Pumunta sa nilalaman

Kabihasnang Nurahiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Su Nuraxi ng Barumini, kasama sa talaan ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 1997
Nuraghe Santu Antine sa Torralba

Padron:History of Sardinia Ang sibilisasyong Nurahiko,[1][2] na kilala rin bilang kulturang Nurahiko, ay nabuo sa isla ng Cerdeña sa Mediteraneo, Italya noong Panahon ng Tanso. Ayon sa tradisyonal na teorya na iniharap ni Giovanni Lilliu noong 1966, nabuo ito pagkatapos ng maraming paglipat mula sa Kanluran ng mga taong may kaugnayan sa kultura ng basong hugis-batingaw na sumakop at nakagambala sa mga lokal na kultura ng Panahon ng Tanso; ibang mga iskolar sa halip ay naghinuha ng isang pinagmulang likas.[3] Ito ay tumagal mula ika-18 siglo BK[4] (Panahong Gitnang Bronse), hanggang sa Panahong Bakal[5] o hanggang sa kolonisasyon ng Romano noong 238 BK.[6][7][8][9] Ang iba ay may petsang ang kultura ay tumatagal ng hindi bababa sa hanggang sa ika-2 siglo AD,[10] at sa ilang mga lugar, katulad ng Barbagia, hanggang ika-6 na siglo AD,[11][12] o posibleng maging hanggang ika-11 siglo AD.[6][13] Bagaman dapat tandaan na ang pagtatayo ng bagong nuraga ay tumigil na noong ika-12-11 siglo BK, sa panahon ng Huling Panahon ng Tanso.[14][15]

Ito ay napapanahon sa, bukod sa iba pa, ang kabihasnang Myceneo sa Gresya, ang mga kulturang Apenino at Terramare ng tangway ng Italya, ang kulturang Thapsos ng Sicilia, at ang huling yugto ng kultura ng El Argar sa tangway ng Iberya.[16]

Ang pang-uring "Nuragic" ay hindi isang autonym o isang etnonimo. Nagmula ito sa pinakakatangiang monumento ng isla, ang nuraga o nuraghe, isang tore-muog na uri ng konstruksiyon na itinayo ng mga sinaunang Sardo sa malaking bilang simula noong mga 1800 BK.[17] Ngayon, mahigit 7,000 nuraga ang matatagpuan sa kapaligirang Sardo.

Walang nadiskubreng nakasulat na mga tala ng sibilisasyong ito,[18] bukod sa ilang posibleng maiikling dokumentong epigrapiko na kabilang sa mga huling yugto ng sibilisasyong Nurahiko.[19] Ang tanging nakasulat na impormasyon doon ay nagmumula sa klasikal na panitikan ng mga Griyego at Romano, tulad ng Pseudo Aristoteles at Diodorus Siculus,[20] at maaaring ituring na mas gawa-gawa kaysa kasaysayan.[21]

Tansong eskultura ng isang pinunog Nurahiko na may hugis-Gamma hilt dagger sa kaniyang dibdib, mula sa Uta.

