Justin Bieber

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Justin Bieber
Si Justin Bieber habang nagtataghal sa Believe Tour noong 20 Oktubre 2012
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Justin Drew Bieber
Kapanganakan 1 Marso 1994 (1994-03-01) (22 taong gulang)[1]
Pinanggalingan London, Ontario, Canada
Genre Pop, R&B[2]
Mga Gawain Mang-aawit, manunulat ng awitin, mananayaw
Mga Instrumento Boses, gitara, piyano, tambol,[3] trumpeta[4]
Taong aktibo 2007–kasalukuyan
Mga tatak Island, RBMG
Mga nakaugnay na akto Usher
Website Opisyal na sityo

Si Justin Drew Bieber ( /ˈbbər/; ipinanganak noong 1 Marso 1994)[1][5] ay isang Kanadyanong mang-aawit, manunulat ng mga awit, at prodyuser ng mga rekord.[2] Inilabas ni Bieber ang kanyang lunsarang album, ang My World, noong huling bahagi ng 2009. Ito ay ginawaran ng platinum na pagkilala sa Estados Unidos.[6] Siya ang naging unang mang-aawit na nagkaroon ng pitong awitin mula sa isang lunsarang talaang rekord sa Billboard Hot 100.[7] Inilabas ni Bieber ang kanyang unang full-length studio album, ang My World 2.0, noong 2010. Ito ay nag-umpisa o halos nagsimula sa numero uno sa maraming mga bansa at ginawaran ng tripleng platinum na pagkilala sa Estados Unidos.[8] Ito ay sinundan ng kanyang pinakamatagumpay na isahang awit hanggang sa kasalukuyan, ang "Baby".[9][10]

Kasunod ng kanyang lunsarang album, nagkaroon siya ng kanyag unang lakbay-konsiyerto, ang My World Tour; naglabas ng mga remix album na My Worlds Acoustic at Never Say Never – The Remixes -- at ang pelikula-konsiyertong 3D biopic na Justin Bieber: Never Say Never. Inilabas niya ang kanyang ikalawang studio album, ang Under the Mistletoe, noong Nobyembre 2011, kung saan nag-umpisa itong numero uno sa Billboard 200. Inilabas ni Bieber ang kanyang ikatlong studio album, ang Believe, noong 2012. Ang kanyang ikaapat na album na Purpose ay inilabas naman noong Nobyembre 2015. Ang kanyang album sa US at ang benta ng mga isahang awit ay may kabuuang 44.7 milyon.[11][12]

Nanalo siya ng mga gantimpala mula sa pagboto ng mga tagahanga, kasama na ang pagiging Mang-aawit ng Taon sa American Music Awards noong 2010 at 2012. Ang kanyang pangkat ng mga tagahanga, na binansagang "beliebers", ay binubuo ng malaking bahagi ng mga kabataang babae. Naitalà siya nang tatlong ulit ng magasing Forbes bilang isa sa sampung pinakamakapangyarihang mga artista sa daigdig sa taóng 2011, 2012, at 2013.[13]

Maagang pamumuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Bieber noong 1 Marso 1994 sa London, Ontario sa St Joseph's Hospital, at lumaki sa Stratford, Ontario. Siya ang nag-iisang anak nina Jeremy Jack Bieber at Patricia "Pattie" Mallette. Hindi kailanman ikinasal ang mga magulang ni Bieber. Pinalaki ni Pattie ang kanyang anak katuwang ang kanyang ina na si Diane, at ng kanyang amain na si Bruce. Ang kanyang ina ay may lahing Pranses-Kanadyano; ang kanyang lolo sa tuhod sa kanyang ama ay may lahing Aleman; ang kanyang ibang lahi ay Ingles at Irlandes. Nabanggit din niya na naniniwala siyang may lahi rin siyang Aboriginal Canadian.

May mga nakababatang kapatid sa ama si Bieber, sina Jazmyn (ipinanganak noong 2009) at Jaxon (ipinanganak noong 2010). Maraming pinasukang trabaho si Pattie upang mapalaki si Bieber. Patuloy pa ring may ugnayan sina Bieber at kanyang ama.

