Kabinda

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kabinda
Kabinda is located in Democratic Republic of the Congo
Kabinda
Kabinda
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 6°07′48″S 24°28′48″E / 6.13000°S 24.48000°E / -6.13000; 24.48000
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganLalawigan ng Lomami
Taas
845 m (2,772 ft)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan219,154
Sona ng orasUTC+2 (Oras ng Lubumbashi)

Mga koordinado: 6°07′48″S 24°28′48″E / 6.13000°S 24.48000°E / -6.13000; 24.48000 Ang Kabinda ay isang teritoryo, gayundin isang lungsod, sa Demokratikong Republika ng Congo. Ito ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Lomami. Tinatayang may 192,364 na katao ito noong 2010.[1]

Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Tunta. Bahagi ito ng Katolikong Romanong Diyosesis ng Kabinda.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula 1966 hanggang 2015 bahagi ang Kabinda ng dating lalawigan ng Kasai-Oriental. Sa ilalim ng Artikulo Blg. 2 ng saligang-batas ng bansa,[2] inihati ito sa tatlong bagong lalawigan: ang bago at mas-maliit na Kasai-Oriental, ang Lalawigan ng Sankuru, at ang Lalawigan ng Lomami. Bunga nito, napaloob ang lungsod sa lalawigan ng Lomami at naging kabisera nito.

Ikalawang Digmaang Congo[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Ikalawang Digmaang Congo, lubhang napinsala ang Kabinda ng labanan sa pagitan ng mga puwersang Konggoles at rebeldeng Ruwandano, na pasulong sa kanluran patungo sa pook ng gumagawa ng mga diyamante sa paligid ng Mbuji-Mayi.[3] Pinaligiran at nilusob ng mga rebelde ang bayan sa loob ng dalawang taon, ngunit nanatili ito sa ilalim ng pamamahala ng pamahalan[4]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. World Gazetteer: Congo (Dem. Rep.): largest cities and towns and statistics of their population Naka-arkibo 2011-05-22 sa Wayback Machine. Mars 2011
  2. "Constitution de la République démocratique du Congo: Article 2". Wikisource.
  3. Gough, David (8 September 2010). "Congo war blamed for 2½ million deaths / Starvation, deprivation kill most -- fighting claims fraction of toll, study says". The San Francisco Chronicle.
  4. First reaching front-line hospital tell of starvation in Congo's interior Lubbock Online, May 6, 2001