Kalye Dimasalang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N162 (Philippines).svg

Kalye Dimasalang
Dimasalang Street
Daang Dimasalang (Dimasalang Street)
Kalye Dimasalang sa Sampaloc, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba1.9 km (1.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N160 (Daang Blumentritt) – Santa Cruz
Dulo sa timogKalye Laong Laan – Sampaloc
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Dimasalang (Ingles: Dimasalang Street) ay isang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Maynila, Pilipinas. May haba itong 1.9 kilometro (1.2 milya) na kumokonekta ng Kalye Laong Laan at Abenida Lacson sa Daang Blumentritt sa distrito ng Santa Cruz. Sa katimugang dulo nito matatagpuan ang Dangwa, isang kilalang pamilihan ng mga bulaklak.

Itinakda ang Kalye Dimasalang bilang isa sa mga bahagi ng Daang Radyal Blg. 8 ng sistemang pamilang ng mga lansangan ng Kalakhang Maynila.

Maliban sa Bulaklakan ng Dangwa, ilan sa mga kilalang pook-palatandaan sa kalye ay ang Terminal ng Bus ng Dangwa at Pangkalahatang Ospital at Sentrong Medikal ng Tsino.


TransportasyonPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.