Pumunta sa nilalaman

John Field

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Field
Kapanganakan26 Hulyo 1782[1]
  • (Irlanda)
Kamatayan23 Enero 1837[1]
LibinganVvedenskoye Cemetery
MamamayanIrlanda
Imperyong Ruso
Trabahopiyanista, kompositor, guro, makatà

Si John Field (26 Hulyo 1782 [?], bininyagan noong 5 Setyembre 1782 – 23 Enero 1837) ay isang Irlandes na piyanista, kompositor, at guro. Ipinanganak siya sa Dublin sa isang pamilyang makamusika, at nakatanggap ng kanyang maagang edukasyon doon. Sa pagdaka, lumipat ang mga Field sa London, kung saan nag-aral si John sa ilalim ng pagtuturo ni Muzio Clementi. Sa ilalim ng pagkaguro ni Clementi, si Field ay kaagad na naging tanyag at hinahanap-hanap na piyanista; magkasama, ang maestro at ang estudyante ay nagtungo sa Paris, Vienna, at St. Petersburg. Labis na napamangha ng kabisera ng Rusya si Field, kung kaya't lumaong nagpasya si Field na magpaiwan sa pag-alis ni Clemente, at mula noong bandang 1804 ay naging partikular na aktibo sa Rusya.

Mataas na itinuturing si Field ng kanyang mga kaalinsabayan at ang kaniyang pagtugtog at mga komposisyon ay nakaimpluwensiya ng maraming pangunahing mga kompositor, kabilang na sina Chopin, Brahms, Schumann, at Liszt. Higit siyang nakikilala sa kasalukuyan dahil sa pagpapasisimula ng nokturno ng piyano, isang uri na sa pagdaka ay pinabantog ni Chopin, pati ni ang dahil sa kaniyang substansiyal na kontribusyon, sa pamamagitan ng mga konsiyerto at pagtuturo, sa pagpapaunlad ng paaralan ng piyano sa Rusya.


TalambuhayMusikaIrlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb13893916d; hinango: 10 Oktubre 2015.