Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng J. Ruiz

Mga koordinado: 14°36′14.88″N 120°01′02.05″E / 14.6041333°N 120.0172361°E / 14.6041333; 120.0172361
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kalye J. Ruiz)
J. Ruiz
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Juan Ruiz
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Aurora pgt. Ekt. J. Ruiz, Brgy. Ermitaño, Lungsod ng San Juan
Koordinato14°36′14.88″N 120°01′02.05″E / 14.6041333°N 120.0172361°E / 14.6041333; 120.0172361
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2, 1 (sa pagitan ng Estasyon ng J. Ruiz at V. Mapa)
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoJR
Kasaysayan
NagbukasAbril 5, 2004

Ang Estasyon ng J. Ruiz o Himpilang J. Ruiz ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang J. Ruiz ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa San Juan at nakuha ng himpilan ang pangalan nito mula sa Kalye J. Ruiz.

Nagsisilbi bilang panlimang himpilan ang himpilang J. Ruiz para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang pampitong himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ang himpilan sa Dambana ng Pinaglabanan (Pinaglabanan Shrine)[1] , kung saan unang nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong ika-19 siglo. Katabi nito ang kalyeng Pinaglabanan, na malapit sa Kalye J. Ruiz.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa labas ng estasyon.

Balangkas ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L3
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Santolan
Batalan B Ika-2 Linya papuntang Recto
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L1 Daanan
  1. "HistoRiles Resource". Light Rail Transit Authority. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-01-20. Nakuha noong 2014-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]