John Napier

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si John Napier.

Si John Napier ng Merchistoun (1550 – 4 Abril 1617) - na lumalagda rin bilang Neper o Nepair - na may pangalang Marvellous Merchiston, ay isang Eskoses na matematiko, pisiko, astronomo, astrologo at ika-8 Laird ng Merchistoun, lalaking anak ni Sir Archibald Napier ng Merchiston. Higit siyang naaalala bilang ang imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier (Napier's bones sa Ingles)[1], at sa pagpapatanyag ng paggamit ng tuldok na desimal. Bahagi na ngayon ng Pamantasan ng Edinburgh ang pook ng kapanganakan ni Napier na Kastilyo ng Merchiston[1], kilala rin bilang Tore ng Merchiston, Edinburgo, Eskosya. Pagkaraang mamatay dahil sa piyo o gawt, inilibing si Napier sa Simbahan ni San Cuthbert, Edinburgo.

Kaugnay ng mga logaritmo, upang mapapayak ang mga kalkulasyon o pagsusuma na gamit ang kanyang mga logaritmo, umimbento siya ng isang pangkat ng pangsuma o pangkalkulang mga bareta o panukat, o mas pangkaraniwang tinatawag na "mga buto ni Napier" na naging mga ninuno ng mga pantuwid o ruler na napapadulas.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 "John Napier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. , Dictionary Index ng titik na N, pahina 430.



AstronomiyaTalambuhayMatematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Talambuhay at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.