Pumunta sa nilalaman

José Ignacio Paua

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
José Ignacio Paua
Katutubong pangalan
劉亨賻 (Lâu Hingpua̍h)
Palayaw"Intsik"
Kapanganakan29 Abril 1872(1872-04-29)
Nan'an, Quanzhou, Fujian, Qing Dynasty
Kamatayan24 Mayo 1926(1926-05-24) (edad 54)
Maynila, Pilipinas
Katapatan Unang Republika ng Pilipinas
Republika ng Biak-na-Bato
Katipunan (Magdalo)
Sangay Hukbong Himagsikan ng Pilipinas
Ranggo Brigadier General
Labanan/digmaanHimagsikang Pilipino Digmaang Pilipino–Amerikano

Si José Ignacio Paua (Tsinong pinapayak: 刘亨赙; Tsinong tradisyonal: 劉亨賻; Pe̍h-ōe-jī: Lâu Hingpua̍h; ipinanganak noong 29 Abril 1872 at namatay noong 24 May 1926) ay isang Pilipinong Intsik na heneral na sumapi sa Katipunan, isang sikretong samahan noong 1896 Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila.[1] Pagkatapos siya ay nagsilbi sa Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas.

Si José Ignacio Paua ay ipinanganak ng kanyang mga Intsik na magulang sa Nan'an, Quanzhou, Southern Fujian, Qing China noong Abril 29, 1872. Noong 1890, siya ay nagtungo sa Pilipinas kasama ang kanyang tiyo upang maghanap ng magandang kinabukasan at naging isang baguhang panday sa Binondo, Maynila.

Noong kasagsagan ng Himagsikang Pilipino, ay inayos niya ang mga kanyon na lantaka at iba pang mga armas pandigma. Sa nalalapit na pagtatapos ng himagsikan, siya ay nagsilbi sa Hukbong Himagsikan ng Pilipinas sa ilalim ni pangulong Emilio Aguinaldo.[2]

Ang kanyang kaalaman sa martial arts at karanasan sa pag-gawa ng baril ay isang asset sa rebolusyon, na naghikayat sa kanya na ipakilala kay Gen. Emilio Aguinaldo ng kanyang patron at matalik na kaibigang si Hen. Pantaleon Garcia..[3]

Nang sumali siya sa hukbo, kumbinsido si Paua na mamuhunan sa isang pabrika ng amunisyon sa Imus, Kabiite upang tugunan ang problema ng Katipunan sa kakulangan sa lakas ng sandata.[4]

Hinikayat niya ang kanyang mga kapwa Intsik na mga panday at sa dalawang araw ay nagtayo ng opisyal na arsenal ng Katipunan, kung saan sila gumawa ng mga katutubong kanyon, nagkarga ng mga walang laman na basyo ng bala na may gawang-bahay na pulbura, gumawa ng mga paltik.[5]

Noong Abril 25, 1897, ay nanguna siya sa pagdakip kay Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio sa utos ng pangulong Aguinaldo kasama sina Agapito Bonzón. Si Paua ang sinasabing siyang tumaga at sumaksak kay Andres Bonifacio sa leeg habang inaaresto ito.[6]

Nang matapos ang himagsikan, si Paua ay muling nakipaglaban sa mga Amerikano noong Digmaang Pilipino–Amerikano at noong Setyembre 26, 1898, siya ay naging lubos na isang heneral. Nang matapos ang digmaan, ikinasal siya sa isang babaeng Pilipina at sila ay namuhay sa Albay. Namatay siya sa sakit na cancer noong Mayo 24, 1926 sa Maynila sa edad na 54.[7]

Kilala rin si Paua sa kanyang trademark na buntot sa buhok, na pinutol niya kasunod ng pahayag ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Siya lamang ang nakatalang nakapirma na Tsino sa Konstitusyong Malolos at patuloy na sumusuporta sa rebolusyon noong digmaang Pilipino-Amerikano.[8]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Paua ay inilarawan ng artistang si Danilo Montes noong 1956 sa pelikulang Heneral Paua, sa direksyon ni Felix Villar.[9]

  1. Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution by Raymund Catindig (The Philippine Star)
  2. "Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution". The Philippine Star. Pebrero 10, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution". The Philippine Star. Pebrero 10, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution". The Philippine Star. Pebrero 10, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution". The Philippine Star. Pebrero 10, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Untold Story of Andres Bonifacio's Execution". Esquire (Philippines). Mayo 15, 2019.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Gen. Jose Paua, the Chinese in Philippine revolution". The Philippine Star. Pebrero 10, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Heneral Paua (1956)".