Kalembang
Ang Kalembang (/kaˈlembaŋ/ [kɐˈlɛm.bɐŋ]) (Syllabification: ka‧lem‧bang) (Baybayin ᜃᜎᜒᜋ᜔ᜊᜅ᜔) o Batingaw o mas kilala na Kampana sa wikang balbal at kastila at sa Ingles naman ay bell /ˈbɛl/. Ang Kalembang ay isang uri ng directly struck idiophone na instrumentong perkusyon. Karamihan sa mga kampana ay may hugis na parang hungkag na tasa na kapag pinapalo ay nanginginig at lumilikha ng isang matining na tunog, kung saan ang mga gilid nito ay nagsisilbing mabisang resonator. Maaaring ang pagpalo ay mula sa loob gamit ang “pampalo” (clapper o uvula), mula sa labas gamit ang maso, o sa maliliit na kampana isang maluwag na bolang bakal na nakapaloob sa katawan ng kampana (jingle bell).
Karaniwang hinuhulma ang mga kampana gamit ang bell metal (isang uri ng tansong haluang metal o tanso/bronze) dahil sa katangiang mahusay umalingawngaw, ngunit maaari ring gawin mula sa iba pang matitigas na materyales depende sa gamit. Ang maliliit na kampana tulad ng palamuting kampana o cowbell ay maaaring gawin mula sa hinulmang o pinresang metal, salamin, o seramika. Subalit ang malalaking kampana gaya ng sa simbahan, orasan, at tore ay karaniwang hinuhulma mula sa kampanang bakall.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinakamaagang arkeolohikal na ebidensya ng mga kampana ay mula pa noong ika-3 milenyo BK, na natunton sa Yangshao culture ng Neolitikong Tsina.[1] Ang mga kampanang may pamalo na yari sa palayok ay natagpuan sa iba’t ibang pook-arkeolohikal.[2] Nang lumaon, ang mga palayok na kampana ay umunlad bilang mga metal na kampana. Sa Kanlurang Asya, unang lumitaw ang mga kampana noong 1000 BK.[1] Ang mga pinakaunang kampanang metal, kabilang ang isa na natagpuan sa pook ng Taosi at apat sa pook ng Erlitou, ay tinatayang mula pa noong mga 2000 BK.[3] Sa paglitaw ng iba pang uri ng mga kampana noong Dinastiyang Shang (c. 1600 – c. 1050 BK), ang mga ito ay ginamit sa mga pantulong na tungkulin; sa mga pook ng Shang at Zhou, natagpuan din silang bahagi ng gamit ng kabayo at karo, at bilang mga kampanang nakakabit sa kwelyo ng aso.[4] Pagsapit ng ika-13 siglo BK, ang mga kampanang may bigat na higit sa 150 kilogramo (330 libra) ay hinuhulma na sa Tsina. Pagkaraan ng taong 1000 PK, bakal na ang naging pinakakaraniwang ginamit na metal sa halip na bronse. Ang pinakaunang kampanang bakal na may tiyak na petsa ay ginawa noong 1079, natagpuan sa Lalawigan ng Hubei.[5]
Ang mga kampana sa kanluran ng Tsina ay hindi umabot sa parehong laki hanggang ika-2 milenyo PK. Ang mga kampanang Asiryo na itinakda noong ika-7 siglo BK ay humigit-kumulang 4 na pulgada ang taas. Ang mga kampanang Romano mula ika-1 at ika-2 siglo PK ay mga 8 pulgada ang taas.[6] Binabanggit sa Aklat ng Exodo sa Bibliya na ang maliliit na gintong kampana ay isinusuot bilang palamuti sa laylayan ng damit ng punong saserdote sa Herusalem.[7] Sa mga sinaunang Griyego, ginagamit ang mga kampanang pangkamay sa mga kampo at kuwartel, at ng mga nagroronda upang dalawin ang mga bantay.[8] Sa mga Romano, ang oras ng paliligo ay ipinahahayag ng kampana. Ginagamit din nila ito sa tahanan, bilang palamuti at sagisag, at inilalagay ang mga kampana sa leeg ng mga baka at tupa upang madaling matagpuan kapag naligaw. Noong kasing huli pa ng ika-10 siglo PK, ang mga kampanang Europeo ay hindi hihigit sa 2 talampakan ang taas.[6]
sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 von Falkenhausen 1994, p. 132.
- ↑ Huang 2002, pp. 20–27.
- ↑ von Falkenhausen 1994, pp. 132, 329, 342, Appendix I.
- ↑ von Falkenhausen 1994, p. 134.
- ↑ Rostoker, Bronson & Dvorak 1984, p. 750.
- ↑ 6.0 6.1 Needham 1962, p. 195.
- ↑ Exodus 28:33–34
- ↑ National Cyclopaedia of Useful Knowledge 1874.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.