Pumasok si Bieber sa isang mababang paaralang nakatutok sa wikang Pranses sa Stratford, sa Jeanne Sauvé Catholic School. Sa kanyang paglaki, natutuhan niyang tumugtog ng piyano, tambol, gitara, at trumpeta. Nagtapos siya sa mataas na paaralan sa Stratford, Ontario, sa St. Michael Catholic Secondary School noong 2012 na may gradong 4.0 na GPA. Noong unang bahagi ng 2007, inawit ni Bieber ang awitin ni Ne-Yo na "So Sick" para sa isang lokal na patimpalak sa Stratford, na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto. Ipinaskil ni Mallete ang bidyo ng kanyang pagganap sa YouTube upang makita ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagkakarga ng mga bidyo ni Bieber na umaawit ng iba't ibang mga awiting R&B, at dahil dito'y lumawak ang pagsikat ni Bieber sa nasabing sityo.

Karera sa Musika[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Bieber noong Setyembre 2009.

Nadiskubre siya ni Scooter Braun sa YouTube, hanggang naging tagapamahala niya. Pinalipad ni Braun si Bieber sa Atlanta, Georgia, upang sangguniin si Usher hanggang naglagda ng isang kasunduan sa Island Records, na sinimulan niya ang karera bilang mang-aawit.[3] ng kanyang dalawang-parteng[14] unang album na My World ay inilabas sa 17 Nobyembre 2009.[15] Apat na awitin tulad ng "One Time (Awit)", "One Less Lonely Girl", "Love Me", at "Favorite Girl" ay naging matagumpay sa ilang chart sa buong mundo. Ang album nito ay nakatanggap ng positibong pagsusuri mula sa mga kritiko, at nakapasok sa #6 sa U.S. Billboard 200,[16] nakabenta ng 137,000 na kopya sa isang linggo,[17] na naging pangalawang pinakamabuting paglalabas para sa bagong artista.[14][18] Si Bieber ay naging pinakaunang artista na lahat ng mga awitin niya mula sa single album na pasok sa U.S. Hot 100.[14] Sa unang salta ay nanguna ito at naging #1 sa Canadian Albums Chart, at naging ginto sa isang linggo.[19][20] Ilang linggo na pagkatapos nilabas sa merkado nagsertipiko ng Platinum sa Canada, at sa hindi lalagpas sa dalawang buwan, nagsertipikong Platinum sa Estados Unidos, nakabenta na mahigit sa isang milyong mga kopya.[21][22] Ang My World 2.0 ay tinakdang ilalabas sa Marso 2010, ang awiting "Baby" ay inilabas sa 18 Enero 2010. Ikinulong siya dahil umano sa kasong DUI o Driving Under the Influence at Drag Raicing ngunit hindi ito totoo.[kailangan ng sanggunian] Ikinulong lamang siya dahil sa kaniyang pasong lisensya. Ang kaniyang bagong album sa ngayon (2014) ay Journals.

Legal Na Isyu[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Bieber ay nagkaroon ng ilang mga run-in sa batas sa buong mundo bago ang kanyang unang pag-aresto sa 2014.[23]

Si Bieber ay kabilang ang kapag siya ay inakusahan ng walang ingat sa pagmamaneho sa kanyang distrito sa 2012, at sisingilin sa Brazil na may Vandalismo sa 2013.[23][24]

