Joseph Stalin
Vozhd ng Pandaigdigang Proletaryado Iosif Vissarionovich Stalin | |
---|---|
Иосиф Виссарионович Сталин იოსებ ბესარიონის ძე სტალინი | |
![]() | |
![]() Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Buong Unyong Partido Komunista | |
Nasa puwesto 3 Abril 1922 – 16 Oktubre 1952 | |
Nakaraang sinundan | Vyacheslav Molotov (bilang Responsableng Kalihim ng Partido Komunista Ruso) |
Sinundan ni | Nikita Kruschov (bilang Unang Kalihim ng Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko) Georgy Malenkov (de facto) |
![]() Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro ng Unyong Sobyetiko | |
Nasa puwesto![]() Konseho ng mga Komisaryong Bayan 6 Mayo 1941 – 15 Marso 1946 | |
Pangulo | Mikhail Kalinin |
Nakaraang sinundan | Vyacheslav Molotov |
Nasa puwesto 15 Marso 1946 – 5 Marso 1953 | |
Pangulo | Nikolai Shvernik |
Unang Diputado |
|
Sinundan ni | Georgy Malenkov |
Member of the Russian Constituent Assembly | |
Nasa puwesto 25 November 1917 – 20 January 1918[a] | |
Served alongside | 11 others
|
Nakaraang sinundan | Constituency established |
Sinundan ni | Constituency abolished |
Konstityuwensya | Petrograd Metropolis |
Ministro ng Depensa | |
Nasa puwesto 15 March 1946 – 3 March 1947 | |
Nakaraang sinundan | Himself (as People's Commissar of Defense of the Soviet Union) |
Sinundan ni | Nikolai Bulganin |
People's Commissar for Nationalities of the RSFSR | |
Nasa puwesto 8 November 1917 – 7 July 1923 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished |
People's Commissar of Defense of the Soviet Union | |
Nasa puwesto 19 July 1941 – 25 February 1946 | |
Nakaraang sinundan | Semyon Timoshenko |
Sinundan ni | Himself (as People's Commissar of the Armed Forces of the Soviet Union) |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | Ioseb Besarionis dze Jughashvili იოსებ ბესარიონის ძე ჯუღაშვილი 18 [L.I. 6] Disyembre 1878 Gori, Imperyong Ruso |
Namatay | 5 Marso 1953 (edad 74) Mosku, Unyong Sobyetiko |
Himlayan | Nekropolis ng Pader Kremlin Mausoleo ni Lenin (1953–1961) |
Kabansaan | |
Partidong pampolitika |
|
Ibang ugnayang pampolitika | Padron:Tree list
Other offices held
|
Asawa |
|
Anak | |
Ama | Ekaterine Geladze |
Ina | Besarion Jughashvili |
Edukasyon | Tbilisi Spiritual Seminary |
Pirma | ![]() |
Serbisyo sa militar | |
Palayaw | Koba |
Katapatan | ![]() ![]() ![]() |
Sangay/Serbisyo |
|
Taon sa lingkod |
|
Ranggo | Padron:Ubli Generalissimus of the Soviet Union (1945) |
Atasan |
|
Labanan/Digmaan | Padron:Tree list |
Awards | See list |
Central institution membership
Other offices held
|
Si Iosif Vissarionovich Stalin (Disyembre 18, 1878 – Marso 5, 1953), ipinanganak na Ioseb Besarionis dze Jughashvili, ay isang Heorhiyanong manghihimasik at politiko na naglingkod bilang pinuno ng Unyong Sobyetiko mula 1922 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1953. Hinawakan niya ang mga pangunahing posisyon na Pangkalahatang Kalihim ng Buong Unyong Partido Komunista sa pagitan ng 1922 at 1952 at Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro sa pagitan ng 1941 at 1953. Namahala sa simula bilang bahagi ng isang kolektibong pamumuno, pinagpisan niya ang kapangyarihan noong dekada 1930 upang maging ganap na diktador. Ideolohikong sumunod sa Leninistang interpretasyon ng Marxismo, pinormalisa at sinetetisa niya ang dalawa upang mabuo ang Marxismo-Leninismo, habang ang kanyang mga sariling ideya at patakaran ay tinatawag na Stalinismo.
Itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang tao ng ika-20 dantaon, patuloy na nagiging pigurang kontrobersyal si Stalin. Naging paksa siya ng isang kulto ng personalidad sa pandaigdigang kilusang Marxista–Leninista, kung saan iginagalang siya bilang kampeon ng uring manggagawa at sosyalismo. Nananatili ang kanyang katanyagan sa Rusya at Heorhiya bilang matagumpay na pinuno sa panahon ng digmaan na ginapi ang pasismo at nagpatibay sa katayuan ng Unyong Sobyetiko bilang isang nangungunang kapangyarihan sa mundo. Sa kaibhan, kinokondena ang kanyang rehimen bilang totalitaryo na nangasiwa sa malawakang panunupil, sapilitang deportasyon, etnikong paglilinis, libu-libong ehekusyon, at taggutom na pumatay ng milyun-milyong mamamayan.
