Kapuluan ng Andaman at Nicobar
Kapuluan ng Andaman at Nicobar अंडमान और निकोबार द्वीप அந்தமான் | ||
---|---|---|
union territory of India | ||
| ||
Mga koordinado: 11°41′N 92°43′E / 11.68°N 92.72°E | ||
Bansa | India | |
Lokasyon | India | |
Itinatag | 1 Nobyembre 1956 | |
Kabisera | Port Blair | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 8,249 km2 (3,185 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2005) | ||
• Kabuuan | 356,152 | |
• Kapal | 43/km2 (110/milya kuwadrado) | |
Kodigo ng ISO 3166 | IN-AN | |
Wika | Wikang Hindi, Wikang Tamil | |
Websayt | https://www.andaman.gov.in/ |
Ang Kapuluan ng Andaman at Nicobar ay isang kapuluang matatagpuan sa pagitan ng Look ng Bengal at Dagat Andaman. Isa itong teritoryong unyon (territory union) ng bansang India, at naglalaman ng 572 mga isla kung saan 37 sa mga ito ay tinitirhan ng tao. Nasa hilaga ito ng lalawigan ng Aceh sa Indonesia, na may pagitan lamang na 150 kilometro (93 milya). Inihiwalay ito ng Dagat Andaman mula sa mga bansang Thailand at Myanmar.
Nahahati ang kapuluan sa dalawang pang kapuluan, ang kapuluan ng Andaman (ilang bahagi) at Nicobar. Pinaghihiwalay ang dalawang kapuluan na ito ng Bambang ng Ikasampung Digri (Ten Degree Channel), kung saan nasa hilaga nito ang Andaman at nasa timog naman ang Nicobar. Nasa silangan ang Dagat Andaman samantalang nasa kanluran naman ang Look ng Bengal.
Ang lungsod ng Port Blair ay ang kabisera ng tertoryo. Tinatayang 8,249 kilometro kuwadrado (3,185 milya kuwadrado) ang kabuuang lawak ng kalupaan nito. Nahahati ang teritoryo sa tatlong distrito: ang Distrito ng Nicobar (kabisera: Car Nicobar), Distrito ng Timog Andaman (kabisera: Port Blair), at Distrito ng Hilaga at Gitnang Andaman (kabisera: Mayabunder).
Dito nakadestino ang Komando ng Andaman at Nicobar, ang kaisa-isang tri-service na komandong heograpikal (geographic command) ng Sandatahang Lakas ng India.
Tirahan ang kapuluan ng Andaman ng lahing Sentinel (Sentinelese people), isang lahing di pa nakokontak. Maaaring ang lahing ito na lang ang natitirang lahi ng tao na gumagamit pa rin ng teknolohiya mula sa Panahon ng Lumang Bato, ngunit ito ay kasalukuyang pinagdedebatehan, dahil may mga ebidensiyang nakita na nagpapahiwatig ng mga kagamitang bakal.
Ang lathalaing ito na tungkol sa India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.