pennsylvania, U.S.
Kabansaan Amerikano
Partidong politikal Democratiko
Asawa Neilia Hunter
(k. 1966–72)

Jill Jacobs (k. 1977)
Mga anak Beau (1969–2015)
Hunter
Naomi (1971–1972)
Ashley
Tirahan Number One Observatory Circle (Official)
Wilmington, Delaware (Private)
Alma mater University of Delaware (B.A.)
Syracuse University (J.D.)
Relihiyon Romano Katoliko
Lagda Lagda ni Joe Biden
Websayt Opisyal na websayt
Opisyal na Facebook
Opisyal na Twitter

Padron:JoeBidenseries

Si Joseph Robinette "Joe" Biden, Jr. (isinilang Nobyembre 20, 1942) ay ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos. Siya ang kauna-unahang Pangalawang Pangulo na Romano Katoliko, at kauna-unahang Pangalawang Pangulo na galing Delaware.

Ipinanganak si Biden sa Scranton ng estadong-lungsod ng Pennsylvania, at namuhay doon ng sampung taon bago lumipat sa Delaware. Naging abogado siya noong 1969, at nahalal sa konseho ng county noong 1970. Una siyang nahalal sa Senado noong 1972 at naing ika-limang pinakabatang senador sa kasaysayan ng Estados Unidos. Muli siyang nahalal sa pagkasenador noong 1978, 1984, 1990, 1996, at 2002; at naging ikaanim sa pinakamahabang naglingkod bilang senador, mula sa mga pangkasalukuyang senador.

Matagal nang kasapi at tagapangasiwa si Biden ng Komite ng Senado para sa Ugnayang Panlabas ng Estados Unidos. Nakatulong ang kaniyang mahigpit na pagtataguyod sa pagdadala ng tulong na pangmilitar at pamamagitan sa Digmaang Bosniano. Bumoto siya sa panig ng Resolusyon para sa Digmaan sa Irak, subalit nagmungkahi ng mga katugunan sa kalaunan para baguhin ang estratehiya ng Estados Unidos sa Irak. Naglingkod siya bilang tagapangasiwa ng Komiteng Panghudikatura ng Senado, na namamahala sa mga paksang may kaugnayan sa mga batas sa mga pinagbabawal na gamot, pag-iwas sa pagkakaroon ng krimen, at hinggil sa mga kalayaang sibil, na nagbunga ng tinatawag na mga Violent Crime Control and Law Enforcement Act at Violence Against Women Act. Pinangasiwaan niya ang Komiteng Hudikarya sa kapanahunan ng nominasyon nina Robert Bork at Clarence Thomas para sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos.

Hindi naging matagumpay ang paghahangad niyang maging nominado sa pagkapangulo ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos noong 1998 at 2008, kaya't napiling umayaw ng maaga sa kampanya sa dalawang pagkakataong ito. Subalit napili siya ni Barack Obama upang maging nominado para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos para sa halalan ng 2008 sa Estados Unidos.


PolitikoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.