Kagat ng alakdan
Kagat ng alakdan | |
---|---|
Ang kagat ng alakdan (Ingles: scorpion sting) ay isang uri ng sugat na dahil sa "kagat", na sa katunayan ay pagduro o pagtusok na ginawa ng buntot, ng isang alakdan.[1]
Mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkaraang makagat ng alakdan, ang taong nakagat ay maaaring makaranas ng pamamaga, pamumula, paghapdi at pagkirot ng nakagat na bahagi ng katawan. Ang taong ito ay maaari ring makaranas ng pansamantalang lagnat pagdaka. Kung minsan ang bahaging ito ay naiimpeksiyon kapag napabayaan.[1]
Mga dapat gawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga dapat isagawa pagkaraang makagat ng alakdan ang mga sumusunod: paghuhugas ng nakagat na bahagi ng katawan sa pamamagitan ng tubig at sabon, na pagkatapos ay susundan ng pagpapatong ng malamig na patong (cold compress) upang huwag lumala ang pamamaga ng naapektuhang bahagi ng katawan (na ginagawa nang 3 hanggang 4 na mga ulit sa magdamagan at sa mga kasunod pang mga araw kung hindi pa nawawala ang pamamaga). Ang namamagang bahagi ay maaari ring pahiran ng kremang Hydrocortisone. Upang mabawasan o maibsan ang hapdi, karaniwang pinaiinom ang pasyente ng pantanggal ng kirot na katulad ng Paracetamol o Ibuprofen. Karaniwang pinananatiling malinis ang pook ng kagat sa pamamagitan ng paghuhugas sa naapektuhang bahagi nang 1 hanggang 2 mga ulit na ginagamitan ng tubig at sabon, at paliligo. Karaniwang pinamamatyagan sa taong nakagat kung nagkakaroon ng pagbabago sa sugat. Kapag naimpeksiyon ang sugat at nagnana, kailangan ang pagpapatingin sa manggagamot upang malunasan ng niresetang antibiyotiko ang kumplikasyong ito. Kapag hindi gumaling ang sugat at nananatiling maranasan ang mga sintomas pagkaraan ng mga nagawang pag-aalaga at paglulunas, kasama na ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagkakaroon ng alerhiya sa balat (pamamantal, pangangati, at iba pa) dahil sa kagat ng alakdan, at iba pang mga pagbabago, partikular na ang hinggil sa hitsura ng sugat, kailangang ang pagpapakonsulta sa manggagamot.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 KAGAT NG ALAKDAN (SCORPIO) O ALUPIHAN (CENTIPEDE), KALUSUGAN PH