Kakayahang umangkop
Ang kakayahang umangkop ay isang katangian ng sistema o proseso. Ito ay ginagamit bilang isang tanging katawagan sa iba't ibang disiplina at operasyon ng negosyo. Ang kahulugan ng kakayahang umangkop bilang isang tanging katawagan ay kaunti lamang ang pinagkaiba sa kahulugan sa diksyonaryo. Ayon kina Andersen at Gronau, ang kakayahang umangkop sa larangan ng pamamahala ng oranisasyon ay nakikita bilang ang kasanayang baguhin ang isang bagay o sarili upang bumagay sa mga pagbabago. Sa ekolohiya, ang kakayahang umangkop ay inilalarawan bilang kasanayan na kayahin ang di-inaasahang pagkabagabag sa kapaligiran. Subalit, ang mga kahulugan sa mga larangan na ito ay ang pangunahing punto lamang para sa detalyadong pagsusuri ng sistemadong kakayahang umangkop.
Kung negosyo at sistema at proseso ng pagmamanupaktura, ang kakayahang umangkop ay pinapahalagahan bilang importanteng salik sa pagiging episyente at tagumpay ekonomika. Sa kabilang banda, ang kakayahang umangkop at pagiging episyente ay sumasalungat sa isa't isa sa sistemang biyolohikal at ekolohiyal, na nangangailangan ng kompromiso, dahil parehas ay importanteng salik sa tagumpay ng mga ganung sistema. Upang malaman ang kakayahang umangkop ng isang proseso o sistema, ito ay dapat mapatunayan hinggil sa mga ilang pamantayan.
Sa mga agham tungkol sa buhay, ang kakayahang umangkop ay ginagamit sa iba't ibang paraan. Sa isang dulo ng espektro, ang ordinaryong kahulugan ng kakayahang umangkop ay angkop na upang maintindihan. Sa kabilang dulo, may termino na nagsimula kay Conrad na tumutukoy sa isang partikular na impormasyong entropiya na pagsukat nung biota ng isang ekosistema, o kahit anong pinaiilalimang sistema, tulad ng populasyon ng espesye, isang indibiduwal, selula, protina, o gene.