Pumunta sa nilalaman

Kahihiyan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang babaeng nagtakip ng mata bilang pagpapahayag ng kahihiyan

Ang kahihiyan (Ingles: embarrassment) ay isang emosyonal na estado na nauugnay sa banayad hanggang sa matinding antas ng pagkailang o pagkaadwa, at kadalasang nararanasan kapag ang isang tao ay gumawa (o nag-iisip) ng isang hindi katanggap-tanggap sa lipunan o nakakatwang kilos na nasaksihan o nahayag sa iba. Madalas na pinagsasama-sama ng kahihiyan at pagkakasala, itinuturing ang kahihiyan na isang "emosyon ng sariling kamalayan", at maaari itong magkaroon ng matinding negatibong epekto sa pag-iisip o pag-uugali ng isang tao.[1]

Karaniwan, ang ilang persepsyon ng pagkawala ng dangal o dignidad (o iba pang mga ideyal na may mataas na halaga) ay kasangkot, ngunit ang antas ng kahihiyan at ang uri ay nakasalalay sa sitwasyon.

Kakahiyang pampropesyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring maging pampropesyon o opisyal ang kakahiyan, lalo na pagkatapos ng mga pahayag na sinabi na may kumpiyansa sa isang inihayag aksyong gagawin, o sadyang pagwawalang-bahala para sa ebidensya. Tumataas ang pagkakapahiya sa mga pagkakataon na kinakasangkutan ng mga tungkuling opisyal o mga pasilidad sa trabaho, malaking halaga ng salapi o bagay, o pagkawala ng buhay ng tao. Kabilang sa halimbawa sa mga dahilan ang pagkabigo ng pamahalaan sa isang polisiyang pampubliko, o paglalantad ng mga gawaing tiwali o mga pag-uugaling hindi tama,[2] isang kilalang tao na nakatanggap ng pagsisiyasat ng mga pansariling asal o humaharap sa isang aksyong legal, o mga opisyal na nahuli sa seryosong nakakahiyang personal na situwasyon.

Kahihiyang indirekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kahihiyang indirekto o di-diretso ay isang nararamdamang pagkakahiya mula sa pag-obserba sa mga aksyon ng ibang tao.[3] Malamang na nakakaranas ng kahihiyang indirekto ang mga tao na nagsasabing sila'y mas may empatiya (o taong nakakaunawa ng damdamin ng iba).[4] Nariyan ang epekto kahit pa hindi alintana ng inoobserbahan na nakakahiya ang ginawa nila, bagaman, pangkalahatan na tumataas ang lakas ng nararamdamang kahihiyang indirekto kapag namalayan ng naobserbahan ang kahihiyan, gayon din sa aksidental (taliwas sa intensyonal) na aksyon.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Embarrassment" (sa wikang Ingles). Psychology Today. Nakuha noong 21 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Board of Commissioner, District of Columbia. (1902). "Report of the Commissioners of the District of Columbia". Report of the Commissioners of the District of Columbia (sa wikang Ingles). U.S. Government Printing Office: 201.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ahmet Uysal, Gülçin Akbas, Elif Helvacı, at Irem Metin, Validation and correlates of the vicarious embarrassment scale, Personality and Individual Differences 60 (2014), pp. 48–53 (sa Ingles)
  4. EurekAlert!, Your flaws are my pain, 13 Abril 2011 (sa Ingles)
  5. Sören Krach, Jan Christopher Cohrs, Nicole Cruz de Echeverría Loebell, Tilo Kircher, Jens Sommer, Andreas Jansen, at Frieder Michel Paulus, Your Flaws Are My Pain: Linking Empathy To Vicarious Embarrassment, PLoS ONE, 13 Abril 2011 (sa Ingles)