Pumunta sa nilalaman

Kaohsiung

Mga koordinado: 22°38′N 120°16′E / 22.633°N 120.267°E / 22.633; 120.267
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaohsiung

高雄市
Lungsod ng Kaohsiung
Watawat ng Kaohsiung
Watawat
Opisyal na logo ng Kaohsiung
Emblem (stylized form of )
Pinagmulan ng pangalan: Prepektura ng Takao
Palayaw: 
The Harbor City (Gangdu), The Maritime Capital, The Waterfront City
Map
Kinaroroonan ng Lungsod ng Kaohsiung sa Taiwan
Kinaroroonan ng Lungsod ng Kaohsiung sa Taiwan
Mga koordinado: 22°38′N 120°16′E / 22.633°N 120.267°E / 22.633; 120.267
Bansa ROC
RehiyonKatimugang Taiwan
KabiseraDistrito ng Lingya at
Distrito ng Fongshan
Mga distrito
Pamahalaan
 • AlkaldeHan Kuo-yu
 • Mga bise alkaldeLee Shu-chuan, Yeh Kuang-shih
Lawak
 • Natatanging munisipalidad2,951.85 km2 (1,139.72 milya kuwadrado)
 • Urban
363 km2 (140 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak4 sa 22
Taas
9 m (30 tal)
Populasyon
 (2018)[3]
 • Natatanging munisipalidad2,773,093
 • Ranggo3 sa 22
 • Kapal940/km2 (2,400/milya kuwadrado)
 • Urban2,555,000
 • Densidad sa urban7,000/km2 (18,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pambansang Pamantayang Oras)
Kodigong postal
800–852
Kodigo ng lugar(0)7
Kodigo ng ISO 3166TW–KHH
BulaklakTsinong hibiscus (Hibiscus rosa-sinensis)
PunoPuno ng bulak (Bombax ceiba)
Websaytwww.kcg.gov.tw/EN (sa Ingles)
Lungsod ng Kaohsiung
"Kaohsiung" sa mga panitik na Intsik
Pangalang Tsino
Tsino高雄
Kahulugang literalTranskripsiyong Hapones ng isang lumang pangalang Siraya
Pangalang Hapones
Kanji高雄市
Kanaたかおし

Ang Kaohsiung ( /ˌkˈʃʌŋ/; Tsinong Mandarin: [kɑ́ʊ̯ɕʊ̌ŋ] ( pakinggan), Wade–Giles: Kao¹-hsiung²; Hokkien POJ: Ko-hiông; Hakka PFS: Kô-hiùng; mga dating pangalan: Takao, Takow, Takau) ay isang pambaybaying-dagat na lungsod sa katimugang Taiwan. Opisyal na natatanging munisipalidad ito na may lawak na 2,952 km2 (1,140 mi kuw) at umaabot mula sa pambaybaying-dagat na sentrong urbano hanggang sa rural na Bulubundukin ng Yushan. Magmula noong 2018, mayroon itong populasyon na 2.77 milyong katao, at ito ang pangatlong pinakamataong dibisyong pampangasiwaan at pangalawang pinakamalaking metropolis sa Taiwan.[4]

Mula nang itinatag ito noong ika-17 dantaon, lumago ang Kaohsiung mula sa isang maliit na nayong nangangalakal sa isang sentrong pampolitika at ekonomiko ng katimugang Taiwan, na may pangunahing mga industriya tulad ng pagmamanupaktura, paggawa ng asero, pagdadalisay ng langis, pagbibiyahe ng kargada at paggawa ng barko. Iniuuri ito ng GaWC bilang 'High Sufficiency'na may ilan sa pinakatanyag na mga impraestruktura sa Taiwan. Ang Pantalan ng Kaohsiung ay ang pinakamalaki at pinaka-abalang daungan sa Taiwan habang ang Paliparang Pandaigdig ng Kaohsiung ay ang ikalawang pinaka-abalang paliparan ayon sa bilang ng mga pasahero. Nakadugtong ang lungsod sa ibang mga pangunahing lungsod sa pamamagitan ng pangmatulin at pangkaraniwang riles, gayon din ang ilang pambansang mga mabilisang daanan. Tahanan din ito ng punong himpilan ng plota ng Hukbong Dagat ng Republika ng Tsina at ng akademyang pandagat nito. Ang maraming mga gawang pampubliko tulad ng Pier-2 Art Center, National Kaohsiung Center for the Arts at Kaohsiung Music Center ay nilayon sa lumalagong mga industriya ng turismo at kultura ng lungsod.

Historical population
TaonPop.±%
1985 2,379,610—    
1990 2,505,986+5.3%
1995 2,619,947+4.5%
2000 2,725,267+4.0%
2005 2,760,180+1.3%
2010 2,773,483+0.5%
2015 2,778,918+0.2%
Pinagmulan:"Populations by city and county in Taiwan". Ministry of the Interior Population Census. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-16. Nakuha noong 2019-08-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Magmula noong Disyembre 2018, ang lungsod ng Kaohsiung ay may populasyon na 2,773,533 katao, at ito ang pangatlong pinakamalaking lungsod kasunod ng Taipei at Taichung, at ang kapal ng populasyon na 939.59 katao sa bawat kilometro kuwadrado.[4] Sa mismong lungsod, pinakamataong distrito ang Distrito ng Fongshan na may 359,519 katao, habang maypinakamakapal na populasyon naman ang Distrito ng Xinxing na may densidad na 25,820 katao sa bawat kilometro kuwadrado.

Mga kambal at kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magkakambal ang Kaohsiung sa mga sumusunod na lungsod.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 《中華民國統計資訊網》縣市重要統計指標查詢系統網. Statdb.dgbas.gov.tw (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2016. Nakuha noong 11 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Demographia World Urban Areas PDF (April 2018)" (PDF). Demographia. Nakuha noong 2016-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 高雄市政府主計處全球資訊網 – 首頁. dbaskmg.kcg.gov.tw (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-11. Nakuha noong 2018-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "人口統計查詢:本市各區里戶口數月統計". 高雄市政府民政局. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-14. Nakuha noong 2019-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Kaohsiung, Panama City forge sister city relations - Politics - FOCUS TAIWAN - CNA ENGLISH NEWS". Focustaiwan.tw. Nakuha noong 3 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]