Pinagmulan at Maagang Buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kapanganakan at Pagkabata[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ipinanganak si Stalin na Ioseb Besarionis dze Jughashvili (Heorhiyano: იოსებ ბესარიონის ძე ჯუღაშვილი) noong ika-18 ng Disyembre [Lumang Istilo: 6 Disyembre] 1878 sa munting bayan ng Gori, noo'y bahagi ng Gobernasyong Tiflis, Imperyong Ruso, at ngayo'y nasa Heorhiya. Naging tahanan ang lugar ng mga pamayanang Aseri, Armenyo, Ruso, at Hudyo. Bininyagan siya noong 29 [L.I. 17] Disyembre at kinilala sa palayaw na "Soso", isang diminutibo ng Ioseb. Siya ang ikatlong anak nina Besarion "Beso" Jughashvili at Ekaterine "Keke" Geladze; pumanaw ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid na sina Mikheil at Giorgi sa kasanggulan. Nagtrabaho si Besarion bilang sapatero at nag-ari ng pagawaan na sa una'y mapalad ngunit dumalisdis nang lumalaki si Ioseb. Isang dahilan nito ay dalubhasa lamang siya sa paggawa ng tradisyonal na kasuotang Heorhiyano at hindi sa Europeong istilong sapatos na mas lalong nagiging uso noon. Hulog sa kahirapan, nalulong si Beso sa alkohol at madahas na binubugbog ang kanyang asawa at anak. Tumakas si Ekaterine kasama si Soso noong 1883 at lumipat sa siyam na inuupahang silid sa sumunod na dekada. Sa panahon ng kanilang palaboy, nagkasakit si Ioseb ng bulutong noong 1884, na nag-iwan sa kanya ng mga panghabang-buhay na marka sa mukha. Tumira sila noong 1886 kina Padre Christopher Charkviani, isang pampamilyang kaibigan. Determinado na mapaaral ang kanyang anak, nagtrabaho si Keke bilang tagapaglinis at tagapaglaba para sa mga lokal na pamilya na nakiramay sa kanyang kalagayan. Naging mahigpit ngunit mapagmahal siya na ina kay Ioseb. Isang debotong Kristiyano, regular siyang dumalo kasama ang kanyang anak sa mga serbisyo sa simbahan. Tinuruan si Ioseb ng mga adolesenteng anak ni Charkviani ng wikang Ruso. Sa huling bahagi ng 1888, tinala siya sa edad na sampu sa Paaralang Simbahan ng Gori. Karaniwang nakalaan para sa mga anak ng klero, tiniyak ni Charkviani na matatanggap si Soso sa pamamagitan ng pagsabi na anak siya ng diakono; maaaring dahilan ito kung bakit inihayag ni Stalin noong 1934 na anak siya ng pari. Bagama't mahirap si Keke, sinigurado niyang maayos ang pananamit ng kanyang anak kapag pumasok siya sa eskwelahan, malamang sa tulong pinansyal ng mga kaibigan. Nang siya'y bata pa ay nagpakita si Stalin ng iba't ibang idyosinkrasya; kapag masaya, tumatalon siya sa isang paa habang nilalagutok ang kanyang mga daliri at sumisigaw ng malakas. Mahusay siya sa akademika at nagpakita ng talento sa pagpipinta at mga klaseng pandrama. Nagsimula siyang magsulat ng panulaan, at naging tagahanga ng mga gawa ng Heorhiyanong nasyonalista na si Raphael Eristavi. Isa rin siyang mang-aawit sa koro na kung minsa'y kumakanta sa simbahan at mga lokal na kasalan. Naalala ng isang kaibigan noong bata pa si Stalin na siya ang "pinakamahusay ngunit pinakamakulit din na mag-aaral" sa klase. Bumuo si Ioseb at ng kanyang mga kaibigan ng gang at madalas makipag-away sa iba pang bata. Nagdulot siya ng maraming kalokohan; iilang ulat ang nagsabi na sa isang insidente ay nag-apoy siya ng mga eksplosibong kartutso sa tindahan, at sa isa pa ay nagtali siya ng kawali sa buntot ng alagang pusa ng babae.
Kamatayan at legasiya[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kalusugan ni Stalin ay unti-unting nadeteryorado patungo sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagdusa siya sa atherosclerosis dahil sa matinding paninigarilyo, isang mild stroke noong panahon ng Victory Parade, at isang matinding atake sa puso naman noong Oktubre 1945.
Mga pananda[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ The Constituent Assembly was declared dissolved by the Bolshevik-Left SR Soviet government, rendering the end the term served.
- ↑ While forced to give up control of the Secretariat almost immediately after succeeding Stalin as the body's de facto head, Malenkov was still recognised as "first among equals" within the regime for over a year. As late as March 1954, he remained listed as first in the Soviet leadership and continued to chair meetings of the Politburo.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Unyong Sobyetiko at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.