Sinusundan si Bieber sa DUI, nagpetisyon higit sa 270,000 mga tao ang White House naghahangad na may kanya-deport mula sa Estados Unidos. Kahit na ang bilang ng mga lagda na natanggap ay sapat upang mangailangan ng isang tugon sa ilalim ng nai-publish na mga alituntunin ng White House; ito ay nakasaad ni Obama ay tinanggihan mahalagang puna sa petisyon.[25]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Justin Bieber Bio on MTV UK
  2. 2.0 2.1 Collar, Matt. "allmusic ( (( Justin Bieber > Overview )))". Allmusic. Macrovision Corporation. http://www.allmusic.com/artist/justin-bieber-p1152032. Hinango noong 2009-10-21. 
  3. 3.0 3.1 Mitchell, Gail (2009-04-28). "Usher Introduces Teen Singer Justin Bieber". Billboard. http://www.billboard.com/bbcom/news/usher-introduces-teen-singer-justin-bieber-1003966989.story#/bbcom/news/usher-introduces-teen-singer-justin-bieber-1003966989.story. Hinango noong 2009-07-23. 
  4. "MTV- Justin Bieber artist profile". http://www.mtv.com/music/artist/bieber_justin/artist.jhtml. Hinango noong 2009-12-22. 
  5. inogolo:paraan ng pagbigkas ng Justin Bieber.
  6. "Justin Bieber". RIAA. http://www.riaa.com/goldandplatinumdata.php?artist=%22Justin+Bieber%22. Hinango noong 2015-12-23. 
  7. "Justin Bieber Fever Hits Miami". CBS News. CBS Corporation. February 5, 2010. http://www.cbsnews.com/stories/2010/02/05/earlyshow/leisure/music/main6177327.shtml. Hinango noong March 27, 2010. 
  8. "Justin Bieber". RIAA. http://www.riaa.com/goldandplatinumdata.php?artist=%22Justin+Bieber%22. Hinango noong 2015-12-23. 
  9. Lipshutz, Jason (August 27, 2015). "Justin Bieber, on the Comeback Trail, Back in 'Good Graces' of Fans and Industry". Billboard. Prometheus Global Media. http://www.billboard.com/articles/news/magazine-feature/6678363/justin-bieber-comeback-story-analysis-what-do-you-mean. Hinango noong August 27, 2015. 
  10. "Justin Bieber". RIAA. http://www.riaa.com/goldandplatinumdata.php?artist=%22Justin+Bieber%22. Hinango noong 2015-12-23. 
  11. Lipshutz, Jason (August 27, 2015). "Justin Bieber, on the Comeback Trail, Back in 'Good Graces' of Fans and Industry". Billboard. Prometheus Global Media. http://www.billboard.com/articles/news/magazine-feature/6678363/justin-bieber-comeback-story-analysis-what-do-you-mean. Hinango noong August 27, 2015. 
  12. "Justin Bieber". RIAA. http://www.riaa.com/goldandplatinumdata.php?artist=%22Justin+Bieber%22. Hinango noong 2015-12-23. 
  13. Forbes 100:
  14. 14.0 14.1 14.2 "Justin Bieber reigns supreme!". Def Jam. http://www.justinbiebermusic.com/news_d.aspx?nid=5776. Hinango noong 2010-02-03. 
  15. "Justin Bieber: Ibig lang liwanagin ang tsismis ..". Twitter. http://twitter.com/justinbieber/status/3779346829. Hinango noong 2010-02-03. 
  16. "Billboard 200, Week of 5 Disyembre 2009". Nielsen. 2009-11-26. http://www.billboard.com/#/charts/billboard-200?chartDate=2009-12-05. 
  17. "John Mayer tops album chart; Norah Jones and Justin Bieber, hindi naman hamak". Entertainment Weekly. 2009-11-25. http://music-mix.ew.com/2009/11/25/john-mayer-tops-chart/. 
  18. "Justin Bieber Twitter Status, 26 Nobyembre 2009". Justin Bieber, Twitter. http://twitter.com/justinbieber/status/6080423972. Hinango noong 2010-02-03. 
  19. "Canadian Albums Chart, Linggo ng 5 Disyembre 2009". Nielsen. 2009-11-26. http://www.billboard.com/#/charts/canadian-albums?chartDate=2009-12-05. 
  20. "Justin Bieber's Leg Breaks Before His Voice Does, Nobyembre 25th, 2009". celebrifi.com. 2010-02-08. http://celebrifi.com/gossip/Justin-Biebers-Leg-Breaks-Before-His-Voice-Does-VIDEO-1131347.html. 
  21. Anderson, Kyle (2009-12-23). "Justin Bieber Nagbalik sa Bansa Upang Haranahin ang mga Tagahanga para sa Holidays". MTV.com. http://newsroom.mtv.com/2009/12/23/justin-bieber-canada-2/. Hinango noong 2009-12-24. 
  22. "Justin Bieber RIAA album certifications". RIAA. http://www.riaa.com/goldandplatinumdata.php?table=SEARCH_RESULTS&artist=Justin%20Bieber&format=ALBUM&go=Search&perPage=50. Hinango noong 2010-01-11. 
  23. 23.0 23.1 Anderson, Curt and Kay, Jennifer. "Bieber’s image: From boy-next-door to bad boy". Associated Press. Sininop mula sa orihinal na pahina noong March 19, 2014. http://www.webcitation.org/6OBB23sQt. Hinango noong 2015-11-14. 
  24. "Justin Bieber on Miami drink-drive charge after 'road racing'". BBC News. January 23, 2014. Sininop mula sa orihinal na pahina noong March 19, 2014. http://www.webcitation.org/6OBBhoxOK. Hinango noong 2015-11-14. 
  25. ""White House Responds To 'Deport Justin Bieber' Petition, Refuse To Comment"". ENTmania.com. http://www.entmania.com/2014/04/19/white-house-responds-deport-justin-bieber-petition-refuse-comment/. Hinango noong 2015-11-14.