Pumunta sa nilalaman

KC Concepcion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
KC Concepcion
Si KC sa komperensya ng mamamahayag para sa kanyang konsiyerto sa Estados Unidos, Nobyembre 2010
Kapanganakan
Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion

(1985-04-07) 7 Abril 1985 (edad 39)
Maynila, Pilipinas
NagtaposAmerikanong Unibersidad ng Paris
TrabahoArtista, mang-aawit, taong mapagkawanggawa
Aktibong taon1999–kasalukuyan
Ahente
    • Star Magic (2010–2011)
    • Viva Artists Agency (2011–2016)
    • Cornerstone Entertainment (2020–kasalukuyan)
Magulang
Kamag-anakPablo Cuneta (lolo)
Tito Sotto (lolo sa tiyuhin ng magulang)
Helen Gamboa (lola sa tiyahin ng magulang)
Gian Sotto (tiyuhin)
Ciara Sotto (tiyahin)
Gary Valenciano (tiyuhin sa amain)
Gab Valenciano (pinsan sa amain)
Frankie Pangilinan (kapatid sa ina)
Donny Pangilinan (pinsan sa amain)

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion (pagbigkas sa Tagalog: [kuˈnɛtɐ kɔnˈsɛpʃon]; ipinanganak noong Abril 7, 1985) ay isang artista, mang-aawit, at taong mapagkawanggawa mula sa Pilipinas. Kabilang sa mga pinagbidahan niyang pelikulang Pilipino ang For The First Time (2008) at When I Met U (2009). Bumida din siya sa mga seryeng pantelebisyon tulad ng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).

Madalas siyang binabansagang "Mega Daughter", bilang pantukoy sa panpalayaw ng kanyang ina na si Sharon Cuneta na binabansagang "Megastar". Siya din ang unang Embahador Laban sa Gutom ng Pandaigdigang Programa sa Pagkain (World Food Programme) ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1] Embahador din siya[2] ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines (Pandaigdigang Pondo para sa Kalikasan, Pilipinas).

Bilang mang-aawit, naglabas siya ng mga pang-komersyal na album. Karagdagan dito, umawit siya sa pagbubukas ng Palaro ng Timog Silangang Asya ng 2011 kasama sina Agnez Mo and Jaclyn Victor na ginanap sa Indonesia.[3]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay anak ng mga artistang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Amain naman niya ang politikong si Francis Pangilinan nang ikasal ang nanay niya dit. Muli siya nakipag-ugnayan sa kanyang ama pagkatapos ng labing-tatlong taong pagpapawalang-bisa ng kasal ng kanyang magulang at ang imigrasyon ng kanyang ama sa Estados Unidos noong 1995.[4]

Nagtapos siya sa Kolehiyo ng San Pedro Poveda sa Mandaluyong. Noong 2003, nagtapos siya sa International School Manila (Internasyunal na Paaralan sa Maynila), at noong 2007, nagtapos siya ng may batsilyer na digri sa Internasyunal na Komunikasyong Pangkorporasyon na may menor sa Sining Panteatro mula sa Amerikanong Unibersidad ng Paris.[5]

Taon Pamagat Ginampanan Himpilan
2003–2005 MTV Philippines VJ MTV Philippines
2006–2010 Sharon Host ABS-CBN
2008 I am KC Iba't iba
Maalaala Mo Kaya: Mansyon Darlene
2009 May Bukas Pa Abigail Lorraine "Abby" Cruz
Lovers In Paris Vivian Vizcarra
2010–2011 The Buzz[6] Host
2010–kasalukuyan ASAP Kanyang sarili
2010 Wowowee Kanyang sarili
Simply KC Kanyang sarili
Star Circle Quest: The Search for the Next Kiddie Superstars Host
2011 Maalaala Mo Kaya: Piyesa Angeline Quinto
Binibining Pilipinas 2011 Kanyang sarili
Gandang Gabi Vice Kanyang sarili
100 Days to Heaven Tagabantay
Wansapanataym: Christmas Caroline Caroline
2012 Maalaala Mo Kaya: Liham Aurora
The X Factor Philippines Host
2013 Huwag Ka Lang Mawawala Alexis Ganzon
2014 Ikaw Lamang (book 2) Natalia M. Hidalgo
Taon Pamagat Ginampanan Kumpanya
2008 For the First Time Sophia Carmina Sandoval Star Cinema
2009 When I Met U Jenny GMA Films
Regal Entertainment
2010 I'll Be There Maxi/Mina dela Cena Star Cinema
2011 Forever and a Day Raffy Star Cinema
2013 Boy Golden: Shoot to Kill, the Arturo Porcuna Story[7][8][9] Marla "Marlady" de Guzman Scenema Concept International, Inc.
Viva Films

Mga parangal at nominasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Nagbigay ng Parangal Kategorya Palabas Resulta
2009 GMMSF Box-Office Entertainment Awards[10] Princess of Philippine Movies & TV (Prinsesa ng Pelikula at Telebisyon sa Pilipinas) For the First Time Nanalo
Most Promising Female Star of Movies & TV (May Pag-asang Bituing Babae ng Pelikula at Telebisyon) Nanalo
New Female Recording Artist of the Year (Promising Singer) (Bagong Babaeng Artistang Nag-rerekord ng Taon [May Pag-asang Mang-aawit]) A.k.a Cassandra Nanalo
2013 PMPC Star Awards for TV Best Drama Supporting Actress (Pinakamagaling na Pang-suportang Aktres sa Drama) Huwag Ka Lang Mawawala Nanalo
2013 Ika-39 na Metro Manila Film Festival Best Actress (Pinakamagalin na Aktres Boy Golden: Shoot to Kill, the Arturo Porcuna Story Nominado
2014 Ika-30 PMPC Star Awards for Movies Movie Actress of the Year (Aktres ng Pelikula ng Taon) Boy Golden: Shoot to Kill, the Arturo Porcuna Story Nanalo
2014 Ika-62 FAMAS Awards Best Actress (Pinakamagaling na Aktres) Boy Golden: Shoot to Kill, the Arturo Porcuna Story Nanalo
2014 Ika-62 FAMAS Awards Female Star of the Night (Babaeng Bituin ng Gabi)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "WFP National Ambassador Against Hunger KC Concepcion Reflects On Africa Visit". World Food Programme (sa wikang Ingles). Enero 26, 2011. Nakuha noong Mayo 27, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hello, Panda! KC Concepcion officially joins the Panda Family as the newest WWF-PH Ambassador" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 2, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "KC in Indonesia for SEA Games". ABS-CBN (sa wikang Ingles). Nobyembre 10, 2011. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. San Diego Jr., Bayani (Agosto 26, 2006). "When KC met Gabby (again)". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2013. Nakuha noong Mayo 27, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "When KC met Gabby (again)". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Disyembre 21, 2017. Nakuha noong Mayo 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Alvares, Trisha (6 Abril 2010). "KC Concepcion accepts The Buzz hosting job". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Agosto 2010. Nakuha noong 27 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "ER Ejercito returns to MMFF as 'Boy Golden'". ABS-CBN News. Nakuha noong Disyembre 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "'Kaleidoscope World,' 'Boy Golden' join 2013 MMFF lineup". Sun Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 12, 2013. Nakuha noong Disyembre 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "KC Concepcion has the same martial arts instructor as Angelina Jolie". PEP.ph. Nakuha noong Disyembre 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "40th Box Office Entertainment Awards given out". Pep.ph. Nakuha 2014-05-21.
[baguhin | baguhin ang wikitext]