Julio Cesar
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
![]() Rebulto ni Julius Caesar o Caesar sa Museo ng Louvre sa Paris | |
Kapanganakan | Gaius Julius 12 Hulyo 100 BC o 102 BC |
Namatay | 15 Marso 44 BC |
Nasyonalidad | Romano |
Asawa | Cornelia Cinna minor (84–68 BK) Pompeia (68–63 BK) Calpurnia Pisonis (59–44 BK) |
Anak | Julia Caesaris (85/84-54 BK) Caesarion (47-30 BK) Augustus (63 BK-AD 14) (apo sa pamangkin, inampon ni Caesar bilang anak at tagapagmana pagkatapos niyang mamatay noong 44BK) |
Magulang | Gaius Julius Caesar Aurelia Cotta |
Si Imperador Gaius Julius Caesar Divus (CAIVS IVLIVS CAESAR o GAIVS IVLIVS CAESAR sa Klasikong Latin) (Hulyo 12, ca. 100 BCE–Marso 15, 44 BCE) ay isang Romanong politiko, heneral, at dakilang manunulat ng prosang Latin. Susi siya sa pagbagsak ng Republikang Romano tungo sa pag-usbong ng Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat Atlantiko at nagbigay-daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensiyang Romano sa ang ngayon ay Pransiya, kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Seltiko sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britanya.
Nakipaglaban at nanalo ang Caesar sa isang digmaang sibil na nag-iwan sa kaniya bilang tunay at kaisa-isang punò ng daigdig Romano. Nagsimula siya ng malawakang pagbabago ng lipunan at pamahalaang Romano. Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador, at lubos niyang isinentralisa, o isinaisa, ang humihina at nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika. Nakipagsabwatan ang kaibigan ng Caesar na si Marcus Brutus upang patayin siya nang pataksil sa pag-asang mailigtas ang Republika. Siya ay pinatay sa loob ng senado ng kaniyang kaibígan na si Brutus, pagpatay nang pataksil noong Ides of March ay nagsiklab ng panibagong digmaang sibil sa pagitan ng Caesarians—Octavianus, Mark Antony (Marcus Antonius), at Marcus Lepidus—at ng mga Republikano—Brutus, Cassius, at Cicero, kasáma ng mga iba. Nagtapos ang alitang ito sa pagtagumpay ng Caesarians sa Labanan sa Fílippoi, at sa pormal na pagtatatag ng Ikalawang Triumviratus nang sa pamamagitan ay kinontrol nina Octavianus, Antonius, at Lepidus ang Roma. Napatubog na naman ang Roma sa isa pang digmaang sibil dahil sa tensiyon sa pagitan nina Octavianus at Antonius na nauwi sa pagkatalo ng pangalawa sa Labanan sa Actium at ang pag-iwan kay Octavianus bílang tunay at kaisa-isang pinúnò ng daigdig Romano.
Nagdulot ang panahong ito ng mga digmaang sibil sa pagpalit-anyo ng Roma mula Republika patungong Imperyo kung saan ang pamangkin ng Caesar sa tuhod at inampon niyang anak na si Octavian ang naging unang Emperor nito sa pangalang Caesar Augustus. Ang mga namúnò sa mga unang panahon ng Imperyong Romano ay ang kaniyang angkan na tinawag na Dinastiyang Hulio-Claudian.
Kilalá nang detalyado ang mga kilusang militar ng Caesar mula sa kaniyang sariling sinulat na Commentarii (Mga Pagpupuna) at maraming bahagi ng kaniyang búhay ay itinalâ ng mga mananalaysay tulad nina Suetonius, Ploútarchos, at Dio Cassius.
Unang bahagi ng búhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Caesar ay isinilang sa isang pamilyang patrician, ang gens ay Julia, na nag-aangkin ng kaangkanan mula kay Iulus, anak ng maalamat na prinsipeng Troyang si Aineias, sinasabi ring anak daw ni Venus.[5] Ang cognomeng "Caesar" ay nagmula, according to Pliny the Elder, sa isang ninuno na isinilang sa paraan ng caesarean section (mula sa pandiwang Latin na "gupitin", caedere, caes-).[6] Ang Historia Augusta ay nagbibigay ng tatlong alternatibong paliwanag: na ang kauna-unahang Caesar ay may sobrang makapal na buhok (Latin caesaries); na mayroon siyang makislap na abung mata (Latin oculis caesiis); o na siya ay napatay ng isang elepante (caesai in Moorish) sa isang labanán .[7] Si Caesar ay nag-issued ng mga barya na may imahen ng mga elepante, na maaaring nagsasabi na gusto niya ang hulíng interpretasyon na ito ng kaniyang pangalan.
![]() |
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong: |
Pagpapalitan[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Inunahan ni: Lucius Afranius at Quintus Caecilius Metellus Celer |
Consul ng Republikang Romano kasáma si Marcus Calpurnius Bibulus 59 BK |
Sinundan ni: Lucius Calpurnius Piso Caesoninus at Aulus Gabinius |
Inunahan ni: wala puwesto hulíng hawak ni Sulla noong 81 BK |
Diktador 49 BK (eleven days) |
Sinundan ni: none puwesto hawak parin niya noong 48 BK |
Inunahan ni: Lucius Cornelius Lentulus Crus at Gaius Claudius Marcellus Maior |
Consul ng Republikang Romano kasáma si Publius Servilius Vatia Isauricus 48 BK |
Sinundan ni: Quintus Fufius Calenus and Publius Vatinius |
Inunahan ni: none puwesto hulíng hawak niya noong 49 BK |
Diktador 48 - 47 BK |
Sinundan ni: wala puwesto magiging hawak niya sa 46 BC |
Inunahan ni: Quintus Fufius Calenus at Publius Vatinius |
Consul ng Republikang Romano kasáma si Marcus Aemilius Lepidus 46 BK |
Sinundan ni: Gaius Julius Caesar alone without colleague |
Inunahan ni: none puwesto hulíng hawak niya noong 47 BK |
Diktador ng Sampung Taon 46-44 BK |
Sinundan ni: siya parin as Diktador sa perpetuwidad |
Inunahan ni: Gaius Julius Caesar and Marcus Aemilius Lepidus |
Consul ng Republikang Romano alone without colleague 45 BK |
Sinundan ni: Gaius Julius Caesar and Marcus Antonius |
Inunahan ni: Gaius Julius Caesar nag-iisa (walang kasáma)''' |
Consul ng Republikang Romano with Marcus Antonius 44 BK |
Sinundan ni: Publius Cornelius Dolabella (with Marcus Antonius) |
Inunahan ni: sarili bílang Dictator nang sampung taon |
Diktador sa perpetuwidad 44 BK |
Sinundan ni: wala, binuwag ang puwesto |
Mga pamagat na pangrelihiyon | ||
Inunahan ni: Quintus Caecilius Metellus Pius |
Pontifex Maximus 63-44 BC |
Sinundan ni: Marcus Aemilius Lepidus |