Pumunta sa nilalaman

Kakayahang mapasinungalingan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pair of black swans swimming
Narito ang dalawang itim na sisne, ngunit kahit na walang mga itim na sisne na posibleng mapeke ito, ang "Lahat ng mga sisne ay puti" ay mapapatunayan pa ring peke ng "Narito ang isang itim na sisne"—ang isang itim na sisne ay magiging isang estado pa rin, isang haka-haka lamang. [A]

Ang kakayahang pabulaanan o kakayahang mapasinungalingan (Ingles: falsifiability o reputability) ay isang pamantayan ng pagsusuri ng mga siyentipikong teorya at ipotesis (o hinuha). Ang isang ipotesis ay masasabi lamang na mapapasinungalingan (falsiable) kung maaari itong mapabulaanan sa pamamagitan ng isang lohikal na pagsubok gamit ang empirikal na datos.[1]

Ito ay ipinakilala ng pilosopo ng agham na si Karl Popper sa kanyang aklat na The Logic of Scientific Discovery (1934).[2] Binibigyang-diin ni Popper ang hindi pagkakapantay na nilikha ng kaugnayan ng isang unibersal na batas sa mga batayang pahayag ng obserbasyon at inihambing ang kakayahang mapasinungalingan (falsifiability) sa konsepto ng kakayahang mapatunayan (verifiability) na noon ay karaniwan sa pilosopikal na disiplina ng lohikal na positibismo. Sinabi niya na ang tanging paraan upang mapatunayan ang isang pahayag tulad ng "Lahat ng sisne (swans) ay puti" ay kung mai-oobserbahan ang lahat ng sisne, na hindi naman posible. Sa kabilang banda, sapat na ang makakita ng kahit isang itim na sisne upang mapasinungalingan ang pahayag dahil ito ay tumutugon sa kinakailangang falsifiability (o kakayahang mapasinungalingan) para sa isang pambihirang pagkakataon.

Iminungkahi ni Popper ang kakayahang mapasinungalingan bilang pundasyong solusyon sa parehong problema ng induksiyon at problema ng demarkasiyon. Iginiit niya na, bilang isang lohikal na pamantayan, ang falsifiability ay iba sa kaugnay na konsepto ng "kapasidad na mapatunayang mali (Ingles: capacity to be proven wrong)" na tinatalakay sa falsificationism ni Lakatos. [3] Ang layunin nito ay gawing mahulaan (predictive) at masubok (testable) ang teorya, at maging kapaki-pakinabang ito sa praktika.

Sa kabaligtaran, sinasabi ng Duhem–Quine thesis na imposibleng magkaroon ng tiyak na eksperimentong nagpapasinungaling, at walang siyentipikong ipotesis na kayang bumuo ng mga hula nang mag-isa, dahil ang empirikong pagsubok sa ipotesis ay nangangailangan ng mga paunang palagay

Ang tugon ni Popper ay walang problema sa Duhem ang falsifiability, dahil ito ay isang lohikal na pamantayan. Ipinapakita ng pang-eksperimentong pananaliksik na may Duhem problem at iba pang mga problema, gaya ng problema ng induksiyon, ngunit ayon kay Popper, ang mga istatistikal na pagsubok, na posible lamang kapag falsifiable ang isang teorya, ay kapaki-pakinabang lamang sa isang kritikal na talakayan.

Bilang isang mahalagang konsepto sa paghiwalay ng agham mula sa hindi agham at pseudoscience, ang falsifiability ay naging tampok sa maraming diskusyon at aplikasyon, at ginagamit din bilang legal na pamantayan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Popperonstateofaffairs); $2
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "upper-alpha", pero walang nakitang <references group="upper-alpha"/> tag para rito); $2
  1. "Criterion of falsifiability | Falsificationism, Popper, Hypotheses | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-07-20.
  2. Popper, Karl R. (Karl Raimund) (2002). The logic of scientific discovery. Internet Archive. London : Routledge Classics. ISBN 978-0-415-27843-0.{{cite book}}: CS1 maint: publisher location (link)
  3. Thornton 2016.