Ang relihiyon ay nagkaroon ng malakas na papel sa lipunang Nurahiko, na humantong sa mga iskolar sa hinuha na ang sibilisasyong Nuragic ay isang teokrasya. Ang ilang bronseng Nuraga ay malinaw na inilalarawan ang mga pigura ng mga punong hari, na nakikilala sa pamamagitan ng kanilang pagsusuot ng balabal at pagdadala ng isang tungkod na may mga amo. Inilalarawan din ang iba pang mga klase, kabilang ang mga minero, artisano, musikero, wrestler (ang huli ay katulad ng sa mga sibilisasyong Minoika) at maraming mga lalaking mandirigma, na nagbunsod sa mga iskolar na mag-isip ng isang lipunang mahilig makipagdigma, na may mga tiyak na dibisyong militar (namamana, hukbo). Ang iba't ibang uniporme ay maaaring kabilang sa iba't ibang canton o angkan, o sa iba't ibang yunit ng militar. Maaaring ginampanan ng mga babae ang tungkulin bilang pari. Ang ilang maliliit na tanso ay nagbibigay din ng mga pahiwatig tungkol sa personal na pangangalaga at modang Nurahiko. Ang mga babae ay karaniwang may mahabang buhok; ang mga lalaki ay nagsuot ng dalawang mahabang tirintas sa bawat gilid ng mukha, habang ang kanilang buhok sa ulo ay napakaikli o natatakpan ng isang sumbrerong katad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Nuragic Civilization in Sardinia (PDF), 2 November 2023
  2. Paolo Melis (2003), The nuragic civilization, nakuha noong 2 November 2023
  3. Webster, Gary S. 2015.
  4. Leighton, Robert (2022). "Nuraghi as Ritual Monuments in the Sardinian Bronze and Iron Ages (circa 1700–700BC)". Open Archaeology. 8: 229–255. doi:10.1515/opar-2022-0224. {{cite journal}}: |hdl-access= requires |hdl= (tulong)
  5. Cicilloni, Riccardo; Cabras, Marco (2014-12-22). "Aspetti insediativi nel versante orientale del Monte Arci (Oristano -Sardegna) tra il bronzo medio e la prima età del ferro". Quaderni (sa wikang Italyano) (25). Soprintendenza Archeologia, belle arti e paesaggio per la città metropolitana di Cagliari e le province di Oristano e Sud Sardegna: 84. ISSN 2284-0834.
  6. 6.0 6.1 Webster, Gary; Webster, Maud (1998). "The chronological and cultural definition of Nuragic VII, AD 456-1015". Sardinian and Aegean Chronology: 383–398. ISBN 1900188821. OCLC 860467990.
  7. G. Lilliu (1999) p. 11Padron:Full citation needed
  8. Belmuth, Miriam S. (2012). "Nuragic Culture". Sa Fagan, Brian M. (pat.). The Oxford Companion to Archaeology (sa wikang Ingles). Bol. 1: ‘Ache’—‘Hoho’. Oxford University Press. p. 534. ISBN 9780195076189.
  9. Martini, I. Peter; Chesworth, Ward (2010). Landscapes and Societies: Selected Cases (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. p. 169. ISBN 9789048194131.
  10. Ugas, Giovanni (2016). "Shardana e Sardegna. I popoli del mare, gli alleati del Nordafrica e la fine dei Grandi Regni". Cagliari, Edizioni Della Torre.
  11. Rowland, R. J. “When Did the Nuragic Period in Sardinia End.” Sardinia Antiqua. Studi in Onore Di Piero Meloni in Occasione Del Suo Settantesimo Compleanno, 1992, 165–175.
  12. Casula, Francesco Cèsare (2017). "Evo Antico Sardo: Dalla Sardegna Medio-Nuragica (100 a.C. c.) alla Sardegna Bizantina (900 d.C. c.)". La storia di Sardegna. Bol. I. p. 281. Da parte imperiale era dunque implicito il riconoscimento di una Sardegna barbaricina indomita se non libera e già in qualche modo statualmente conformata, dove continuava a esistere una civiltà o almeno una cultura d'origine nuragica, certo mutata ed evoluta per influenze esterne romane e vandaliche di cui nulla conosciamo tranne alcuni tardi effetti politici.
  13. Webster, Gary S.; Webster, Maud R. (1998). "The Duos Nuraghes Project in Sardinia: 1985-1996 Interim Report". Journal of Field Archaeology. 25 (2): 183–201. doi:10.2307/530578. ISSN 0093-4690. JSTOR 530578.
  14. Nel BF numerosi indizi portano a supporre che i caratteri e l’assetto territoriale formatisi nel BM e BR, con l’edificazione dei nuraghi, subiscano mutamenti sostanziali che portano alla fine del fenomeno di costruzione di tali monumenti. Depalmas, Anna (2009). "Il Bronzo finale della Sardegna". Atti della XLIV Riunione Scientifica: La Preistoria e la Protostoria della Sardegna: Cagliari, Barumini, Sassari 23-28 Novembre 2009, Vol. 1: Relazioni Generali. 16 (4): 141–154.
  15. No more new nuraghi were built after this period. Usai proposed that time and effort spent on their construction were no longer deemed proportional to their practical and symbolic use Gonzalez, Ralph Araque (2014). "Social Organization in Nuragic Sardinia: Cultural Progress Without 'Elites'?". Cambridge Archaeological Journal. 1 (24): 141–161. doi:10.1017/S095977431400002X.
  16. Establishing the Middle Sea: The Late Bronze Age of Mediterranean Europe (1700–900 BC)., nakuha noong November 9, 2024
  17. Giovanni Lilliu (2006). "Sardegna Nuragica" (PDF). Edizioni Maestrali. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-03.
  18. Monoja, M.; Cossu, C.; Migaleddu, M. (2012). Parole di segni, L'alba della scrittura in Sardegna. Sardegna Archeologica, Guide e Itinerari. Sassari: Carlo Delfino Editore.
  19. Ugas, Giovanni (2013). "I segni numerali e di scrittura in Sardegna tra l'Età del Bronzo e il i Ferro". Sa Mastino, Attilio; Spanu, Pier Giorgio; Zucca, Raimondo (mga pat.). Tharros Felix. Bol. 5. Roma: Carocci. pp. 295–377.
  20. Attilio Mastino (2004). "I miti classici e l'isola felice". Sa Raimondo Zucca (pat.). Le fonti classiche e la Sardegna. Atti del Convegno di Studi - Lanusei - 29 dicembre 1998 (sa wikang Italyano). Bol. I. Roma: Carocci. p. 14. ISBN 88-430-3228-3.
  21. Perra, M. (1993). La Sardegna nelle fonti classiche. Oristano: S'Alvure editrice.

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Balmuth, Miriam S. (1987). Nuragic Sardinia and the Mycenaean World. Oxford, England: B.A.R.
  • Zedda, Mauro Peppino (2016). "Orientation of the Sardinian Nuragic 'meeting huts'". Mediterranean Archaeology & Archaeometry. 16 (4): 195–201.